Dedicated kay SecretlyImee
______________________________________________________________
Ang Babaeng Assuming (A Katsumi Kabe Fanfic)
ni Ajanee
Palagi na lang kitang napapanaginipan, nahuhuling nakatingin sa akin, pinapansin mo pa rin ako kahit alam mong may gusto na ako sayo, sinusungitan mo ang ibang babae pero ako hindi, at concerned ka sa akin...
Hindi ko tuloy mapigilan ang mag-assume...
Na may gusto ka na rin talaga sa akin...
***ASSUME NUMBER ONE
"Wake up to the air that I'm breathing"
Teka...
Totoo ba 'to?
"Can't explain this feeling that I'm feeling."
Bakit mo ako kinakantahan, Katsumi?
"I won't go another day without you."
Lumapit ka pa sa akin at hinawakan ang kamay ko sabay ngumiti ng pagkatamis-tamis...
"Without you..." hinigpitan mo pa lalo ang hawak sa kamay ko pero 'di ako nasaktan sa halip sobrang natutuwa pa ako. Ang sarap sa pakiramdam na hawak mo ang kamay ko.
"K-katsumi, bakit mo 'to ginagawa?"
Tinapat mo ang hawak mong kamay ko sa tapat ng puso mo na sobrang bilis ng tibok at sinabing, "Eunice, kasi--"
*KKRRRIIIINNNNNGGGGGG*
Dinilat ko ang mata ko at...
"Panaginip na naman?" nakakainis. Nakakatuwa. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Natutuwa ako kasi kahit panaginip at least nakakasama kita at sa panaginip na iyon pareho tayo ng nararamdaman salungat sa realidad...
Nakakainis... kasi sa bawat panaginip na kasama kita at pareho tayo ng nararamdaman, binibigyan na naman ako ng dahilan ang para maghangad sayo na mahal mo rin ako at...
Pinapamukha sa akin na hanggang panaginip nalang talaga...
"HNGGGG!" binaon ko yung ulo ko sa unan at sumigaw.
"Uy alam mo ba?"
"Ano?"
"Kapag napanaginipan mo daw ang isang tao, may instances na iniisip ka daw niya bago ka matulog!"
"Talaga! Sa'n mo nalaman?"
"Nabasa ko sa internet!"
"Ibig sabihin... iniisip niya ako?! KINIKILIG NAMAN AKOOO"
Napalingon ako sa dalawang katabi ko habang nag-aayos ako ng gamit sa locker.
Kapag napanaginipan mo ang isang tao?
Ibig sabihin iniisip ka niya?
Umalis na yung dalawang babae pero nakatayo parin ako doon at iniisip ko yung narinig ko.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Assuming [Oneshot]
Short StoryIsang maikling kuwento tungkol sa isang babaeng palaging naghahangad sa taong mahal niya... in short?! ASSUMING lang!!! (A Katsumi Kabe FanFic)