Chapter 18: I waited for nothing
Seryoso akong nakikinig sa speaker ngayon pero si Leonna parang kanina pa naiinip at inaatok dahil ako naman ang ginugulo. Maybe she didn’t get enough sleep last night. I can’t blame her dahil madaling araw kaming umalis.
Sa VIP hotel ginaganap ngayon ang seminar and swear! I’m not comfortable! Not because of the facilities. In fact, sobrang wala akong ma-say dahil sobrang ganda ng service nila sa hotel na ito. It’s just that baka makita ko ang mga taong ayaw ko pang makita ngayon. Hindi naman sa ayaw, hindi lang ako nakapagpaalam sakanila na aalis ako and pupuntahan ang lola ko.
Pero imbes na mag-worry ako dahil nakakapangit iyon ay nakikinig nalang ako sa speaker but si Leo ay kanina pa nanggugulo.
“I really hate Pauline.” She then stared daggers on her.
If a stare can really kill maybe, just maybe, Pauline’s dead by now. Poor Pauline.
“Talagang magkatabi pa sila ngayon ni Carding at sa makikita ko pa pumwesto?” Galit na bulong nito. Siguro ay pampatanggal niya ng antok itong ginagawa niyang pagpapansin sa dalawa. Ngayon ko lang nalaman na magkatabi sila dahil sa sinabi ni Leo. But meh... ╮(╯3╰)╭
“Nakikinig ka ba saakin?”
“I am and i can’t concentrate dahil ang ingay mo.”
“Hey, nalaman ko na may magandang bar malapit dito. Nasabi lang saakin ng friend ko. Safe daw at pogi ang may-ari. Punta tayo?” Napansin ko na medyo mabilis mag-shift ang mood niya. Ganito ba talaga siya?
“Okay lang if maaga tayo uuwi.” Sabi ko saka nagsimulang magdrawing. Nawala na kasi ang concentration ko sa pakikinig kaya magdo-doodle nalang ako.
“Ano ka ba. Sigurado akong sasama naman ang lahat so it’s okay.”
“Where?” I asked in defeat. Tinignan ko pa ang speaker saka ko siya sinimulang iguhit.
“Quarter Midnight.”
Oh no! Oh no! Pansamantala ko munang itinabi ang ballpen na hawak ko at saka ko tinignan si Lep.
“Hindi ako sasama.”
“Malapit lang naman dito. Pwede nga raw lakarin sabi ng mga staff ng hotel.”
“I’m not going. Enjoy nalang kayo.” Dahan-dahan din akong tumayo at nagpunta muna ng CR. Pupunta nalang sa bar sa Quarter Midnight pa! Gee!
Nag-retouch ako ng makeup at tinanggal ang pagkakatali ng buhok ko. Wavy na ito at nagkaroon ng volume.
“Sumama ka na.” Sinundan pa talaga ako para lang pasamahin.
Katulad ko ay nag-umpisa na rin siyang mag-ayos. Nagsuklay, nagpabango, naglagay ng blush on. Okay! Okay! Naniniwala na ako sa mga nagsasabing mabagal kumilos ang ilan sa mga babae. Now i understand why men do ‘impatient’ so well.
BINABASA MO ANG
Not So Boy Next Door (COMPLETE)
Genç Kız EdebiyatıIf you think you've heard my story before trust me-- you haven't. -Jade Louise Cruz