Prologue

1 1 0
                                    

Athens

Isang mundong puno ng mahika. Isang mundong nahahati sa limang kaharian. Isang makulay na mundo na lingid sa kalaaman ng mga normal na tao. Ang athens ay pinamumunuan ng Hari at Reyna. Sila ang nagsisilbing gabay sa mga mamamayan at nagpapanatili ng katahimikan sa mundo ng Athens.

Ngunit gaya ng mundo ng mga tao. Ang mundong ito ay may tinatagong kadiliman, ang Peruions na matagal ng pinalayas at pinagbawalan sa mundo ng mahika dahil sa kasamaang hangad nito ngunit ayun sa propesiya ay muling magbabalik ang kadiliman sa makulay na mundo ng Athens at ang nag-iisang tagapagmana ng Kaharian ng Erions ang may kakayahang manatilihin ang kaliwanagan sa naturang mundo.

Ngunit walang nakakaalam sa itsura ng tagapagmanang ito. Wala ni isang palatandaan sa nasabing Erion. makakaya kaya nilang mahanap ang naturang tagapagmana o mananaig na kadiliman sa mundong kanilang pinoprotektahan.

PS: Erion- Ang tawag sa mga taong nanggaling sa Kingdom of Erions
Athens - World of Magic

MelodaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon