Kabanata 37

15 4 0
                                    

Together

Ericka's POV

Nandito kami sa family mart ngayon at nag gro grocery. Nahihiya pa rin ako. Bwisit kasi silang dalawa! sana nag stay nalang ako sa ospital. Edi sana... aish!

-Flashback-

"Tara mag grocery muna tayo, may family mart diyan sa tabi. Lakarin nalang natin." suhestyon ni Cedric. Agad akong umapela.

"Wait wait wait! anong oras na ba?" tanong ko.

"Obvious naman na tanghali ngayon." sagot ni Dominique. Mabilis akong tumingin sakanya.

"Bakit nung hinahanap natin yung ospital hindi mo alam kung anong oras na?! hindi ba tinanong kita nun?" tanong ko.

"Tinatamad akong mag salita sa oras na yun e. Siguro mga alas dos nang yari yun sa tantya ko. At ala singko tayo naka rating dahil maraming nang yari sa atin."

"Anong nangyari ang sinasabi mo?" sabat ni Cedric. Tumingin ako sakanya. Tinitigan niya kaming dalawa.

"Basta." sagot ni Dominique.

"Hindi mo na kailangang malaman." sagot ko.

"Weeeh? sabihin niyo na." nanliit ang mata sa amin ni Cedric. Nagulat ako.

"Wala nga!" sagot ko. Inirapan niya ako. Mas nagulat ako doon. Bakla ba siya?

"Back to the topic hindi ko naman kayo maintindihan. So ano? mag gro grocery tayo?"

Hindi ba nag iisip si Cedric? hay nako.

"Cedric, ang dugyot nating tignan!" sagot ko. Iminuwestra ko pa sakanya ang uniform ko. Ni hindi pa ako nakaka ligo. Eww.

"Ni.. hindi pa tayo nakaka ligo!" sabi ko pa.

"Mas uunahin mo pa ba 'yan kung nagugutom ka na?"

"Ay che! mag papa iwan ako dito." sagot ko.

"Hindi! sumama ka na. Ang maiiwan lang dito sa room ay si Ate at Shawn. Maliwanag ba?" hindi ako maka paniwalang tumingin sa kanya.

"I hate you!" inis kong sabi.

"Just go with the flow." sabi ni Cedric. Si Dominique ay tahimik lang. Ugh!

Nang maka labas kami ng ospital, agad kaming pinag tinginan. Eto na nga ba ang sinasabi ko.

"Chill." sabi ni Cedric. Kung sapakin ko kaya siya ngayon? at sabihin kong naka chill lang ako.

"Alam mo Ericka medyo nag bago ka." sabi niya. Hindi ko siya pinansin. Ano namang nag bago sa akin?

"Mag lakad ka nalang." iritado kong sagot.

Habang nag lalakad kami,

"Sis tignan mo sila oh mukhang hindi pa naliligo! hahahahaha!"

"Ang bad mo sis pero mukha nga hahahaha!"

Muntikan ko na silang sugurin kung hindi lang ako inawat ni Cedric.

"Easy ka lang."

"Punyeta." sagot ko.

"Saan ba nag aaral 'yang mga yan? tignan mo sila at mukhang... pulubi!"

"Pulubi talaga."

"Jusko marimar nag kalat na ang mga pulubi ngayon."

"Easy pala ha?" sinamaan ko ng tingin si Cedric.

Pillar AcademyWhere stories live. Discover now