BIYERNES ng gabi at night café sa Divisoria. Kakauwi lang galing ng eskwelahan si Jude. Kahit walang gana ay may bibilhin na lang siya. Bibili siya ng mga iilang mga kwaderno para sulatan niya ng iba’t ibang mga gusto at pwede niyang maisulat. Bumili siya ng apat na piraso ng kwaderno. Yung dalawa ay study notebook niya at ang dalawa naman ay susulatan niya ng nobela at mga tula. Matagal na rin niyang hindi nagagamit ang talento niya sa pagsusulat. Si Andrew ang kanyang number one fan sa talent niyang ‘yun. Hinahangaan siya palagi ni Andrew noon sa mga iilang nobela, tula, sanaysay, at dialogue script na nagagawa niya. Ang hindi alam ni Andrew ay siya ang dahilan kung bakit inspired palagi sa pagsusulat si Jude. Ngayong wala na ito ay matagal na rin bago maisipan ni Jude na muling sumulat ng mga nobela. Umuwi na rin siya pagkatapos niyang mamili.
NANG makauwi si Jude ay naupo siya sa kanyang sofa at nag-iisip. Kaagad naman sumagi sa kanyang isipan ang mukha ni Stephen. Kung tutuusin ay gwapo din si Stephen katulad ni Andrew. Pero nasusuklam siya sa lalake dahil para bang pinagtitripan siya palagi nito. Hindi porke’t homosexual siya ay pagtitripan na siya kaagad ng kung sinu-sinong hindi niya kakilala. Kaya nga mas pinili niyang maging pormal sa lahat ng bagay kahit na bakla siya upang sa ganun ay mabawasan ang panlalait at diskriminasyon na kadalasang nakikita niya sa mga baklang nagsusuot ng mga pambabaeng damit. Isa sa mga dahilan kung bakit nagustuhan siya ni Andrew bilang kaibigan ay dahil sa totoo siya sa kanyang sarili. Kung ihahambing ni Jude sina Andrew at Stephen ay magkaibang-magkaiba sila sa kanilang pag-uugali. Si Andrew ay natural na mabait, maunawain, at higit sa lahat may mabuting puso samantalang si Stephen ay ganap na mapusok at sa tingin niya ay may masamang pag-uugali. Parang walang pakialam sa damdamin ng tao si Stephen King Roa.
“Ano kaya ang binabalak ng Stephen na ‘yun? Bakit kaya kakaiba ang pakiramdam ko sa kanya?”, minsan ay naitanong ni Jude sa kanyang sarili.
Nararamdaman niya ang masamang pag-uugali ni Stephen. Pero hindi na niya masyadong iniisip pa ang kaklase niyang ‘yun. Baka naman merong dahilan. Ayaw na niyang isipin pa si Stephen.
NANG matapos ang kanilang klase sa hapon kinabukasan ay nagulat si Jude sa biglang paglapit ni Stephen sa kanya.
“Anong kailangan mo sa akin?”, naitanong bigla ni Jude.
“Wala lang. Bakit masama bang lapitan kita?”, may panunuya sa sinabi ni Stephen.
“Wala akong panahong makipag-usap sa’yo”, deretsong sinabi ni Jude saka akmang aalis ngunit napigilan siya ni Stephen.
“Oh c'mon Judelo Miranda. ‘Wag mong sabihing natatakot ka sa akin?”.
“Tigilan mo na nga ako, Stephen Roa! Wala akong ginagawa sa’yong masama! At isa pa hindi ako natatakot sa’yo!”, medyo tinaasan na ni Jude ang kanyang boses, trying to control his temper.
“Teka lang! Relax. Wala naman akong ginagawang masama sa’yo ah. I am just trying to be your friend kung gusto mo. Bihira lamang akong makipagkaibigan lalung-lalo na sa mga homosexuals like you. Well, Judelo, consider yourself as lucky dahil nakikipagkaibigan ako sa’yo ngayon.”, wika ni Stephen.
Napabuntong-hininga si Jude nang makailang beses bago niya hinarap muli si Stephen. Kung nakikipagkaibigan ito sa kanya ay hindi dapat sa ganitong paraan. Duda siya sa estilo nito.
“Kung nakikipagkaibigan ka naman lang sa akin ay hindi sa ganyang paraan Stephen! Parang wala kang alam sa tunay na kahulugan ng pakikipagkaibigan. Kung ang ibang tao ay maloloko mo sa iyong estilo, pwes ibahin mo ako, dahil hindi mo ako madadala sa kagaspangan mo! Style mo bulok!”, mariin na pagkakasabi ni Jude ngunit nasa pormal na tono.
Pagkatapos masabi ‘yun ay pasibyang umalis si Jude at naiwan si Stephen na napahiya sa kanyang mga kaibigan at sa iilang taong nakarinig ng kanilang konbersasyon. Kulong-kulo ang dugo ni Stephen nang mga panahong ‘yun. Talagang ginagalit siya ni Judelo Miranda.
BINABASA MO ANG
One Friend (Boys Love Series)
Narrativa generaleThis novel will tell us that friendship and love is not all about the gender. Hindi hadlang ang kasarian upang ika'y magmahal, mahalin, at bumuo ng pagkakaibigan. For as long as mabuti ang iyong kalooban at wala kang tinatapak-tapakang tao ay hindi...