Chapter 6

9 4 0
                                    

WEAK

Matapos naming magpakilalang lahat ay pinaliwanag ni Miss Arcade ang mangyayari sa susunod na linggo patungkol sa pagkuha ng identification card.

Pinaliwanag niya rin na wala pang pormal na klaseng magaganap ngayong linggo hangga't wala pang permanenteng section kaya puro orientation lang ang sinasabi nila at ang tinuturo lamang ay ang history ng Akademya.

Pinaliwanag niya na may mga branch ang Akademyang aming tinatapakan, ang North Magic Academy na matatagpuan sa North City, ang East Magic Academy na matatagpuan sa East City, West Magic Academy na nasa West City at ang South Magic Academy na matatagpuan sa South City.

Sa South Magic Academy kami noon nag-aaral ni Kiara ngunit dahil nga sa pagkawala ng aming lola at ang utos nilang pumunta dito ay napadpad na kami sa Central Magic Academy.

Noon ay ang tanging Akademya lang na nakatayo ay Central Magic Academy, binuo ito ng mga magkakaibigang nagmula sa Sentro at sila ay ang mga Royals na may higit na malakas na trait na natatangi at kamangha mangha. Ito ang trait ng mga Elementals. Sila ang nangangalaga sa bawat City. Nang maitayo ang Akademya ay naisip ng namumuno sa kanila na bumuo ng mga Akademya sa bawat City dahil dumadami na rin ang populasyon at upang mapagtibay ang pagsasamahan nila ay tig-iisa sila ng Akademyang pamumunuan. Ngunit lahat sila ay nagsipanaw na dahil higit isang daang taon na rin ang lumipas.

Ang unang pinuno noon sa Akademyang Central Magic ay si Haring Joseph, siya ay may trait na asul na apoy na siyang pinakamalakas na trait na naitala. Sa Akademyang North naman ay si Haring Rion, siya ay nagtataglay ng kapangyarihang hangin, sa Akademyang West naman ay si Reyna Josephine na kapatid ni Haring Joseph, nagtataglay siya ng kapangyarihang kumontrol ng tubig na namana niya sa kanyang ina, sa Akademyang East ay si Haring Leonard na nagtataglay ng kakayahang yelo at ang pang huli ay si Reyna Riann, siya ay kakambal ni Haring Rion na nagtataglay ng kapangyarihan ng lupa.

Sila ang mga Royals na namuno noon sa aming mundo at ang nagtayo ng bawat Akademya.

Karamihan ng hindi taga Sentro ay mas pinipiling mag-aral dito sapagkat dito nag-aaral ang mga malalakas at mayayamang mamamayan at dito rin nag-aral ang kinikilalang Elite 3, ang Elite 3 ang nagsalba noon sa mundo ng lumusob ang mga taga Dark Realm. Sa kasamaang palad ay hindi ko sila kilala ng personal sapagkat sanggol pa lamang ako ng naging usap usapan sila at ang kanilang biglaang pagkawala.

Siguro ay pupunta na lamang ako sa Silid Aklatan para maghanap ng impormasyon sa Elite 3 dahil na rin sa kyuryosidad sa kanilang mga kakayahan at ang kanilang mga pangalan.

Matapos ipaliwanag ni Miss Arcade ang History ng Akademya ay hudyat na ng Lunch break at sinabi niya na lamang na itutuloy namin ang discussion mamaya.

Nang siya'y makalabas ay nagsihanda na rin ang mga kaklase ko para lumabas na habang ako ay nanatili pa rin sa aking upuan.

"Lian! Tara kain na muna tayo saka ka na mag senti diyan!" Lumapit sa akin si Allana habang nasa likuran niya si Krista na walang emosyon.

Ngumiti muna ako dito at tumingin sa taong nakaupo sa harap ko. Hindi man lamang ito nag-abalang lumingon at dire diretso papalabas ng kwarto kaya bumuntong hininga ako.

"Sige tara na" Ngumiti ako ng pilit dito at tumayo na rin para kumain.

"Ay nauna na pala si Kiara isasabay din sana natin siya sa pag kain" Malungkot nitong sabi at narinig ko naman si Krista na tumikhim na parang 'di nasiyahan sa sinabi ng kanyang pinsan.

Naglalakad na kami ngayon patungo sa Cafeteria pero nakayuko ako sapagkat nakatingin sa akin ang iilan na parang awang awa o 'di kaya'y minamaliit ako.

CMA #1: The MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon