Pakikipagsapalaran

7 0 0
                                    


Sa bawat paghakbang ng kaniyang mga paa,
May kung ano siyang nadarama—nag-iisa, walang kasama.
Tinatahak ang madilim at malubak na kalsada.
Pinipilit na lamang mabuhay,
Kahit sa loob-loob nito—siya'y patay.


Masakit, mahapdi, pakiramdam na hindi mawawari.
Tumitimo papunta sa kaniyang puso.
Napapatingin sa kalangitan,
Pinagmamasdan ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Hindi niya gusto ang ulan, sapagkat...
Sa tuwing umuula'y siya ang nasasaktan.
Siya'y naglalakbay sa mundo ng mga buhay,
Marahil, iniisip niyang siya'y isa nang patay.
Wala na siyang karapatan,
Ang kaniyang pananatili sa mundo'y wala nang katuturan,
Pinipilit na lamang ihakbang, ang mga paa na wala nang pakiramdam.

Nakikisamaluha sa marami—bumabati.
Ngumingiti—nagpapanggap sa harap ng marami.
Napatingala siya sa kawalan...
At nakita niya, ang asul na kalangitan.
Maging ang magandang kulay—Luntian.

Luntian...

Ang maberdeng kulay ng kapaligiran—Luntian.
Siya'y nagalak,
Ang buhay ay unti-unting nawawalan ng bitak,
Ang salitang iyon, ang pangalan na iyon...
Siya ang dahilan, kung bakit ang buhay ay nagkakasaysay.
Isang estrangherong maituturing,
Ngunit naging kapitak ng pusong may hapdi.
Niyakap ang isang pagkakataong minsan lamang dumating.
Dinama ang pag-ibig ng mga bagong nakakapiling,
Wala nang makakapalis ng kaniyang tunay na ngiti.
Sa mga kapatid at kaibigang kaniyang kinanlungan,
Magpakailanman.

Naging bibo, kahit mukha nang suso.
Naging palakaibigan, hinarap ang pakikipagsalaran,
Iwinawaglit ang nakaririmarim na nakaraan,
Nang dahil sa kulay luntian.

Ang luntian,
Ang magandang kulay luntian.
Ang kaniyang kahati, kakambal—si Luntian.
"Huwag ka nang umiyak, handa ang mga kamay na 'to sa isang mainit na yakap."
Binuksan niya ang kaniyang bagong kapalaran,
Tinatahak ko na ang tuwid, at maaliwalas na daan.
Ngunit ngayon...

Sa kaniyang paglalakbay, hindi na siya mag-iisa.
Sapagkat sa bawat pagtahak niya sa bagong gawang kalsada,
Alam na niya... na may makakasama siya.

"Maraming salamat sa bagong simentong daan, Luntian.
Nang dahil sa iyo'y hindi na ako mahihirapan, tahakin ang bagong pakikipagsapalaran."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Creation-[On GOING] (Unedited)Where stories live. Discover now