(One Shot)
Panu mo ba masasabing mahal mo ang isang tao?
Pag lagi mo siyang iniisip? Pag ngumingiti ka nalang bigla pag naalala mo sya? Pag di ka makatulog at pati sa paniginip andun sya?
Siguro nga...
15 years old palang naman ako at highschool lang kaya di ako sigurado.
Pero isang bagay lang ang alam ko na naging dahilan kung paano ko nalamang mahal ko na siya...
Nung makita ko siyang masaya kasama ang iba...
Sumakit yung puso ko. Hindi yung tipong parang sa heart Attack ang peg. Mas malala, mas masakit.. Kasi paulit-ulit.
Mas mabuti pa siguro yung heart attack kasi pag uminom ka na ng gamot mawawala yung sakit. O kaya mawawalan ka ng malay at di na mararamdaman yung sakit.
Itong nararamdaman kung sakit kasi ngayon para akong unti-unting pinapatay. Pero kahit ganu kasakit, gising parin ako, dilat parin mata ko, nakikita ko parin kung ganu sya kasaya habang kasama ang iba.Parang paulit-ulit na sinasaksak ng kutsilyo yung puso ko. Tapos binudbudan pa ng asin at paminta, then nilagyan ng toyo't suka. Wow bawang at sibuyas nalang, adobo na ang peg ng puso ko..
Pero sana joke nalang yung nararamdan ko para sa kanya.
Para pagkasabi ko ng joke tatawa lang ako tapos lilipas din yun at makakalimutan ko.
''Hi, Miszha.''
napabalik nalang ako sa ulirat ko ng marinig ang boses ni Zake.
Napanguso ako nung makita siya. Nagtatampo parin kasi ako sa kanya.
Iniwan nya ako kahapon kasama yung ibang barkada namin sa galaan para lang makipagdate dun sa hipon nyang nililigawan.
''Anu ba yan bes. Wag ka ng magtampo. Pumapangit ka pag nakanguso. Nagmumukha kang pato.'' sabi nya sabay pisil ng mga pisngi ko. Di ko tuloy maiwasang mapasigaw.
''Zake!!BITAW..!!'' sabi ko tapos binatukan sya. Napahawak ako sa pisngi ko nung mabitawan nya yun dahil sa batok ko..
''Aray bes.. Ang brutal mo talaga.'' sabi nya habang hinihimas yung binatukan ko. Hahaha buti nga sa kanya.
''Bakit sa tingin mo hindi masakit yung ginawa mo.!'' sigaw ko sa kanya. Waaah!! Double meaning ata yun.
''Ang cute mo kasi.'' sabi nya at akmang pipisilin naman yung pisngi ko kaya inambahan ko sya ng suntok.
''Peace bes..'' sabi nya habang nakapeace sign yung dalawang kamay at nakangiti ng parang aso. Ei tadyakan ko kaya to.
''Hoy! Kayong dalawa. Tama na yang lambingan nyo. Tayo na sa canteen. Gutom na kami.'' sigaw ni Amysll na isa sa mga siraulo kung barkada. At sunod sunod ng nagreklamo ang mga iba pa naming kasama na ang iingay parang nasa palengke. Sarap nilang pasakan ng tape sa mukha I swear.
''Para di ka na magtampo. Lilibre nalang kita ng lunch..'' sabi ni Zake na tumayo na at hinila na ako papuntang canteen. Nasa likod kami nung mga asungot ko pang kaibigan na di makapaghintay, parang tatakbo ano mang oras yung canteen at di na sila makakakain forever.. 'duh'.. Walang paa yung canteen.
Pagdating namin dun nag order na kami. Umorder ako ng spaghetti, 2 fried chicken, 2 fries, isang slice ng pizza, malaking coke at 2 slice ng choco fudge cake. Yum yum yum.. Sarap ng pagkain lalo na at libre. hehehe.
''Atin na bang dalawa yan?'' tanung ni Zake na nasa likod ko.
''Hindi ah.. Akin lang toh. Mag-order ka ng sa'yo..'' sabi ko tas kinuha yung tray tapos hinarap ko si ateng tindera.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU BESTFRIEND (ONE SHOT)
Romance...This is a one shot story.. I don't know what came into me and wrote this one. Maybe I just want to try if I could write a good one shot story. Enjoy reading guys..