MY NOTED HEART
Binuksan ko ang panibagong note na nakadikit sa locker ko. Tuwing umaga, mayroong ganito sa loob. Nakapagtataka dahil ako lang naman ang may natatanging susi nito.
Paano nya kaya nabubuksan ito? Sa wari ko'y may lahi syang magnanakaw o kaya naman, baka may magic powers sya! Oops. Masamang manghusga, pero kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, hindi ba't iisipin mo rin iyon?
"Onek, may note ka na naman? Aba, napapansin kong madalas yan ah. Kilala mo na ba kung sino ang naglalagay niyan sa locker mo?" sumulpot ang bestfriend kong makulit, si Justice. Ang founder ng Justice League at ang nagtatag ng supreme court, pwe! Ang korni ko. -_-
"Hindi nga e. Nakakaloka nga kasi ni hindi ko alam kung paano nya nabubuksan 'to." singhap ko.
"Sus. Kinilig ka naman." pang-aasar nya.
"Lagi naman akong kinikilig pag nababasa ko ang mga notes ni Mr. H." nagblush na naman ako. Tss.
Yeah, Mr. H ang code name nya, matagal ko na ngang hinuhulaan kung ano bang ibig sabihin ng "H" na yan eh.. pwedeng Harold, Henry, Harry, at ang pinakawild sa wildest guess ko ay.. baka sya si.. HONESTO!
Okay, tumawa na kayo. Feel free! Ha-ha-ha.
"Ang korni naman nyang Mr. H mong yan. May pa-notes-notes pang nalalaman, ang sabihin mo.. natotorpe lang yan."
Iyan si Justice, ang ever supportive kong bestfriend! Sa sobrang pagsuporta nya, gusto ko syang sipain papuntang outer space! Wala na syang mabuting sinabi tungkol sa secret admirer ko!
Kesyo.. "panget yan, ayaw magpakita e" o kaya naman, "torpe, bulok.. di bagay sayo yan, Onek.."
Walangyang to! Sarap ibasura sa korte suprema e! Hahaha. Anu daw.
"Whatever you say.. palibhasa, playboy ka. Tss." binatukan ko nga.
"Aw. Lagi kang nambabatok, alam mo yun! Haay. Ewan ko sayo, Monica! Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh!" hmmp. Batukan ko nga ulit.
"Heh! Lagi kang si kontra! Kaya walang nagtatagal na babae sayo e! Kainis. Di ko alam kung bakit kita naging bespren!" nagwalk-out ako. Syempre, drama ko lang yun no. Hindi ako nagagalit kay Justice.
Never akong nagalit sa kanya. Inis? Oo, madalas.. pero hindi ko sya natitiis. Kahit naman playboy yan eh, loyal na bestfriend sya sa akin. Simula elementary, kami na ang magkasama.
Pag may umaaway sa akin, binubugbog nya. O, di ba? Ang sweet? Sarap ipa-guidance office!
"Onek, bespren mo ako kasi.. teka nga, gusto mo ba talagang malaman kung bakit mo ako bestfriend?" ngumisi sya.
"Ayoko!" sabay iwas.
"Bestfriend mo ako kasi.." pagpapatuloy nya.
"Oo na. Tss." inis kong sagot.
"Itutuloy ko na ba, Monica?"
Ugh, Monica. Ang hilig nyang magbuo ng pangalan ko! -_-
"I hate you!" hinampas ko sya.
"Bestfriend mo ako kasi.. GWAPO AKO."
"Lanju, yun na yun as in? Walang kagulat-gulat Justice! Kawalang hustisya yang sinasabi mo! Pwe!"
"Hahaha. Panget mo kasi, kaya siguro nahihiyang magpakilala sayo yang si Mr. H na yan. Duwag. Weak!" pang-aasar nya.
"Haay nako. Justice. Tandaan mo 'tong araw na 'to ha! Pag si Mr. H, nagpakilala na.. papayag na akong magpaligaw sa kanya agad-agad! Tapos, magpapakipot muna ako syempre! At pag naging kami na, hindi mo na ako maaaway! Ipapabugbog kita sa kanya! Bleeh!"