Ano Ba Ang Totoo

61 2 3
                                    

Ano itong nararamdaman ko

Nangungulila ba ako

Sanay na akong wala ka

Dahil may bago ng nakakasama

Mga bagong kaibagan

Na maaasahan

Bagong nagmamahal 

Sa tulad kong di hangal

Sila ang sumalo

Sa oras ng nagkagulo

Dulot ng di pag-uunawaan

Ng ating barkadahan

Ngunit bakit ganito

Ika'y hinahanap ko

Syang naging katuwang

At aking nakagisnan

Pinilit kong kalimutan ka

Upang tayo'y magbago na

At ang awaya'y maiwasan

Na nagdudulot ng kasakitan

Kahit gano kadami ng nagmamahal sayo

Darating at darating ang araw na ito

Iyong maalala

Kaibigan asan ka

Kahit gaano mo ito itago

Lalabas pa rin ang totoo

Hahanap-hanapin sila

Ng di sinasadya

Maaalala nakaraan nila

Pagmamahal na dulot niya

Damayang walang humpay

Sa panahong walang kulay

Ngayon aking nalaman

Hanap ka pa rin ng aking laman

Kaya ang tanging sambit ko

Ibang-iba pa rin sa piling mo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ano Ba Ang TotooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon