Chapter 3

8 4 0
                                    

MISTAKEN

"Do you think mapapatawad tayo ni Chandria dahil umalis tayo ng hindi siya sinasama?" Tanong ng babaeng isa sa tatlong kumuha sa amin. Dale ata ang pangalan niya.

"Of course! Nasa misyon tayo at pare parehas lang tayo ng gusto at 'yon ay hindi masaktan ang ating bunso pero dapat pala sinama na natin siya gayong hindi naman pala kadelikado ang misyon salungat sa sinabi ni Headmaster" Sabi ng lalaking nagpatalsik sa amin kanina.

Lumingon silang tatlo sa aming dalawa ni Kiara ng huminto kami sa paglalakad dahil sa gate na nasa harapan namin.

Central Magic Academy

"Bakit kayo tumigil? Madali kayo at nagugutom na ako" Sabi ng tumatayong pinuno nila

"Sungit mo talaga Kiel easyhan mo lang sayang at magaganda pa naman sila" Sabi ng pangalawang lalaki.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at nakapasok na sa loob ng gate. Nakakamangha ang Academy dahil ang lawak at makikita mo talaga ang iba't ibang building habang may mga studyanteng naglalakad at nagtatawanan.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makapasok sa loob ng isang room na sa tingin ko ay ang Headmaster's office. Nagkatinginan kami ni Kiara aat tumango sa isa't isa.

"Headmaster..." Yumuko ang tatlong dumukot sa amin sa taong nakaupo sa harapan

"Mabuti at nandito na kayong tatlo, magsiupo kayo at may mahalaga akong sasabihin" Agad silang umupo habang kami ni Kiara ay nanatiling nakatayo.

Tumingin sa amin ang Headmaster at ngumiti. Ang weird niya.

"Dale tanggalin mo na ang chain sa kanila..." Sabi ng Headmaster kay Dale

"Pero Headmaster mga spy sila!" Umiling ang Headmaster kaya wala nang nagawa si Dale kung hindi ang tanggalin ang chain na nakapalibot sa katawan namin.

"Hay sa wakas nakaginhawa rin!" Sabi ni Kiara. Agad ko siyang tinapik at sinabing manahimik siya pero tinarayan niya lang ako. Nang mapatingin ako kay Dale ay nakakunot ang noo nito.

"Nagtataka ba kayo kung bakit mabilis niyong nagawa ang misyon?" Panimula ng Headmaster na sa tatlo nakatingin. Nagsitango naman ang tatlo habang kami ni Kiara ay nakikinig lang at nakaupo sa katapat nilang upuan.

"Dahil hindi sila ang spy..." Sabay na sabay na nagsabing, "what" ang tatlo at kami naman ni Kiara ay nakataray sa kanila.

"We told you hindi kami spy" Tugon ko. "Pero sila ang nakita naming kukunin na sana ang librong hinahanap ng mga taga Dark Realm" Tugon nung isang lalaking hindi ko pa alam ang pangalan.

"Tama ka Jake, silang dalawa nga marahil ang pwede niyong mapagkamalan na spy sapagkat bago pa lamang sila dito sa syudad at hindi pamilyar sa mga lugar at dahil sa kyuryosidad ay nabatid nilang kuhain ang librong ito..." Tumango tango ako sapagkat totoo ang sinasabi ng Headmaster. So Jake pala ang pangalan niya.

"Ngayon nais kong humingi kayong tatlo ng patawad sa dalawang binibining ito" Tugon ng Headmaster. Tumayo silang tatlo at sabay sabay na nag bow at sabay sabing, "Paumanhin sa aming inasal, pangako hindi na ulit mangyayari ang pagkakamali namin kaya't patawarin niyo kami"

Nagulat kami ni Kiara dahil hindi naming inaasahan na sabay sabay nila 'yong sinabi. Tumango na lang kami sa kanilang tatlo.

"Kaya mga binibini paumanhin ulit at maaari na kayo umalis at bumalik sa inyong mga tahanan..."

Nagtaas ako ng kamay na parang humihingi ng pabor, "Ahh Headmaster pwede po ba makahingi ng kahilingan?" Tumango naman ito kaya tinuloy ko na ang nais kong sabihin, "Wala na po kasi kaming tirahan kaya po napadpad kami sa syudad at sinabi ng mga nangangalaga sa amin ay pumasok daw kami sa paaralang ito"

"Ano ba ang mga pangalan ninyo?" Tanong ng Headmaster.

"Kiara Blackwood"

"Lianna Raven"

"Kaano ano niyo sina Lilith Blackwood at Rianna Raven?" Nagkatinginan kami ni Kiara dahil kilala niya ang mga lola namin.

"Sila po ang lola namin"

Tila'y nag-isip naman ang Headmaster at nung ibaling ko ang tingin ko sa tatlo ay nanatili pa rin silang nakakunot ang noo.

"Nagsimula na ang klase noong isang linggo at sa tingin ko ay makakahabol naman kayo, ano ba ang meron kayo?" Sa tingin ko ay tinatanong niya ang kapangyarihang taglay namin

"Ice manipulator" Kiara

"Mind Reading" I said

"Tutal at half day lang ngayon ipapaasikaso ko na ang pagpasok niyo, samantala isasama kayo ni Dale sa magiging dorm niyo pansamantala, Sige na at magsikilos na kayo"

Matapos ang pag-uusap sa loob ng opisina ng Headmaster ay kaming dalawa ni Kiara ang unang lumabas/

"Wait up!" Narinig naming sumigaw si Dale na nasa likuran namin. Huminto kami para makahabol siya sa amin.

"Hi! Sorry pala sa inyong dalawa at napagkamalan namin kayong spy pati na rin sa nagawa kong pag restrained sa inyo" Sabi niya habang kinakamot ang ulo.

"It's okay good thing na rin na dito niyo kami dinala kasi dito talaga namin balak pumunta ang mali lang ay sa maling paraan pa kami napadpad dito" I chuckled at tumawa din si Dale habang si Kiara ay naka serious mode pa rin.

Patuloy pa rin kami naglalakad patungo sa girl's dorm na tinutukoy ng Headmaster pero bago 'yon ay nagpakilala si Dale sa amin.

"My name's Dale Quinn ang kapangyarihan ko ay chain mechanism o ang pag bind o stun sa isang tao and yung dalawang kasama ko ay sina Ezekiel Elliot siya yung may kapangyarihan na apoy pero sa tingin ko ay hindi niyo pa ito nakikita kasi 'di niya naman ginamit noong hinuli namin kayo at si Jake Mondrake naman ay ang kapangyarihan niya ay hangin, siya yung nagpatalsik sa inyo kanina" Mahaba niyang pakilala.

"We're here!" She exclaimed. Nakatapat kami ngayon sa isang pinto na sa tingin ko ay magiging dorm namin.

"By the way, may dalawa pa kayong makakasama na newbies din kakatransfer lang din nila last week bale each dorm consists of 4 person. Sa tingin ko ay wala pa sila dito" Dala ni Dale ang susi at binuksan ang pinto, "On-going kasi ang klase ngayon kaya baka maya maya lang ay nandiyan na rin sila" Binigyan kami ni Dale ng tig-isang susi para sa dorm.

"Hope you enjoy staying here! Sige alis na ako!" Nagpaalam na si Dale at kaming dalawa na lang ngayon ni Kiara ang nandito sa loob ng Dorm.

CMA #1: The MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon