Girl, brokenhearted ka ba?

68 2 1
                                    

Hi. Kamusta ka?

Hindi ba ok? Hindi ka maka move on pero yun na lang yung choice mo? o pwede mo pa naman syang balikan pero nag aalangan ka na? Halika! Pag usapan natin yan!

#Brokenheartedgirl?

Ano bang rason ng pagiging broken hearted mo?

May iba't iba kasing situation

*Nagbreak kayo ng boyfriend mo.

-ito ang unang sitwasyon. Bakit ba kayo nagbreak? Ayaw na nya sayo? May iba na sya? Inagaw sya ng bestfriend mo? Bakla pala sya? Ayaw sayo ng parents nya? o vice versa ang lahat ng pangyayari?

Siguro nung nag break kayo, sinabi mo sa kanya lahat ng mga pangako nya, yung mga sinasabi nyang "ikaw lang ang minahal ko ng ganito" o "sana forever na tayo" o "i love you to the moon and back" at kung ano ano pang mga pangako nyo sa isa't isa, well girl, Oo maaaring masaktan sya sa mga bagay na sinabi mo pero ang katotohanang hindi ka na nya gusto o mahal ay mahirap nang baguhin! Nag let go na sya, nagawa nyang bumitaw, bakit hindi mo kakayanin hindi ba?

Kung nakipagbreak sya dahil ayaw na nya, ang masasabi ko lang sayo girl. Ang malas mo! Oo. prangkahan na to. Kasi nakahanap ka ng isang maling lalaki. Ang mga lalaking tawagin na lang nating Mr. TOTGA o the one that got away. Yang mga Mr. Totga na yan sila yung tipo ng lalaking, madaling mapagod. Yung tipong naartehan sya sayo masyado o kaya naman nainis kasi masyado kang selosa o clingy. At ikaw naman friend! Kung aminado kang ganun ka edi may kasalanan ka din! Oh come on! ang mali kasing idea ng mga babae sa mga lalaki ay sila yung dapat na laging umiintindi at ang mga lalaki dapat ang laging umunawa sa mood swings natin. That's a no-no thing friend! Dapat Win-Win situation ang pinapairal mo sa isang relasyon. Kung minsan sobrang stubborn mo na, aba friend kontrolin mo naman ang sarili mo! Wag masyadong pa ganda! Minsan naman pag nagalit na si boy, wag mo na sabayan kasi ang mga lalaki konti lang ang mga may mahahabang pasensya sa mga yan! Hindi sila santo kaya wag ka magdemand ng mga bagay na mala pedro calungsod na ang actions na madaling magpatawad o umintindi. Friend! minsan effort effort din pag may time. Alam mo bang naranasan ko nang mangharana para lang mag apologize sa isang hombre (lalaki) at sobrang na appreciate nya yun! Minsan, iparamdam mo sa jowa mo o ka-MU mo na special sya sayo para hindi ka na pakawalan! E kaso wala kang ginawa! Kaya ayan! wala na sya sayo! break na kayo! kung meron ka mang ginawa, sguro kulang pa o kaya naman masyado nang huli para sa action mo or worst, ayaw na nya talaga sayo kaya hindi umepekto, kung nasa ganitong sitwasyon ka, friend! ang paghahanap ng kapalit ay isang maling option! paano ka magmamahal ng iba kung wasak ka pa at nasa ex mo pa ang puso mo! nagkamali ka na, nakasakit ka pa! kaya wag na wag kang hahanap ng iba para lang ipakita sa kanya na wala lang sya o kaya naka move on ka na. Matuto ka muna ulit mahalin yung sarili mo. Medyo lumayo ka na muna sa kanya at sa mga bagay na may koneksyon sa kanya na sa tingin mo ay magpapaalala sayo ng mga memories nyo. Try mo din makipag usap sa mga friends mo madalas! Alam mo, kadalasan kasi hinihintay ka lang nilang mag open! wag kang mag alinlangan o mahiya! kung tinuturing mo talaga silang true friends then I guess they can be the glue for your broken heart.

Kung halimbawa nmang pinagpalit ka nya! Nakakita sya ng babaeng mas maganda, sexy, sweet as mabait kaysa sayo. Hindi mo yun kasalanan. Kasalanan nya yun. Siguro bitter na bitter ka, yung tipong sinasabihan mo yung babae nya ng hipon o lollipop o bulalo. Pero friend, hindi nya kasalanan lahat yun! kasalanan din ng EX mo! Oo. Ipagdiinan natin huh! EX!!! Kung mahal ka talaga nya hindi sya magpapadarang sa tukso, magiging loyal sya sayo kahit anong mangyari. At syempre, dahil may bago na sya, move on ka na! Pero kagaya ng sabi ko kanina, wag na wag kang maghahanap ng rebound kasi hindi talaga magandang ideya yun! No No yun sa labas! Kung ikaw ba ang gawing rebound ikatutuwa mo ba? Ang dapat mong gawin, magpaganda ka! sguro may something na wala sayo at nakita nya dun sa bago nya ngayon whether yung bago nya ay yung best friend mo o yung kapit bahay nyo o yung pokpok sa kanto o yung babaeng girlfriend ng buong bayan o yung relihiyosa nyong schoolmate, dapat alamin ko kung bakit ka nga ba nya pinagpalit. Baka naman kasi manang ka masyado manamit? Yung tipong yung palda mo e abot na hangang lupa! o kaya naman ang luwag luwag at balot na balot yang upper body. Reveal some skin friend! Oh! Pero wag naman yung tipong kinapos sa tela huh! Magmumukha kang desperado masyado nun. Yung tama lang dapat. Tapos mag ayos ayos ka din ng buhok mo baka kasi mukha yang walis, go na sa salon at magparebond, kung di kaya ng budget, go ka sa palmolive! maganda din yun! pampalambot ng buhok! PERO! kung tingin mo naman walang mali sayo at basta basta na lang talaga siyang nawala at nagkaroon ng bago, napaka malas mo din. Baka sa ugali ka may depekto. Baka sobrang ganda mo to the point na ang daming lalaking may gusto sayo at nagsawa na sya sa maraming kaagaw o kaya naman sobrang talino mo kaya naiintimidate sya, next time na pumasok ka sa isang relasyon, alam mo na kung ano ba dapat ang baguhin mo! Wag kang magaalala dadating din ang right guy sa tamang panahon at pagkakataon. Hayaan mong dumating ng kusa. Wag ka munang atat!

Baka naman nagbreak kayo kasi ayaw sayo ng parents nya o ng family nya, friend! napakatapo ka ng Mr. Pampers o Pamilya Pers. Mga lalaking mahal na mahal yung parents/family nya to the extent na kaya ka nyang iwan para sa kanila. Siguro, maiisip mo na ang babaw ng dahilan nya para makipaghiwalay pero never naging mababaw ang aspeto ng pamilya! Move on ka na din girl at next time na magmahal ka, sguraduhin mo na isa ka din dapat sa priorities nya.

Bakla pala sya, Naku ito ang komplikado! Sayo ba nya deretyahang inamin? Then, you should just be thankful enough na nagpakatotoo sya sayo at pinili nyang palayain ka kaysa pasayahin ka sa mga pagkukunwari nya. Kung halimbawa namang feel mo lang na bakla sya kaya nakipagbreak sya sayo, pwes, wag mo ba ientertain yang curiousity sa utak mo! wag ka na magstalk sa kanya o kaya mag imbestiga kasi baka mas masaktan ka lang sa malalaman mo o kaya naman i lead ka nyan sa isang pagkakamali kaya No-No na huh! Move on na lang!

*Hindi ka crush ng crush mo.

-ito ang second situation. AHW! :( Ang mapait na katotohanan. Hindi ka talaga gusto ng taong gusto mo.

Una sa lahat, friend! Wag ka namang gumawa ng desperate measures! Please lang. Maawa ka sa magulang mo na nagpalaki sayo. Wag mong ipahiya ang lahi nyo. Dont go to the extent that you'll stalk him or something like that. MOVE ON! Hindi ka nya gusto! Kaya wag mo na syang gustuhin! Mas mainam kung idivert mo na lang yung atensyon mo sa ibang bagay! in that way, unti unti syang mawawala sa isip mo. Sa sitwasyon na to, pwede kang maghanap ng bagong crush o perspective. This time, siguraduhin mo nang may pag asa huh! Naku! Wag ka nang magpakatanga. Imulat mo yang mata mo sa katotohanan! Flex on girl! Hindi ka mamamatay dahil lang hindi ka nya mahal!

*Pinaasa ka nya, Pero wala pala talaga.

-Ito yung 3rd situation. Isa sa pinaka masaklap! Paano nga ba kung ganito ang nangyari sayo? Friend, nakatagpo ka ng isang Mr. Hopia o mga paasang lalaki. Sinabi ba nya sayo na mahal ka nya? kung hindi, aba pakibatukan yang sarili mo! pero kung sinabi nyang mahal ka nya, tapos parang bula na hindi ka na nya pinapansin at pinaasa ka lang talga, wag mo nman syang ipabugbog sa tatay mo. Simple lang ang solusyon dyan, iwasan mo na din sya. Ipakita mo na hindi sya kawalan and then eventually, marerealize mo na Oo nga hindi sya kawalan. Magigising ka na lang isang araw na naka move on ka na sa pagpapa asa nya.

>>Sa dinamidami ng sinabi ko, pinaka madalas kong masabi yung move on. At siguro sa isip mo nasasabi mong, Ano ka ba Sarah! Mahirap nga yung gawin! Oo naman alam ko yun! I've been there done that. Sa umpisa mahirap talaga kasi matutukso kang maglook back sa mga pinagsamahan nyo, sa mga bagay na binigay nya sayo, sa mga pinagdaanan nyong problema at naresolba nyong mga pagsubok. Siguro iniisip mo na wala ka nang mahahanap na kagaya nya. Maaring Oo wala na nga pero may mga lalaking higit pa sa kanya. Darating yung lalaking yon sa tinakdang panahon ni God at ipaparealize nya sayo kung bakit kayo nagbreak ng EX mo ngayon,kasi sya talaga yung para sayo. That it never worked out for somebody else, for it is meant to work out between the two of you.

Cheer Up Friend! Hindi lang ikaw ang naging broken hearted sa mundo at hindi din yan ang rason para mawalan ka ng pagasang mabuhay at magmahal muli. Kinaya nila, bakit hindi mo kakayanin diba!? :)

-TAKE IT FROM ME
Entry 1. 10-21-14 <3

Take it from Sarah G.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon