one shot story

0 0 0
                                    


Gumising ako ng 6:00 am para di ako malate sa pag pasok ko. Medyo malayo kasi tong bahay namin sa school na pinapasukan ko e. Skl.

"Mag saeng ka muna bago ka umalis ah, mag hugas at mag walis ka na din lam mo namang di maaasahan yang kapatid mo, tapon mo yung basura pag may dumaan mamaya ah tapos lagyan mo ng tubig yung mga balde. Yung baon mo nasa TV alis na ko"

Sabi ng nanay ko.

"Ge" yan lang sagot ko.

Hindi pa ko nakakatayo dahil kakagising ko lang. wala pa ko sa wisyo pero wuy di naman sa hindi ako magalang ah, sadyang ganyan lang ako mag react sanay naman na yan si mader.

Maaga din kasi umaalis si mama para pumasok sa trabaho and proud akong isigaw na labandera sya dahil marangal na trabaho yun no at di yun madali.

Nag asikaso na ko at ginawa ang dapat kong gawin.

Otw na ko papasok at nasa jeep na ko. As usual traffic na naman. Ito ang dahilan kung bakit maaga ako umaalis ng bahay e.

Pano kaya no? Isipin mo hindi mo kailangan gumising ng maaga, mag asikaso, mag madali kung alam mo na walang traffic. Tipong yung oras na nasa gitna ka ng traffic ay dapat tinutulog mo pa diba. *pwede ka naman matulog sa sinasakyan mo* no, iba pa din yun.

Pero dahil wala naman tayong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan na kasama na sa buhay natin ang salitang traffic. Edi sige, matutulog na lang ako dito sa jeep. May choice ba ko?  Wala nga diba.

Nakarating na ko sa school.

"Mayyyyyyksss"

Imbes na dumirecho ako sa room lumiko ako bigla dahil isang di kagandahan ang bubungad sakin sa loob ng silid na yun.

"Bruha dito room mo!"

Rinig kong sabi nya.

Pumasok ako sa kabilang pinto. Same room. Diba dalawa pinto non.

Tapos pumasok sya.

"Gago"

Sabi nya habang lumalapit sakin.

Umupo ako sa bandang dulo. Ganon naman diba?  Pag bida ka sa kwento dapat sa dulo ka pumwesto. Charr.

"Haha bobo mo,  di pwedeng pumasok sa kabilang pinto?"

Hinampas nya ko at umupo sya sa harap.

"Bwisit ka. Nga pala nakita mo na ba sya?"

Kinuha ko yung phone ko at nag fb na.

"Sino?"

Parang mali atang nag online ako dahil pag mumuka agad ng lalaking yun ang bumungad. Pero hindi sya yung nag post.

*flex ko lang yung boyfriend ko* caption.

"Kapal nang muka mag flex e inagaw lang naman nya!"

Kinlose ko yung fb ko at inopen yung Twitter.

Parang tanga to si alexa apaka lakas pa ng boses akala mo wala sa classroom yung pinaparinggan nya.

Tinignan ko sya.

"Sino nga? "

Ngumiti naman sya ng nakakaloko.

"Si seth! "

Excited nyang sabi.

"Ahh hindi e"

Maya maya pa naramdaman kong may humawak sa buhok ko.

"Speaking of the devil"

Tinignan ko sya na para bang 'luh maka english kala mo malakas'

"Kala ko pinag ttripan lang ako nito ni alexa e hahaha"

Tinignan ko sya nagtataka.

"Akala ko ba lilipat ka ng school?"

Lilipat naman talaga ko ng school pero naurong lang kasi baka next sem nalang daw sabi ng kuya ko.

"Hindi mo naman kailangan lumipat ng school e"

Nag pantig ang tenga ko ng marinig ko yun.

"Kausap ka? "

Mataray na sagot ni alexa kay fern na bigla biglang sumasabat sa usapan namin. Napaka chismosa naman nito. Nasa gilid lang to kanina ah.

Inirapan nya si alexa at tumingin sakin. Ngumiti sya.

"Bakit ka lilipat ng school Mayks?"

"Pakealam mo ba? Bakit ka sumasali sa usapan namin? Tropa ka ba?"

G n G naman to si Alexa.

"Lilipat na kasi kami ng bahay"

Simple kong sagot.

Tumawa sya.

"Lilipat? Seryoso? Di nga?  Baka naman di mo kinaya"

"Kinaya ang alin?"

Nga pala sya si Fern ang umagaw sa boyfriend ko. I mean, sya na ang bagong girlfriend ng dati kong boyfriend. Basta nagulat nalang ako sila na pala ni hindi ko nga alam na break na pala kami e. Bigla nalang syang di nagparamdam #Ghosting

"Hoy bruha ka! Ang kapal din talaga ng mukha mo eno? Paki tanggal nga yang blush on mo na nasa ilong para marealize mong hindi ka flex flex yung jowa mong inagaw mo lang sa iba. Monggi ka ba? Kulang ka ata sa aruga e, gusto mo tampalin kita nitong hills ko? Dun ka nga sa mga kaibigan mong tukmol"

Wow Alexa,  ikaw ba yung inagawan? Masyado kang trigurd.

Tinaasan nya ng kilay si Alexa at umalis nalang.

"Parang gagu to ikaw ba ex ni Bren?"

Tumawa si seth.

"Alexa pa ba?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chill langsWhere stories live. Discover now