“Woooohhh!!!! Go Kuya Dylan!! Go Green team!!” sigaw namin magkakaibigan.
Ngayon, nagchi-cheer kami for the green team. Foundation day namin kasi ngayon.
First day namin, at 3 days ang foundation day namin.
1st day yung mga sports, 2nd day naman yung Literary musical competition, at 3rd day yung mga booth fairs.
Yung sa sports by color team. Yung sa LitMus naman by year section at yung 3rd day by club naman. Pero wala akong sinalihang club kaya free ako sa booth fairs. Hindi ako mabi-busy that day ‘di tulad nung iba kong classmates ko.
Enjoy lang kami dito ngayon sa foundation fay.
Third year high school nga pala ako.
“Huy. Zenith. Doon na muna tayo sa Volleyball girls. Player ka. Dali. Green vs Blue daw eh.”
Oo, ako si Zenith. Zenith Elton.
“Mamaya na yung green vs blue. Diba red vs yellow muna. Ichi-cheer pa natin ‘tong green team dito sa basketball eh.” Sagot ko sa classmate ko na volleyball player din at green teammate ko rin.
“Hindi papayag si Coach nyan. Naka-sched na lahat ng maglalaro eh. At tayo daw ang mauuna.” Sabi niya ulit.
“Ay teka magsho-shoot pa si Kuya Dylan eh. Go kuya Dylan!!!” –ako
“Hayy naku. Punta na tayo doon!” sabi niya.
Hinila-hila pa ako papuntang volleyball court.
Iitim ako dito eh. Hindi kasi covered itong Vcourt. Buti pa yung nagbabasketball.
Magkatabi lang yung dalawang court kaya lingon ko lang sa gilid kitang-kita ko yung mga nagba-basketball.
Si kuya Dylan. 4th year high school siya. Kaya graduating student siya.
Siya ang school heartthrob dito at MVP player siya.
Crush na crush nga naming magbabarkada eh. Ang sweet kasi sa mga juniors niya at palatawa din siya.
Habang hinahatak ako dito nung ka-teammate ko, naka3 -points si Kuya Dylan. Ang cool lang eh. :D
Nag-start rin kami dito sa volleyball.
1st half nung game, panalo kami. Nawawala ako sa antensyon nung 2nd half na kasi si Kuya Dylan eh, may humarang sa kanya at nagka-sprain pa sa paa. Langyang lalake yung humarang doon.
Nagpa-subsitution muna si Kuya Dylan. Kita ko siya na naka-upo sa corner ng court.
“Sir! Substitution!” sigaw ko sa coach namin during the play at nag-raise ako ng hand para makita niya.
“Sige! Substitution!” sigaw nung coach namin. At umalis ako sa court. May pumalit rin sa akin agad.
Dumiretso ako sa Bcourt. Nilapitan ko si Kuya Dylan. Hindi niya kasama yung iba kasi nga nasa play sila at siya lang ang nag-substitution.
Dun lang ako tumayo sa likod niya.
“Uyyy. Lalapitan na niya. Dali! Lapitan mo na!” pang-asar sa akin ng kaibigan ko nang makita niya ako.
“Ano ba? Hindi na ako nahiya kung gagawin ko yun. Tss” sagot ko.
“Hah? Sino yan?” tunalikod si kuya Dylan nung marinig akong nagsalita.
“Uhhh. Wala.” Sabi ko.
“Dun muna ako Zen ha?” sabi nung kaibigan ko at lumayo siya sa amin saka nanood ng game. Halata ko kung ano ibig-sabihin niya. Tss. Ang kulit lang.
BINABASA MO ANG
Love&Game: Wrong Guy [On Hold]
HumorI love you. That's all. No buts, no because. My stories: Worst Prince My Stalker I fell in love with the wrong guy.