Naghihikab pa ko at nagkakamot sa ulo habang lumalabas ng kwarto. Inaantok pa ko pero dahil martes palang kaylangan ko pumasok.
Halos gumapang ako papuntang dining area. And because it's Tuesday walang pasok si Claud. So I think he's still asleep. Alas dose narin kami nakauwi kagabi dahil sa mga kaartehan ko.
Napangiti ako ng maalala yung nangyare kahapon. Yung first date namin, yung mga pagseselos ko, yung mga pang-aalo niya sakin at yung first holding hands namin! Napapahagigik na lang ako. Ano ba yan nakakawala ka ng antok Ulap!"Tinatawa tawa mo diyan. Ma lelate ka ng bata ka hala't kumain ka na," sa sobrang pag de day dream di ko namalayan ang pagpasok ni Manang sa kusina. Nakahanda na ang breakfast ko sa table. Dried rice, bacon, ham and boiled egg.
Heavy breakfast yun ang utos ng parents ko para hindi gutom pagdating sa school. Hindi pa na kontento si Manang sa mabagal kong pagkuha ng rice. Siya na ang nagbuhos ng fresh milk sa baso ko. Siya narin ang naglagay ng ham at bacon sa plato ko.
"Salamat Manang."
"Anong oras na kayo umuwi kagabi ng kuya mo hindi ko na kayo nahintay."
"12 na po Manang. Nahirapan kami sa pagsakay pauwi."
Tumango tango siya habang maayos na sinasalansan ang mga hindi ginagamit na place mat.
"Ganon ba. Kayo talaga kahit may pasok ka kinabukasan nagpagabi parin!"
Umiiling itong tumalikod.
"Shine," tinawag niya ko ng nasa pinto na siya ng back door. "Ingatan mo ang sarili mo anak ah."
Ngumiti at tumango lang ako sa kanya kahit na hindi ko gano maintindihan ang sinabi niya. Okaaaaay? So bakit niya yun sinasabi ngayon?
Si Manang Nila ay matagal ng kasambahay ni Mommy at Daddy. Simula pa nung ikasal sila. So that was 20 years ago. Siya narin ang nagbantay at nag-alaga samin ni Claud. Ang nagsilbing nanay at tatay sa mga panahong busy ang parents ko sa trabaho nila.
Parang nagising ang diwa ko ng bumukas ulit ang back door. Niluwa non ang walang pang itaas na si Claud. Natulala ako sa kanya! Bakit ang aga niyang gumising ngayon.
He flash a smile at me ng batiin ako "Good morning sleepy head. Ang ganda naman ng pugad sa ulo mo."
Wala sa sariling napahawak ako sa ulo at narealize kung gano katigas at kagulo ang buhok ko. Nagtatakbo ako pabalik sa kwarto. Pambihira! Simula nung inamin ko sa sarili na gusto ko si Claud kapag alam kong magkakasabay kami sa umaga. Nagsusuklay, nag aalis ng muta at nag totooth brush muna ako bago humarap sa hapag kainan.
Bumalik ako sa hapag pagkatapos mag-ayos ng sarili. Nakaupo na rin siya doon at nagsisimula ng kumain. Naka white tshirt narin siya. Siguro ay nag dilig siya sa garden kanina. Medyo basa rin ang buhok niya.
Namumula man taimtim akong bumalik sa lamesa at dahan dahan kumain. Kaylangan magmukha akong dalaga sa paningin niya.
He looked at my plate and place a bacon ng makitang paubos na ang bacon ko.
I flashed a smile at him. "Thank you."
Pinilit kong kinain ang binigay niyang bacon kahit na mapait sa panlasa ko dahil sa pag totoothbrush ko. Every time na magkasabay kaming mag- almusal ito ang struggle ko.
"Bakit ang aga mo nagising ngayon?"
"Ihahatid kita sa school mo."
"Bakit?"
BINABASA MO ANG
Till They Take My Heart Away [COMPLETED]
Teen FictionMy name is Sunshine Roxas , I'am a miracle baby. Akala ng magulang ko hindi na sila magkakaanak kaya inadopt nila ang anak ng bestfriend ng mommy ng mamatay ito. He's name is Claud Lindon Jimenez. I grow up being dependent to him. Dahil na rin sa pa...