Chapter 1: Meloda Magic Academy

1 0 0
                                    

Meloda Magic Academy

"Nay bat ang dami naman ng damit nito?" tanong ko kay nanay. Simple lang ang buhay namin dito sa probinsya ng Minda. Nag eempake kami kasi ngayon ang araw kung saan kailangan ko ng pumunta sa paaralan na pina enrolan sakin nila nanay.

Sabi ni inay ay may dormitoryo daw sa paaralang iyon at dun ko daw makikita ang mga sinasabi nilang mahika. Ilang beses na kasing nagkwento sakin sila inay at itay sa mundo na tinatawag nilang Athens. Isang mundo ng mahika o magic. Bata pa lang ata ako ay alam ko na ang kwentong iyon hindi ko alam kung totoo ba ang mahika o hindi. ni hindi ko nga nakita sila inay at itay na gumamit ng mahika pero sa paniniwala ko ay isa lamang itong kathang isip. Hindi ko nga ma gets kung bakit kahit maghahigh school na ako ay parati paring kinokwento nila nanay at tatay ang tungkol sa Athens kaya hinahayaan ko na lamang sila kasi ayokong pawiin kung ano man ang sayang nararamdaman nila sa tuwing nagkwekwento sila sa naturang mundo.

Nang matapos kaming mag empeke ni nanay ay agad na kaming pumunta sa hapag. Si tatay kasi ang nagluluto dito sa bahay at napakasarap niyang magluto.

"Tay bat ang daming pagkain saan mo po nakuha ang pambili nito? ikaw lang ba talaga ang nagluto nito?" Tanong ko kay itay. Sobrang daming pagkain ang nakahanda sapagkat tatlo lang naman kami ay siguradong hindi namin ito mauubos.

"Wag kanang magtanong meng at halikana't makakain na tayo. Darating na ang sundo mo" Mahinahong sabi ni itay. May katandaan narin sila nanay at tatay pero bakas parin ang kanilang gandahan at kagwapohan.

Tinawag na ni tatay si inay para sabay na kaming kumain. Ito na ang huling salo-salo naming magpamilya sa taong ito sapagkat mag-aaral ako sa isang dorming school. Ni hindi ko nga alam kung saan nakuha ni inay at itay ang perang pangtostos sa akin . Sabi kasi ni inay isang napakagandang paaralan ang papasukan ko at bihira lang daw ang makakapasok dun.

"Napakasarap po ng inyong luto itay" Pagpupuri ko kay itay sapagkat napakasarap nga talaga ng kaniyang mga luto.

"Mamimiss ko po to" sabi ko sa kanya. Totoong masarap magluto si itay. Isang napakalaking himala na nga lang ang hindi ko pagtaba kasi sobrang dami kong kinakain sa tuwing si itay ang nagluluto. Masarap din naman mag luto si inay ngunit mga piling putahe lamang ang kaniya inihahanda.

Matapos kumain ay tumungo na agad kami papunta sa lugar kung saan naghihintay daw ang aking sundo.

"Bakit po ang daang ating tinatahak ay patungo sa gitna ng kagubatang ito nay? di po ba tayo papunta sa bayan?" Tanong ko kay inay. nakapagtataka kasi kung bakit dito kami patungo sa liblib na daan sa gitna ng gubat eh wala namang kahit anong sasakyang makakapunta dito.

Nagpatuloy kami sa paglalakad mag-iisa at kalahating oras na ata kaming naglalakad at medyo nakakapagod na rin sapagkat may mga dala kaming mga gamit.

"Nandito na tayo" wika ni itay.

Inilibot ko ang aking paningin. Puro mga puno ang makikita mo dito. Para nasa gitna nga kami ng kagubatan. Di ko mawari kung nagbibiro lang ba si itay. Wala akong makitang ni isang daan o di kaya'y madadaanan ng mga sasakyan dito.

Akmang magtatanong na sana ako ngunit biglang hinawi ni itay ang mga sanga ng puno sa aming kaliwa at biglang lumiwanag ang paligid kung kaya ay napapikit na lamang ako.

"Halikana meng. Nandito na ang iyong sundo" sabi ni inay na syang nagpadilat sa akin

Di ko alam kung paano nangyaring may isang daan dito sa gitna ng kagubatan ng Minda. Nakapagtataka lang kasi samintadong-samintado ang daan.

May biglang dumating na Bus sa aming harapan. Isa itong kulay berde na nahahaluan ng kulay asul na bus. Sobrang elegante ng pagkakadesenyo at nakaukit ang salita Meloda ginamitan ng ginto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MelodaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon