CENTRAL CITY
"Lianna! Wake up! Hey!" I'm so tired. Ayaw ko pa bumangon!
"Lola please 5 more minutes..."
"I'm not your grandma! Wake the hell up!" Bigla akong napadilat at bumungad sa akin si Kiara na nakakunot ang noo.
"Why am I resting in your lap?" Bumangon ako at nag unat unat at nang tignan ko siya ay nakataas na ang isang kilay niya.
"You tell me..." I laugh awkwardly, "Tara na balik na tayo" Tumango siya at bumangon na rin
Habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilang mag isip ng masama mukhang hindi lang pala ako nag-iisa, "Do you think they're still alive?" Tanong ni Kiara na tinanguan ko.
"But what if something bad happened to them?" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa tanong niya.
Kahit na magkaaway kami ni Kiara ay may mga bagay pa rin kaming pinagkakasunduan tulad na lang ng pagmamahal sa lola namin. Ang lola namin ang siyang nangangalaga sa aming dalawa at wala na kaming magulang o mas magandang sabihin ay hindi namin alam kung sino ang aming magulang.
Sa kaso ni Kiara, inampon siya ng kanyang lola sa ampunan dahil mag isa na lang ang kanyang lola at nais na may alagaan at makasama habang ako ay iniwanan ng aking ina kay lola at tanging iniwan lang na alaala ay ang suot kong pendant.
"What's wrong? Bakit ka huminto?" Tanong ni Kiara. Umiling ako at sinabing ayos lang ako. Ayaw ko na mag alala siya sa akin pero in the first place mag aalala ba siya?
"We're here..." She said, "But I think we're too late" I said. Napaluhod si Kiara at tuluyan ng umiyak matapos makita ang kanilang bahay na wasak.
"No no no, please no my grandma where is my grandma" Patakbong naglakad si Kiara patungo sa bahay nila pero pinigilan ko kasi wala na siyang makikita doon sobrang wasak na ng kanilang bahay at hindi mo na talaga malalaman na may mabubuhay pa sa ganoong sitwasyon.
"Calm down Kiara we'll find them but let's seek for help first" Tumango siya at pinunasan ang luha niya.
Palibot libot kami dito sa baryo ngunit wala kaming makitang tao miski isa. Sinubukan na rin namin ang pumunta sa mga bahay ngunit wala talagang tao.
"What happened? Bakit walang tao sa baryo niyo?" I asked, "I don't know pero maybe related 'to sa nangyari kanina"
Maggagabi na kaya inaya ko na lang si Kiara sa bahay namin. Akala ko madadatnan ko si lola ngunit wala pa rin siya.
"Magpahinga muna tayo, hahanapin natin sila kinabukasan"
The next day...
Maaga akong nagising para maghanda ng almusal namin ngunit habang pababa ako ay may naririnig akong kaluskos. Agad kong kinuha ang matigas na bagay na malapit sa akin para kung sakaling may nakapasok ay agad ko itong mapapalo.
Dahan dahan akong bumababa at kinapa ang pader hanggang sa mahanap ko ang switch.
"Lola?" Nakita ko si lola na parang may hinahanap at ng makita niya ako ay agad niya akong niyakap.
"Apo mabuti at ligtas ka, ligtas din ba si Kiara?" Tumango ako dito, "Mabuti kung ganoon..."
"Lola ano pong nangyayari bakit walang tao sa baryo nila Kiara?" Dinala ako ni lola sa couch at doon tinitigan niya ako.
"Makinig kang mabuti Lian apo, pumunta kayo ni Kiara sa syudad ngayon at pumasok sa Central Magic Academy doon mapoprotektahan kayong dalawa at masasagot ang mga katangunan na matagal nang bumabagabag sa iyo miski na ang paghahanap mo sa iyong ina" Nagtaka ako at magsasalita na ulit pero pinatahimik ako ni lola ng may narinig ulit kaming kaluskos na nanggagaling sa labas.
"Shhh, umakyat ka at magmadali kayo ni Kiara papunta sa syudad, dalhin mo itong pendant ng iyong ina at dumaan kayo sa likuran ng cabinet doon sa kwarto ko, may portal doon papunta sa syudad, magkikita tayo ulit apo" Tumango ako dito at umakyat na para gisingin si Kiara na natutulog sa kwarto ni lola.
Nang magising na si Kiara ay pinaliwanag ko sa kanya ang sinabi sa akin ni lola at matapos ay kumuha ako ng mga damit sa aking kwarto at bumalik na sa kwarto ni lola, nakita kong nausog na ni Kiara ang cabinet.
Pumasok na kami sa loob ng portal at natagpuan ang aming sarili sa madilim na parte ng syudad.
"Nasa black market ata tayo..." Sabi ko. Luminga linga si Kiara sa paligid na walang dala miski isang bag dahil lahat ay nawasak na sa kanilang bahay
"Mga ija, baka gusto niyong bumili sa akin ng mga rare na tools, makakatulong 'to sa inyong paglalakbay" Napalingon kami ng may nagsalitang matandang babae at kinakausap kami. Tinignan ko ang mga paninda niya at nahagip ng mata ko ang isang dagger na may kakaibang anyo. Tila napansin ako ng matanda na tinititigan ang dagger.
"Maganda ang iyong napili ija" Kinuha niya ang dagger at hinimas himas, "ito ang dagger na nagmula pa sa sinaunang panahon na nagpasalin salin ng henerasyon, natatangi ito dahil kung sino man ang humawak dito na siyang pinili niya ay bigla itong hahaba at magiging isang espada na pinalilibutan na kung anong trait o kapangyarihan ang mayroon siya"
"Buy it for me..." Tumingin ako kay Kiara at napataas ng kilay, "Why would I?" She looked serious kaya no choice ako kung hindi ang bilhin ito at binigay kay Kiara.
"Meron pa ako dito ija! Isang libro ng mga natatagong kapangyarihan!" Papalayo na kami ng marinig namin ulit ang matanda, dahil sa kyuryosidad ay lumapit ako dito at hahawakan na sana ng may mga dumating na tatlong tao at tumilapon kami ni Kiara sa pader sa sobrang lakas ng impact ng kapangyarihan ng isa sa kanila.
"You two are under arrest!" Sabi ng isa pang lalaki at lumapit silang tatlo sa amin.
"What the hell! Ang sakit!" Daing ni Kiara, "Kayong dalawa ang spy na pinadala ng Dark Realm upang makuha ang librong 'yan" Sabi ng babae.
"What? Kami spy? No we're not spies!" Bumangon ako at pinagpagan ang pwetan mula sa alikabok.
"Our mission is to bring the two spies lurking here in the black market and bring them to the academy... I mean police station" Sabi ng nangunguna sa kanila.
"Dude! Nadulas ka na! Anyway Dale gawin mo na" Tumango ang babae matapos sabihin iyon ng isa pang lalaki.
Bumigkas ng mga salitang hindi ko maintindihan ang babae at matapos ay may pumulupot sa aming chain dahilan para hindi kami makapagsalita at makapiglas.
Hindi rin magamit ni Kiara ang kapangyarihan niya dahil ang chain na 'yon ang pumipigil dito.
Ugh! Why did we end up like this?
BINABASA MO ANG
CMA #1: The Mind
FantasyJoin Lianna Raven on her adventure of finding out her greatest weakness that turned into her greatest strength that everyone is not aware of. "The weakness can be your strongest."