Chapter 2 -The Flower

6 1 1
                                    

Naglalakad ako pauwi ng bahay galing school kaso may epal na tumawag sakin.

"Hi miss! Sexy mo ah!"

Opkooors koya! May tama ka! Bigyan ng jacket! :D

Ang kaso.. papalapit.. papalapit si Koyang adik na tambay sa kanto with his friends. Owmaygaaad. Watuduuu?!

Tatakbo na lang sana ako pabalik.. bebwelo na ako ng takbo kaso bigla silang sumigaw ng..

"Waaah! Takbo na pare! Halimaw!"

Napalingon ako sa likod ko.. Wala naman.

Ibig sabihin ba nun..

"A-ako?" -Turo ko pa sa sarili ko na sobrang nagtataka.

Hindi ko ata matatanggap yun! >_<

Kayaaa.. Hinabol ko sila!

"HOOOY! BUMALIK KAYO DITO! BAWIIN NYO YUNG SINABI NYO! ANG KAKAPAL NG MUKHA NYO! ANG GANDA-GANDA KO PARA TAWAGIN NYO LANG NA HALIMAAAW!"

Kaso mejo nakalayo na sila. Saka isa pa, hingal na hingal na ako sa pagtakbo. Malayo-layo na din yung naabot ko ah. Kaya huminto na ako sa pagtakbo. Napatingin ako sa kanan ko. Nagulat ako.

"Uy! Bahay na pala namin to ah!"

Hah! Thank you sa inyo mga kuyang adik! Napabilis pa ang uwi ko. Hmp!

Wait.. hindi na pala bahay NAMIN. Bahay KO na lang pala toh.

Namatay na kasi si Lola 2 years ago. Wala na akong parents eh. Ang sabi ni Lola patay na daw sila. Ayoko naman sa mga relatives ni Lola. Kaya ako na lang ang naiwan dito sa bahay. Wala naman akong trabaho saka nag-aaral pa ako. Buti na lang may naiwang pera si Lola. Ang kaso.. paubos na nga eh. TT^TT

Kaya nananawagan po ako sa mga may piso este puso jan oh.. Kung sino man sa inyo ang may extrang pera jan, kahit yung pocket money nyo na lang kung may fieldtrip kayong pupuntahan.. Please lang. Akin na lang. XD

Pero syempre joke lang. Nililibang ko lang talaga yung sarili ko. Ayoko kasi yung mga bagay na pumapasok sa isip ko--

'Kailangang-kailangan ka ng Zerefania ngayon.'

Waaah! Ayan nanaman! Naaalala ko nanaman!

'Mas malakas na ngayon si Mardizia.. at ikaw talaga ang gusto nya.'

Tsk! Tama na please TT^TT

'Isang bata lang ang nakagawang makatalo sakanya. Ikaw lang ang nakagawa nun Jewel. Ikaw lang. Kung nagawa mo noon, magagawa mo ngayon.'

Ayaw ko ng maalala! Huhu T_T

Oo, gusto kong bumalik doon. Oo, masaya doon. Pero.. tuwing naaalala ko ang nangyari saakin noon.. natatakot na ako. Bata pa ako noon. Akala ko tapos na yun. Akala ko talaga. Pero bakit? Bakit ganito? Bakit kailangang ako?

*Flashback: 7 years before

"Heaaart!" -Sigaw ng tita kong hindi naman kagandahan -_-

"Bakit pooo?" -Sigaw ko din naman pabalik. Aba'y hindi naman pwedeng bubulong lang ako.

Nandoon kasi sya sa kwarto nya sa taas at nasa labas naman ako ng bahay nya. -_-

"Yung inuutos ko sayo! Nasan na?!"

Nagbabakasyon lang ako dito. Si Lola kase.. nasa ospital. Malala na sakit nya. Kaya dito nya muna ako inihabilin sa isa nyang anak. Malay ko bang aalilain lang ako ng mga toh -_-

"Opo! Dadalhin ko na!" -Sigaw ko na lang pabalik.

Woooh! Nakakapagod! Kakatapos ko lang mag-laba ng mga damit ng buong pamilya nila tapos ngayon pinaakyat naman ako ng puno ng mangga ng kapit-bahay dahil nakita daw nya yung bunga at nangangasim daw sya! Grabeee! Nakakainis. Mataba sya pero hindi sya buntis. -___-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jewel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon