Hinatid niya ulit ako sa bahay nila Lia. But this time, pumasok na siya sa loob. I want to formally introduce him as my Boyfriend. My friends are not that shocked when they saw CeeBee. They just teased us both. Lalo na ako. Niyaya ko siya sa kusina para magluto ng dinner. Maliban dun sa alak na ininom namin nila Liz kanina, wala pa talagang laman yung tiyan ko. We just ate dinner then talked some more. Madaling araw na din siya nung umuwi. Hinatid ko siya hanggang labas then we kissed. He said he loves me, and sobra naman akong kinilig.
I thought after that night he will surely change. Akala ko since kami na tapos na yung palabas nya. But I was pleasantly surprised na yup, he did changed, but he changed into someone more sweeter, more caring, more loving and more.. And more kasi napakadami pang positive na pinagbago niya. He treats me like a princess. And he never onced denied me sa kahit saang interview. Its as if sobrang proud siya sa akin. Kahit madaming girl fans niya ang umiiyak parang he doesnt care, that is how much he loves me. Sinasama din niya ako sa mga tapings and photoshoots niya pag wala akong pasok. He makes it a point na ihatid kami nila Lia every night at sunduin after shift, kahit gaano pa siya kapuyat or ka busy. Any girl will trade their lives maranasan lang ang nararanasan ko. I know I am lucky, and damn it feel so good to be loved by CeeBee Sanders.
Its been 3 weeks since naging officially kami. Nag leave ako ng 1 month sa work dahil isasama daw niya ako sa province nila to finally meet his family. May isang buwan din kasi siyang off sa work dahil katatapos lang ng shooting ng movie nila so sabi niya now is the right time. Para din daw makapag bonding kami kasama mga kapatid niya. I was a bit apprehensive at first kasi hindi ko alam kung magugustuhan ako ng family niya. Sino ba naman ako diba? Isang hamak na call center agent, mas maraming maganda, sexy, at mayaman na mga artista at models na higit sa akin. But he doesnt want to hear any of it. Sabi niya stupid lang daw ang magsasabing pangit ako, at hindi daw matapobre ang family niya. He came from a family of actors. Yun tito niya isa ding batikan na character actor. Just to make me at ease sabi niya isama ko daw isa sa mga friends ko at isasama din niya isa sa mga friends niya. So I asked Lia to join me, since kami dalawa lang ang approved ang leave. Although kinakabahan ako, wala nako magawa kaya pikit mata nalang akong nag file ng leave and hoped for the best.
We drove all the way to Pangasinan. Nag stop over lang kami to get some snacks, go to the comfort room and eat lunch. Andaming taong nakakakilala kay CeeBee kahit saan kami magpunta. Siguro kung ibang artista to maiirita na siya dahil its supposed to be his off, pero nakita ko kung gaano niya kamahal mga fans niya. He graciously accepted gifts from them, nagpapapicture din siya at nag o-autograph. Pero kahit gaano kadami yun dumudumog sa kanya, kahit minsan di niya binitiwan ang kamay ko. He even introduced me to his fans. Yun iba mukha naman genuine na masaya for us, yun iba naman na teenagers parang gusto akong lamunin ng buhay. Nung finally makarating kami sa bahay nila nanlaki yun mata ko. Their house is situated sa harap ng isang beach. Nalaman kong sa kanila pala yun buong area. Malaki yun house at malawak ang garden. Sa harap nakita ko na may pool before makapunta sa dagat. Nanlalamig ang kamay ko nung pumasok yun kotse niya sa fence. Nung pumarada na yun sasakyan niya para na akong nag ha-hyper ventilate o aatakihin sa puso. I think he sensed that I am feeling tensed kasi hinawakan niya yun nanlalamig kong kamay and tried to calm me down.
CeeBee : I know youre feeling nervous meeting my folks for the first time. But trust me baby, sobrang bait nila and they are excited to meet you. They trust my judgement, alam nilang hindi ako basta basta lang nai-in love. If i loved you, I am sure they will love you too. Kaya dont be nervous. I promise they will like you na parang anak na nila. Mababait din mga kapatid ko. Excited na nga sila to finally meet you at sa wakas daw mag kaka prinsesa na ang pamilya namin. So tara na ha? Kahit hindi ka naman nila magustuhan wala silang magagawa, kasi I will still love you no matter what they say. Pero thats highly unlikely. I will bet my career na mas magugustuhan ka nila kesa sa akin.

BINABASA MO ANG
Ang Ex- Boyfriend kong Artista (A short Story)
RomansaMatangkad, Guwapo, Malaki ang katawan, Magaling kumanta at sumayaw.. Isang gabi sa Gimikan.. Anim na buwang fairytale.. Isang maling desisyon.. Isang love story na walang happy ending. Isang istorya na too good to be true.. ..pero nangyari.. Paano k...