|*|
Amber's Pov
Napatulala ako nang biglang nagsitakbuhan yung mga lalaking humarang sa akin kanina. May ilang nadapa pa sa kanilang pagtatakbo habang sila'y sumisigaw.
Hindi ko makalimutan ang ginawa niya kanina. H-Hinagis niya lamang ang isang lalaki sa pader gamit ang isang kamay? Dahan-dahan akong lumingon kay Kley na ngayon ay hinuhubad ang kaniyang suot na pantalon.
"W-What are you doing?"
Tinapunan lamang ako nito ng tingin at pinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Dinampot ko ang cellphone kong nagkalasog-lasog ang parte dahil sa natapakan ng mga lalaki nang sila'y nagsitakbuhan.
Nagulat ako nang ipinalibot ni Kley ang kaniyang suot na pantalon sa aking leeg, "Don't remove it." Inayos niya rin ang napunit kong uniporme bago ako tinitigan sa aking mga mata.
"Next time be careful, there's no knight in shining armor who's going to save you from death."
Tinitigan ko lamang ang papalayo niyang bulto habang boxer lamang ang kaniyang suot. My jaw dropped. W-What the hell?
Did he really just save me?
Oh my gosh!
NAKAILANG buntong-hininga na ako habang tinititigan ko ang cellphone ko. Paano ko na lamang maco-contact sila Daphney at Francis? And even Areal...
Napailing na lamang ako. Napakamalas ko talaga. Hindi ko alam kung may imamalas pa ako. Napulot ko na nga lang iyon tapos ganoon pa ang nangyari, pero masaya ako dahil niligtas ako ni Kley at nakauwi ako ng buhay sa bahay namin.
Buti na lamang ay wala pa rito si Tatay sa bahay kaya malaya kong magagawa ang gusto kong gawin. Pinatay ko na ang kalan nang matapos kong mailuto ang sinaing at binuksan ko naman ang lata ng sardinas para sa aking ulam.
Taimtim akong kumakain hanggang sa malakas na bumukas ang pintuan ng kubo namin. Napasinghap ako dahil sa lakas ng ingay na dulot nito, "Amber, ipaghain mo ako!"
"O-Opo."
Tumalima kaagad ako at sinunod ang utos ni Tatay. Base sa kaniyang kilos ay halatang lasing siya. Basang-basa ang kaniyang damit at may bahid pa ito ng putik, "T-Tay, magpalit ho muna kayo ng d-damit."
Tumitig ito sa akin at tumango, "Mabuti pa nga. Ikuha mo ako para magkaroon ka ng silbi!"
Dumiretso ako sa cabinet na naglalaman ng damit ni Tatay. Kumuha ako roon ng isang mahabang damit bago bumalik sa kinaroroonan ko kanina. Inilapag ko ito sa lamesa at akmang pupunta na ako sa kwarto ko nang biglang humiyaw si Tatay.
"A-Aray!"
Nanlaki ang aking mata nang dumausdos si Tatay sa lapag habang sapo-sapo ang kaniyang puso. Dinaluhan ko naman agad ito, "T-Tay! A-Anong nangyayari sa'yo?!"
"M-Masakit dibdib ko..."
Nanlalaki pa ang mata ni Tatay kaya napasigaw na ako, "Tulong! Tulungan niyo kami!"
NAKAYUKO ako habang nasa labas ng emergency room. Hinihintay ko ang magiging resulta kung ano ang nangyari sa Tatay ko. Kahit na ganoon ang ginawa niya sa akin ay hindi ko makakalimutang siya pa rin ang bumuhay sa amin nang mawala si Papa.
Siya ang nagpalaki sa akin...
Napatayo ako nang lumabas ang doctor mula sa kwarto kung nasaan si Tatay, "D-Doc, ano pong nangyari sa Tatay ko? Ayos na po ba ang lagay niya?"
Tinanggal nito ang suot na mask at umiling sa akin, "Your father has an Myocarditis. It is an inflammation of the heart muscle. It can affect his heart muscle and his heart's electrical system, reducing his heart's ability to pump and causing rapid or abnormal heart rhythms."
"P-Po? Ano pong maaring gawin o lunas dito?"
"Rest and medication to help his body fight off the infection causing myocarditis might be all he need. Although antiviral medications are available, they haven't proved effective in the treatment of most cases of myocarditis."
Napanganga ako dahil sa sinabi ng Doctor, "Ano po ang posibleng rason bakit may ganoon ang Tatay ko?"
"I think your father has a Chlamydia. Chlamydia is a common sexually transmitted disease. It is caused by bacteria called Chlamydia trachomatis. It can infect both men and women. Women can get chlamydia in the cervix, rectum, or throat. Men can get chlamydia in the urethra, rectum, or throat."
Hindi nga malabo na magkaroon ng ganoon si Tatay dahil ang bali-balita ko ay kung sino-sino ang pinapatulan nito sa labas kapag siya'y nakakaramdam ng init. P-Posible kayang may ganoon din ako? Posible iyon dahil nagawa na namin iyon.
Napalunok ako at muling nagsalita ang Doctor, "He needs to undergo a test. Electrocardiogram. This noninvasive test shows his heart's electrical patterns and can detect abnormal rhythms."
Tumango-tango lamang ako sa sinabi nito bago muling napaupo, "S-Salamat po..."
"Excuse me."
Umalis na ang Doctor. I sighed heavily, tiyak na malaking pera ang kakailanganin ko kung hindi pa ngayon lalabas si Tatay. Mag-uundergo pa siya ng test at alam kong mahal iyon at hindi ko kakayanin.
Nanginiginig kong kinuha ang cellphone ni Tatay sa aking bulsa at binuksan ito. Napaluha ako nang makitang picture ni Mama ang wallpaper nito, keypad lamang ang cellphone ni Tatay at alam kong iyon pa ang dating iniregalo sa kaniya ni Nanay.
I dialed the number of the person who I think that can help me to pay our expenses, "S-Sir Kevin..."
"Oh, Aimee! Why are you absent today? Is there any-"
"S-Sir, I need your help."
BINABASA MO ANG
GREEK 2: Unmasked (R18) (Completed) HINOVEL
Ficção GeralIsang babae pero dalawa ang katangian. Anghel sa umaga, demonyo sa gabi. Anong mga misteryoso ang ginagawa niya kapag sasapit ang alas-diyes ng gabi? Paano kung ang nakasanayan niyang gawin ay magpabago ng buhay niya? Paano kung ang lalaking iniido...