Chapter 3: Whaaat?!

128 0 3
                                    

"So what are your plans now, Tin?" tanong sakin ni Meg.

Nandito ako ngayon sa isang coffee shop kasama ang friend ko. Meg is my bestfriend since elementary hanggang ngayong college. Tinawagan ko siya kanina para samahan akong magliwaliw sandali. I make kwento to her about sa antipatikong hardinero namin.

"I'm gonna make his life a living hell."

"Oh yeah? How are you going to do that? Eh di ba nga sabi mo, laging pumapalpak ang mga plano mo."

I hissed. She's definitely right. Lagi na lang ako naiisahan ni Monkey. These past few days, lagi akong nagpaplano ng kung anu-ano sa kanya sa bahay. And he's always nakakalusot or nakakaiwas sa mga ginawa ko! Kaya sobrang nakakapang-gigil!

"Well, nagsisimula pa lang naman ako. So just wait 'cause there's more!" sabi ko.

"Hindi kaya nakahanap ka na ng katapat mo?"

I dart her a death glare.

"And what the hell do you mean by that?" tanong ko.

She just laughed, "Come on, Tina. Hindi ako ang kaaway mo dito so don't give me that look."

"Then don't underestimate me. Nakalimutan mo na yata kung sinong kausap mo."

"Of course not, your highness. Ikaw si Ma. Kristina Alcantara. The one and only queen of pranks!" sabi nito at mas tumawa pa

"Pranks?!"

"Yeah."

"Tss. Whatever you call it, I don't care. He will be one of my slaves gaya ng iba, whether he likes or not." I said confidently.

"Really?"

"Wanna bet?" I smirked.

"Sure. Pero dapat, one week lang maging slave mo na sya. Kaya ba?"

One week? That kutong-lupa is so mayabang. Kakayanin ko ba? Knowing his attitude, baka mahirapan ako.

"I knew it. You can't." she said as she saw a hesitant expression all over my face.

NO! Ako? Magpapatalo sa lalaking yun?! No way! Over my drop-dead gorgeous body!

"Okay, deal! Kapag nanalo ako, ikaw ang sasagot sa lahat ng expenses ko sa vacation ko sa Europe. When I say lahat, LAHAT talaga." Mula sa transportation and lodging expenses hanggang sa shopping at sa lahat ng luho ko.

"Okay, okay. Sure ka talaga ha! But if I win?"

"Which is impossible to happen, Meg." sabi ko bago uminom ng milktea.

She laughed again, "What if nga? Anong mapapala ko?"

"Ikaw bahala. Ano bang gusto mo?"

Nag-isip sya sandali then she smirked, "Kapag natalo ka sa pustahan.." I know that kind of smile! May pinaplano sya. She's my friend but she can be a bitch sometimes.

"..ikaw ang magiging alila ng hardinero nyo."

***

After namin mag-usap ni Meg ay umuwi na rin ako agad. Nawalan na rin ako ng ganang kausapin sya.

Bumaba si Samuel mula sa driver's seat para pagbuksan ako ng pinto. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng bahay ay rinig na rinig ko na ang tawanan ng mga katulong namin. Naabutan ko sila sa sala na nagbibiruan. Lahat sila ay nandoon bukod kay Manang Consia. Bigla silang tumahimik when they realized na pinapanuod ko sila. What now?

"Good afternoon, Senyorita!" sabay-sabay nilang sabi.

"Who gave you the permission na mag-ingay dito?"

"Nag-uusap lang po kami, Ma'am." depensa ni Lyle.

Tiningnan ko sya ng masama, "Binabayaran kayo para mag-trabaho. Hindi para mag-chismisan."

"Tapos na po ang trabaho ko sa garden. Nakapag-linis na rin po sila sa buong bahay. Ginagawa naman po namin ang responsibilidad namin."

Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking to para sagut-sagutin ako. Dahil ba protektado sya ni daddy?

Mas lalong uminit ang ulo ko nang may nakita akong juice sa center table. Aba't feel na feel talaga nila na wala ang mga amo nila dito ha!

Kinuha ko ang half-full glass of juice at binuhos sa ulo ni Lyle. I can say that they are all shocked dahil napasinghap silang lahat.

"Sabi mo tapos na silang maglinis. Pero bakit may nakakalat pang basura na katulad mo?" hindi sya nakasagot, malamang hindi pa naka-recover sa shock, "Bago mo ako sagut-sagutin, pag-isipan mo muna kung sino ang amo dito. Kasi kung nakalimutan mo na, well let me remind you. AKO ANG AMO AT ISA KA LANG SAMPID NA HARDINERO."

***

"Apologize." utos sa akin ni daddy. Nandito kami ngayon sa mini office ni daddy kasama si Lyle. Magkaharap kami ni Monkey na nakaupo habang nasa desk naman nya si dad.

Unfortunately, naabutan nya ang scene namin kanina sa sala kaya pinapunta nya kami dito sa office para kausapin privately.

"Sorry.. but I'm not sorry." Maldita na kung maldita. Wala akong pakialam sa nararamdaman nya.

"Kristina! Hindi kita pinalaking bastos at walang modo. Akala mo ba hindi ko alam ang mga pinag-gagagawa mo dito kapag wala ako?"

Tumikhim si Lyle "Okay na po yun, Sir. Hayaan na lang po natin."

Gusto nya talaga pagmukain na ako ang masama dito no? Wow.

"No, Lyle. Hindi ko palalampasin to. I think this girl really needs to learn a lesson."

"What do you mean, dad?" takang tanong ko.

"Well, young lady, you are grounded for one month! I'm gonna cut all your debit cards. From now on, si Lyle ang hahawak ng allowance mo. Sya ang magba-budget para sa expenses mo for the whole month. No more shopping. No more barhopping. No more parties!"

"WHAT?! You can't do that!" I exclaimed. That's insane!

"Trust me, I can." kalmadong sagot ni dad. "And one more thing, kahit saan ka pumunta, sasamahan ka ni Lyle. Hindi ka makakalabas ng bahay na to pag hindi sya kasama."

"Sir, wala po ba akong choice?"

ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA NG LALAKING TO PARA MAGSALITA PA! Sya pa talaga ang feeling obligado?!

"Wala, Lyle. Kasi simula bukas, sabay na kayong papasok ni Kristina sa iisang university."

~StrangerInDisguise~

When Malditang Amo Meets Pilosopong HardineroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon