*******DAY 3
Booth fairs naman sa 3rd day.
May Marriage booth, blind date, horror booth, jail booth, at love knot.
First na napuntahan ko is yung marriage booth.
Hinuli kasi ako nung kabarkada ko na officer ng Student Gov at sila yung handle sa Marriage booth.
Sabi niya si Kuya Dylan daw yung magiging husband ko.
Pagkapasok ko, mukhang kami yung pangatlong ikakasal. Maliit pa kasi yung tao sa loob.
Nasa waiting lists ako. At pinaupo ako sa gilid. Sa likod ko naman may nakaupo rin na lalake.
Napalingon ako sa kanya. Pamilyar siya. Pero ‘di ko matandaan yung name niya, ang alam ko 2nd year siya.
Pumasok yung kabarkada kong officer sa SG at may tinanong yung 2nd year sa kanya.
“Ate, sino pala ang partner ko?” tanong niya.
“Secret kaya yun! Basta wait ka lang.” sagot ng kabarkada.
"Huy! Eh ako? Sino yung akin?” tanong ko rin.
“Hindi naming mahuli si Kuya Dylan. Ang bilis kung tumakbo. Klarong klaro yung fast runner eh. Haha” sabi niya.
“Izza!” tinawag siya nung kabarkada rin namin na si Elissa. At napalingon rin si Izza.
Hindi lumapit si Izza kasi may minouth sa kanya si Elissa.
“Halika.” Biglang hinawakan ni Izza yung sleeve nung 2nd year na lalake kanina.
“Ay teka, ate. Ikaw lang pala makaka-partner ko, ‘di mo sinabi agad.” Sabi nung lalake.
“Ma-shock na ako kung hahatakin ka bigla nang mapapangasawa mo.” Bigla kong react.
“Ikaw rin. Halika. Kayo na lang pagkat, hindi mahabol-habol ang mga asawa niyo.”
O.O Bigla ba naman akong hawakan at pinaupo sa isa sa dalawang upuan na nakaharap sa lalakeng nap-play as pare.
“Oy teka.” Sabi ko pero parang walang narinig ‘tong mga ‘to.
“Tententenen Tententenen.” Kanta nang mga officers.
Pagkaupo namin, nag-ask yung kunwaring pare.
“You, Andrew, do you take this lovely girl as your wife?”
Maikli lang yung tanong kasi booth lang ito.
“Oh yeah. Hahaha.”
Tumawa pa siya. At tumawa rin yung 4th year na kunwaring pare.
Kapag nag-NO ka, magbabayad ka ng 200. Kaya no choice ka. Haha.
“You, Zenith, do you take this great man as your husband?” tanong naman sa akin nung 4th year officer
“Yes, I don’t” sabi ko.
“Again?”
“Joke lang. I do.” Sabi ko at agad-agad kumuha ng ring at isinuot.
Pagkatapos pumunta kami sa next na place, where the newly wedded couple will eat.
Pagkatapos mag-pipicture kayo sa heart.
Pero, may bayad ang lahat ng yan. At yung lalake lang ang mgababayad. Hahaha.
Pagkatapos ng lahat ng yun ay lumabas na kami.
BINABASA MO ANG
Love&Game: Wrong Guy [On Hold]
HumorI love you. That's all. No buts, no because. My stories: Worst Prince My Stalker I fell in love with the wrong guy.