HUSH!
Alas tres na ng madaling araw pero patuloy pa rin sa kanyang pagtipa si Matteo sa kanyang laptop dahil balak nitong tapusin ang kanyang thesis. Tahimik ang buong sulok ng kwarto ni Matteo, ang tanging maririnig lamang na ingay ay ang ingay na nanggagaling sa pagtipa sa kanyang laptop. Mag-isa lamang si Matteo sa kanyang tinutuluyang apartment kaya hindi katakataka na tahimik ang buong lugar.
''ahhh'' napainat ito sa kanyang upuan pagkatapos ay humikab dala ng kanyang antok.
Dala-dala ang kanyang telepono ay naisipan nitong bumaba ng kanyang kwarto at tumungo sa kusina upang gumawa ng kape - upang magising ang kanyang diwa. Habang nagtitimpla ng kanyang kape si Matteo ay bigla na lamang tumunog ang kanyang telepono.
*Ting.
Message received.
Message received.Nagtatakang tinignan ni Matteo ang kanyang cellphone at napakunot ang kanyang noo ng makita na unregistered ang number na nagtext sa kanya. Ngunit mas lalo itong nagtaka ng mabasa ang test message.
''HUSH!'' napailing ito ng maisip na baka kaibigan niya ang nag sent nito sa kanya.
''Anong kalokohan na naman 'to, Jerson? Hating gabi na, gumagawa ka pa ng katarantaduha. Tigil-tigilan mo 'ko, ah'' pagkatapos na i-send ito ni Matteo ay bumalik na ito sa kanyang kwarto dala dala ang kanyang tinimplang kape. Muli na sana itong babalik sa kanyang pagtitipa sa laptop ng makita niyang nawala ang lahat ng nai-tipa niya.
''Shit! Nasaan na yung files?!'' kinalikot niya ang kanyang laptop, hinanap ang files na ginawa niya ng buong magdamag, ngunit wala ni anino nito ang kanyang nakita.
*Ting.
Message received.
Message received.*Ting.
Message received.
Message received.Sunod sunod na tumunog ang cellphone ni Matteo kaya kahit hinahanap niya ang files na ginawa niya kanina ay dinampot niya ang kanyang cellphone at tinignan kung sino na naman ang nag-text sa kanya. Sa ikalawang pagkakataon ay napakunot na naman ang kanyang noo ng makitang galing na naman ito sa unregistered number.
''HUSH!''
''HUSH!''
Hindi pa niya tapos tignan ang lahat ng message na dumating sa kanya ng biglang namatay ang ilaw sa kanyang kwarto. Nagpatay sindi ito na parang may pumapakialam sa switch nito, ngunit siya lang ang tao sa kanyang apartment.
''AHHHHHHHHHHHHHHHHH''
Napatakip ng tainga si Matteo ng makarinig siya ng sigaw ng isang babae na animo'y sinusunog sa apoy. Sinubukang hanapin ni Matteo kung saan nanggagaling ang tunog na iyon pero isang nakakapanindig balahibo ang kanyang nakita. Ang keyboard ng kanyang laptop ay kusang nagtitipa.
''HUSH!''
Salitang nabasa ni Matteo mula sa screen ng kanyang laptop. Paulit-ulit na nagtitipa ang keyboard ng parehong salita ''HUSH!''.
''AHHHHHHHHHHHHHHHHH'' mas lumakas at tila mas malapit na ang boses ng isang babaeng sumisigaw sa kanya. Sa takot ni Matteo ay tumakbo ito patungo sa pintuan ng kanyang kwarto. Sinubukan nitong lumabas ngunit tila ang pintuan ng kanyang kwarto ay naka-lock mula sa labas nito.
''Shit! BUKSAN NIYO 'TO!'' Sigaw nito habang patuloy na sinusubukang buksan ang pintuan. Paulit-ulit niyang kinakalampag pintuan ng kanyang kwarto pero kahit na anong gawin niya ay hindi man lamang ito nabuksan.
''Shit! What the heck! Magbukas ka naman!'' nanginginig na ito sa takot pero nagtatapang-tapangan pa rin siya.
Ilang minuto pa ang dumaan hanggang sa unti-unting nawala ang ingay na naririnig niya. Ang pagtipa sa keyboard ng kanyang laptop, ang boses ng babaeng sumisigaw. Panandaliang natahimik ang buong kwarto. Ang ingay na nanggagaling sa pagkalampag ni Matteo sa pinto ay nahinto rin. Pinapakiramdaman ni Matteo ang kanyang paligid pagkatapos tinignan ang kabuuan ng kanyang kwarto. Napahinga ito ng malalim at napaupo sa harapan ng pinto.