Beast is Tamed By You
--------------------- A/N----------------------
SORRY GUYS TO THE WRONG GRAMMAR AND TYPO SANA MAENJOY NIYO PARIN TONG STORY KO ILY... ALLL READERS
--------------------------------------------------
BRIANNA's POV
PARA AKONG kotse sa bilis kung tumakbo dahil malamang may tinatakbuhan ako. Nakakainis talaga eh, kung mayaman lang kami edi sana diko ginagawa to.
'Tanginang buhay talaga!'
Halos sanay na sanay na akong mabilis ngunit swabeng tumatakbo. Iniiwasan ang mga dapat iwasan. Pero nakakarindi talaga ying sigaw ng humahabol sakin amputek!
"Hey! You bitch! Bring back my fucking wallet if you don't want to die!" Sobrang lakas ng baritonong boses ng lalaking ninakwan ko.
Tinignan ko siya ng patagilid, habang swabe pa ring tumatakbo at sumigaw na rin.
"Tangina ano ako tanga? Nek Nek mo ulol!" Sigaw ko pabalik sakanya. Di naman ako natatakot na humarap sa kanya kasi naka mouth mask naman ako. Mata ko lang ang nakikita.Binilisan ko pa ang takbo. Habang sumigaw na naman ang loko.
"You fucking Squater girl! I'll definitely kill you!" Mas malakas pa niyang sigaw. Kala niya naman matitinag ako. Sus, matibay kaya toh. Binelatan ko lang siya saka lumiko sa maliit na iskinita. Tapos binuksan ang secret passage ko na pintong tinakpan ng mga Vandelism. Mahirap yan mahalata kaya dito ang direksiyong palagi kong dinadaanan pag nagnanakaw ako.
Oo na, alam ko namang masama tong ginagawa ko, eh ano namang magagawa ko? Mahirap lang kami, tapos pinapaaral ko pa yung pito kong kapatid kasi parehas mga walang kwenta yung magulang namin.
Kasalukuyan kong binabaybay, ang madilim at tahimik dito sa sikretong daan ko. At nang makalabas ako. Bumungad sakin ang hagdan paakyat ng tulay.
'Dito, ay surebol na. Surebol na ligtas na talaga ako hehehe.'
Ang tulay na to ay wala talagang dumadaan. Walang may balak kasing dumaan dahil dito kami dumadaan na nakatira lang sa skwater. Dukha sa madaling salita.
Huminto muna ako at sumalampak sa sahig. Wala kayong magagawa, ganyan na ako. Binuksan ko ang wallet ni kuyang halimaw--- este kuyang malakas sumigaw hehehe.
Bumungad sakin ang sandamakmak na mga Cards, At pera.
"Wow richkid pala si koya!" Nabulong ko nalang dahil sa mangha. Makakakakin na kami ng ilang taon rito.
Nakarating ako sa munti naming bahay nang nakangiti.
Sinalubong naman ako ng mga kapatid ko na may ngiti. Kahit pa alam kong hindi pa sila kumakain mula kanina."Anong gusto niyong ulam? Gusto niyo ba ng pritong manok saka Tocino?" May malaking ngiti kong ani sa mga pinakamamahal kong kapatid.
"Opo ate Ria! Kaso wala naman tayong pera eh." Tugon naman ng pangalawa kong kapatid na si Bree.
Napatawa nalang ako sa kainosentihan niya. Ni hindi nga nila alam kung saan ako kumukuha ng pera. Malamang ay kamumuhian nila ako pag nalaman na nila iyon.
Syempre may pera tayo kaya nga nagtatanong si Ate Ria Eh, May ngiti sa labing sabi ko pa. Kahit sa loob loob ko ay nag sisisi na ako at nalulungkot.
Sana lang ay di ko na siya makita.
At wag na kaming magtagpo.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
YOU ARE READING
Beast Is Tamed By You
RandomHi To all Wattapaders/Readers Im Glad.. To.. Enjoy Readd My First Story..