:: Notes ::

138 13 6
                                    

Notes (OneShot)

Eve's POV

"Hey Ice," tawag ko sa bestfriend ko na kasalukuyang naka-earphones pero alam kong mahina lang naman kaya naririnig niya ako "Movie marathon tayo mamaya sa bahay, kuya got alot of movies. Basta sa'yo ang pagkain." Yaya ko sa kanya dahil kakatapos lang ng exam namin at kailangan naming marelax.

Napatingin siya sa'kin sabay ngisi nang nasa tapat na kami ng mga locker namin. "Oo ba, 'yon lang pala eh. Ako na ang bahala do'n"

Umiling nalang ako habang nakangisi din pero unti-unting napawi ang ngising 'yon nang may mahulog na maliit na pink na papel mula sa locker ko.

Kunot-noo ko 'yong dinampot at binasa.

"What is it this time?" bored na tanong ni Ice habang busy sa pag-aayos ng locker niya

Iritable ko iyong binigay sa kanya.

" 'You're always be the most beautiful lady on my eyes?' " nakataas ang isa niyang kilay habang binabasa ang nakasulat sa papel "Hindi talaga sumusuko ang isang 'to ah" dagdag niya pa sabay tapon sa papel and I don't care about it, kahit sunugin niya pa 'yon wala akong pakialam. 'Cause just like her, wala rin akong oras sa mga shit na 'admirer' na yan lalo na sa mga ganito dumiskarte. It's really annoying, kung yung iba kinikilig, then ako hindi.

"Nakaka-irita na, sobra! Bakit hindi nalang siya magpakita nang masapak ko na kung sino man siya!"

Sino ba namang hindi maiinis?

Okay, nung una okay pa, nagugustuhan ko pa ang mga pangyayari dahil kahit papano may nakaka-appreciate ng beauty ko but hell! Its been three years simula nang mag-iwan ng mga notes ang mysterios guy na 'yon sa locker ko. Mga ganito pa nga oh...

''I really, really like you''

''I hope you could wait for me.''

''Wag kang magpapagutom''

''Goodluck sa exam.''

''Take Care always''

''Stay away from other guys, please''

''You're like the stars and the moon of my nights''

At marami pang iba, imagine three years, EVERYDAY at hindi siya nauubusan ng sasabihin. Never niyang inulit ang mga sinusulat niya.

But it doesn't end with just notes lalo na tuwing may okasyon. For instance tuwing valentines, may nakadikit na card, roses at chocolates sa locker ko. At sa mga iba pang events sa buhay ko, even with my birthday na hindi ko alam kung paano niya nalaman. Pakiramdam ko tuloy isa siyang baliw at nakakatakot na stalker ang laging nagmamatyag sa'kin.

"Easy lang Sis, wag kang magpa-stress sa mga ganong klaseng bagay" wika ni Ice habang naglalakad kami palabas ng school kaya humugot ako ng isang malalim na hininga sabay tango

"Yeah, your right. So ano? Tara na?"

~~~

Lumipas ng maayos ang mga buwan hanggang sa mag-February na and one week bago ang prom night.

Well, maayos, maliban sa mga walang palyang pag-iwan parin ng mga notes sa locker ko. Yung iba binabasa ko tulad ng...

''Hey, wag kang sumimangot. Bahala ka, nakakapangit yan''

''How was your day?''

''Have you take you lunch? Kung hindi pa kumain ka na.''

But most of it tinatapon nalang ang mga yon nang hindi tinitignan.

I sigh.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papunta sa locker ko. And yeah, I was alone kasi ang adik kong bestfriend nawindang ata ng bonggang bonga sa ginawa ng Van na yon kanina sa Cafeteria.

Notes (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon