Chapter Eleven

841 37 30
                                    

-Athena

Pagkatapos ng komosyon na nangyari sa pagitan nila seth at lance..ay mas lalong nagulo ang isipan ko..ramdam ko yung tensyon na namumuo sa pagitan nila..ramdam ko na may pinanggagalingan ang galit ni seth kay lance..napaisip ako at pinatagpi-tagpi ang mga pangyayari sa pagitan nila kanina..galit si seth kay lance at hindi lang basta galit ito..kundi parang may kadikit pa itong poot,pagkamuhi at pagkabigo?!di ako sigurado kong tama ang pagkakaintindi ko sa mga nakita at narinig ko kanina..basta ang alam ko lang ay kailangan kong alamin ang dahilan..kailangan kong tuklasin ang katotohanan..pero may karapatan ba ako?may karapatan ba ako na manghimasok sa buhay ng dalawa gayong kahit ang sarili ko ay niloloko ko..

Huminga ako ng malalim at nagdesisyong alamin ang tunay na dahilan..agad kong hinanap si seth sa paligid ng pool area..halos lasing na ang lahat ng mga tao sa paligid ko sa mga oras na yun..yung iba naman ay patuloy pa din sa pag-inom..kahit si lance ay di ko na nasilayan sa mga oras na yun..naglakad ako papuntang likod ng kitchen..at nakahinga ako ng maayos ng makita ko si seth na nakaupo sa sulok..palapit na ako sa kaniya ng makarinig ako ng dalawang boses ng lalaki..

"Gusto mo pare,.tirahin na natin ang lance na yan?naririnig kong pagbubuyo ng isang lalaki..madilim ang lugar kaya di ko maaninag ang mukha ng lalaking kausap nya..tanging ilaw lang sa kitchen ang ngsisilbing ilaw sa labas ng bahaging kinauupuan ni seth..

Tumigil muna ako sa kinatatayuan ko at pansamantalang nakinig sa usapan ng tatlong lalaki..

"Oo nga pare..di bat matagal ng may atraso sayo si lance..gusto mo tirahin na natin yung ulol na yun..gatong naman ng isa pang lalaki...

Di ko na ipinagpatuloy ang sumunod na sasabhin nila..dahil agad na akong lumapit at tumayo sa harapan ni seth.

n

"Seth..kailangan natin mag-usap..panimula ko..kung pwede yung tayong dalawa lang..dagdag ko pa habang nakatingin ako sa dalawang kasama niya..

"Ooopss..sabi ng isang lalaking kasama ni seth..tumayo ito kasabay pa ng isang lalaki..

"Alis na muna kami pre..sabi ng dalawang lalaki sabay tapik sa balikat ni seth..

Tumango lang si seth at umurong sa kinauupuan niiya..naglaan sya ng kaunting espasyo upang makaupo ako..

..

"Ano ba ang gusto mong pag-usapan?pagod at diretsong bungad na tanong ni seth sa akin.

Napaupo ako at tinabihan sya.

"Bakit mo sinuntok si lance?nag-aalangan kong tanong kay seth..habang nakatingin ako sa kawalan..

"bastos ang bunganga niya..matipid at madiin nitong sagot sa akin..

"Pero pinsan mo sya...for gods sake..malakas ang boses ko at pinipigilan ko ang pagkakairita ko kay seth..

"Hindi ko sya pinsan...ni hindi ko sya kaano-ano..bulalas ni seth..malakas na.ang boses nya

at galit na ito..

"Ano?!gulat kong sabi..napalunok ako at namutla..

"Anong ibig mong sabihin?mabilis kong tanong kay seth..

"Nagsinungaling ako sayo.diretso at walang paligoy-ligoy na sagot ni seth sa akin..

"Pero bakit?!patanong kong sagot sa kanya..

"Gusto mo ba talagang sagutin ko ang tanong na yan?napatingin sya sakin at napayuko..

Sa mga oras na ay ramdam ko ang kahinaan ni seth..kaya tumango lang ako at napatitig sa kanya..

Nagsimulang ikwento sa akin ni seth ang nakaraan nya..ikwenento nya ang dati nilang ugnayan ni lance..ikwenento nya kong paano nya nakilala ang isang babaeng minsan nya minahal ngunit mabilis din syang iniwan..sa mga oras na inilalabas ni seth ang tunay na ugnayan nila ni lance ay di ko napigilan ang. makaramdam ng awa..nakaramdam din ako ng paghanga kay seth...nang matapos na si seth magsalita ay di ko napigilang lumuha..

"Sapat na siguro ang nalaman mo..para tuluyan mo ng layuan si lance..diretsong sabi ni seth sa akin..

Tumango lang ako at di ko napigilang mapahawak sa kamay niya..

Sa mga sandaling nakasama ko si seth ay nakaramdam ako na pwede ko syang pagkatiwalaan..nakaramdam ako ng konsensya at napaisip ako na sabihin sa kanya ang totio kung pagkatao..

"May kailangan kang malaman seth..may pag-aalinlangan kong nasabi sa kanya..takot ako at kinakabahan..

"Ano yun?nagtataka nyang tanong sa akin.nakakunot ang mga kilay nya at nangungusap ang mga mata..

Napatigil ako at nagdalawang isip na sabihin kay seth ang totoo..

"ano yun athena?ano ang kailangan kong malaman?tanong ulit ni seth..

Hindi pa din ako nakapagsalita..at nanatiling tahimik sa kinauupuan ko..

"hindi kita pipiliting sabihin

sa akin kung hindi ka pa handa..mahinahon na sabi ni seth..

"binabawi ko na din ang kasunduan nating dalawa..dagdag pa ni seth..

"ayoko seth..gusto kong tulungan ka..gusto kong managot si lance sa ginawa nya sayo....nag-aalangan kong sagot agad kay seth..

"salamat..panimula niya..wag kang mag-alala..iingatan kita..pero di ko maipapangako ang iwasang mahalin ka..makahulugang dugtong ni seth..habang nakatitig sya ng diretso sa aking mga mata.

Napayuko ako at naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko..napahawak ako sa dibdib ko.at di ko naiwasang dumistansya kay seth sa kinauupuan ko..

"biro lang...biglang bawi ni seth...so..its a deal..nakangiting sabi nya sabay abot ng kamay nya sa akin..

Nakahinga ako ng maayos at napangiti kay seth..

"Deal..nabubulol kong sagot sa kanya habang nakangiti ako..

Borrowed Visage(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon