Chapter 1 - Foundation Day Adventures (part two)

18 3 0
                                    

******DAY 2

Day 2 na ng foundation day. Literary Musical Event.

Kahapon, panalo pa rin ang Green Team sa Basketball pero yung sa Volleyball natalo kami nung umalis ako dun.

Kasali ako sa Pop dance at Group Impersonation.

Gustung-gusto kong sinasalihan yung Pop dance. Ewan ko ba. I feel so free when I dance.

Group Impersonation muna bago yung Pop dance. Kinakabahan ako kasi first time ko mag-dance ng hindi hip-hop. At nahihiya ako kasi yung role namin ay pagpapa-cute sa audience.

Nung kami na, itinodo ko na lang ang pagsayaw.

I smiled like I’m in heaven. I pretended to be the happiest girl to dance.

At tinititigan ko yung mga audience. Hinanap ko yung mga kaklase, at ayun. Todo cheer rin sila para sa section namin. Hinanap ko si Kuya Dylan, pero hindi ko siya makita, sa backstage ata siya. Maybe he’s preparing for Pop dance.

It’s my solo turn, at nakatitig ako sa audience. Nagsmile ako at nagli-lip sync.

Nakatitig ako sa iisang tao. Iisang lalake. Hindi ko namalayan kung sino sa sobrang kaba ko.

Tapos na yung Group Imper. Namin.

Tapos yung pop dance na naman. Hindi na ako kinabahan kasi naibuhos ko na lahat ng kaba ko sa Group Imper.

I danced so freely. Sinakyan ko yung mga kanta na sinasayaw namin. Kapag astig, astig. Kapag galit, galit rin. At kapag hambog, hambog rin dapat.

Pero nawalan ako ng lakas nung nalaman ko na hindi kami nanalo sa pop dance. Naka3rd place naman kami sa impersonation.

Nung pabalik kami sa dressing room para mag-palit, nadaanan naming yung mga 4th years na papunta sa opposite direction namin. Kasam nila si Kuya Dylan.

“Oh, Zenith. Galing ah!” nag-ayos sign pa siya.

“Ah thank you.” Nag-smile ako sa kanya.

“Ganda mo ngayon.” Sabi ulit niya.

“Thanks ulit.” Sabi ko.

At kumaway siya nung malayo na siya samin.

Love&Game: Wrong Guy [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon