Caramel's POV
Breakfast with cousin-bitch-ish...
"Good morning sleepy head" bati ni Nelsy
"Good morning" pabagsak na sagot ko
"Magmadali ka na at male-late na tayo, wait anong ginagamit mong bag?" sabay taas ng kilay ng maganda kung cousin
"Yung panda bakit?" formal na sagot ko sabay pagnguya ng kinakain ko
"Ano? diba sinabi ko na sayo na wag na wag kang maki-alam sa gamit ko?!!" sigaw niya
"Oo, sinabi mo nga" mahinahong sagot ko
"Ganon naman pala eh, bakit gamit mo ang bag ko?" sabay pamewang niya
"Bag mo ito?" nag nod lang siya
"Eh bakit nasa kwarto ko?" sabay kamot ko ng ulo ko at patuloy sa pagkain
"Anong gusto mong sabihin ko sayo? palakarin yang bag ko sa akin?" sabay lapit niya sa akin
"Siguro" at tumayo na ako sa kina-uupuan ko at tumakbo ,
"Linda ipahatid mo sa sasakyan ang bubble tea ko at Leo pahatid ako" saad ko habang tumatakbo
"Caramel! Bumalik ka dito!" sigaw ni Nel sa akin pero bahala na siya diyan, pagdating ko sa front door nandoon na yung bubble tea ko at handa na ang kotse.
"Salamat Linda, Manong game na" naka-ngising sabi ko, pina- andar na ni manong ang kotse at lumabas na kami sa mansyon. Hindi ko pala nasabi nasa States ang parents dahil may inaasikasong business kaya pina-ubaya ako kay Nel. Ayoko mag ate, trip ko lang. Pagkatapos ng ilang minuto , nakarating na rin ako sa paaralan . Di naman kasi kalayuan yung mansyon sa Northen Wing. At katulad ng nakasanayan, I'm just a nobody wala silang pakialam sayo kapag hindi ka maganda kahit mayaman ka pa.
Sino ba namng magkakagusto sa babaeng naka ponytail lang at naka "harry potter-kind of glasses" hindi ba't nerd talaga? Hay naku late na aku! Teka ano bang kaguluhan diyan at maraming mga babaeng nagtitilian? may prinsipe ba? may artista ba? o may binu-bully na namn? Hay buhay nga naman talagang makulay! Nag simula na akong mag halungkat ng mga gamit ko, to check if may na iwan ba ako while walking.
"Bitch, nagpapa-pansin ba siya?" dinig kong sabi ng isang babae pero isinawalang bahala ko lang, ewan ko ba kung sino ang tinutukoy niya, ang assuming ko naman kapag lumingon pa ako, dba? dba? kaya nag patuloy lang ako sa paglakad nang na bangga ako sa pader kaya natumba ako't nahulog ang lintek kung glasses at mga gamit ko!
"Bad trip naman oh'! Paharang harang kasi tong' pader na toh'"
pamamaktol ko habang hinahanap ang glasses ko
"Bulag ka ba ha?" rinig kong sigaw ng .... PADER?
At sa wakas nakita ko na ang glasses ko! Pagkasuot koy pinulot ko na ang mga gamit ko at isinawalang bahala ang pader."Hindi ka lang pala bulag, bingi pa! HUY! Kinakausap kita!" sigaw niya kaya nagtawanan ang lahat at tinapakan niya ang libro ko!!!! NO!!!! Ang newly edition ng TWILIGHT book! Tinulak ko siya at dinampot ang libro ko sabay tayo.
"Ano ba?" sigaw ko at tingin, OLALALALAH ang gwapo niya, kaso ang ugali bawas pogi points.
"Matapang ka pala 4 eyes" mahinahong sabi niya . GRABE! Di man lang siya natumba sa pagtulak kanina, FULL FORCE kaya yun! PADER talaga.
"PAKIALAM MO? Che PADER!"
Tumalikod na ako ngunit hinablot niya yung braso ko.

BINABASA MO ANG
In Search for:My Fiance'
Teen Fiction~PROLOGUE~ Do promises really are meant to be broken? But why do this girl, tries her everything so she can find her true betrothed? Our past really plays a big part in our lives that can never be easily buried. Find out whats the connection of the...