Play the instrumental: Maybe by Yiruma
“’YUN ang kwento ng buhay nina Jude at Andrew, Stephen. Simula noon ay hindi na naging masaya si Jude. Masakit pa rin hanggang ngayon para sa kanya ang pagkawala ni Andrew. How I wish na maibabalik pa sa dati ang sigla ni Jude.”, pagtatapos ng salaysay ni Rafael kay Stephen.
Biglang nanlumo si Stephen sa buong kwento sa buhay ni Jude. Ngayong alam na niya ang tunay na pangyayari kay Jude ay naiintindihan na niya ito. Kailangan ni Jude ngayon ng isang kaibigan.
“Kung ganun Rafael, kailangan tayo ni Jude ngayon.”, sabi ni Stephen.
Tumango-tango lamang si Rafael.
MAAGANG nagtungo si Jude sa University para hindi siya ma-late. Alas sais pa lamang ay nandoon na siya. Nag-aaral siya ng ilang lecture notes baka sakaling may quiz sila kalaunan. At dahil maaga pa at tahimik pa ang paligid ay nakapag-aral siya ng maayos. Ilang oras lang ang nagdaan ay siya namang pagdating ng ilan sa mga kaklase niya.
“Hi Jude.”, bati sa kanya ni Mae, isa ring kaklase niya.
“Hello.”, si Jude na simple lang bumati.
He continue his study. Hanggang nagsidatingan na nga ang lahat ng kanyang mga kaklase including Stephen. Si Stephen naman ay palingun-lingon, hinahanap si Jude. Nang makita niya ito ay naalala niya ang ikinuwento ni Rafael sa kanya tungkol sa pangyayari kay Jude noon. Gusto niyang kaibiganin si Jude at talagang gagawin niya ‘yun. Alam niyang mabuting tao ang kaklase niya. Kung noon pa sana niya ito kinaibigan malamang ay hindi na ito nalulungkot ngayon. Nakikita ni Stephen sa mga mata ni Jude ang matinding lungkot sa pagkamatay ng matalik na kaibigan nito. Lalapitan na sana niya si Jude ngunit dumating na ang kanilang instructor at magsisimula na ang kanilang klase.
PATUNGO ng canteen si Jude upang kumain dahil tapos na ang kanyang klase. Habang kumakain ay nire-review naman niya ang kanyang mga notes. Pagkatapos kumain ay ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa kanyang mga notes. Medyo sumakit ang ulo niya dahil kanina pa siya nagbabasa.
“Ay, kaya pala sumakit ang ulo ko kasi hindi ko suot ang salamin ko.”, nasabi ni Jude sa sarili.
Kinuha niya mula sa kanyang bag ang kanyang eyeglasses. Matagal-tagal na rin niyang hindi ginagamit ang kanyang eyeglasses. Sinuot niya ang kanyang eyeglasses.
“Bagay pa kaya sa’kin ‘to? Ano sa tingin mo, Andrew?”, sabi ni Jude.
Bigla siyang nanlumo. Nakalimutan niyang wala na pala si Andrew. Nagbuntong-hininga siya. Ipagpapatuloy na lang niya ang pag-aaral mamaya. Kinuha niya ang mga gamit niya at tumayo. Palakad na siya nang makasalubong niya si Stephen. Tinitigan siya ni Stephen in an angelic way. Tumaas ang kanang kilay ni Jude sa nakikitang maamong mukha ni Stephen. Ano na naman kaya ang binabalak ng taong ito? Nagbuntung-hininga si Jude at nilagpasan si Stephen.
“Jude, sandali lang.” si Stephen.
Nagulat si Jude at huminto. Siya ba talaga ang tinatawag nito?
“Maaari ba kitang kausapin?”, ani Stephen in a friendly way.
“Kung ano man ang sasabihin mo ay hindi ako makikinig”, hinarap ni Jude si Stephen.
“……..kilala na kita Stephen. Hindi mo na mabibilog ang ulo ko. Alam kong may pinaplano ka na namang masama sa’kin eh. I’m sorry pero sa puntong ito ay bistado ko na ang estilo mo!”, inunahan na ni Jude si Stephen.
“Hindi Jude. Wala akong gagawing masama sa’yo. Maniwala ka sa’kin, gusto lang kitang makausap.”, pakiusap ni Stephen.
“Hindi! Wala tayong dapat na pag-usapan. At sino ka naman para paniwalaan ko? Wala akong tiwala sa’yo!”, sabi ni Jude saka tumalikod at tuluyan nang umalis.
BINABASA MO ANG
One Friend (Boys Love Series)
General FictionThis novel will tell us that friendship and love is not all about the gender. Hindi hadlang ang kasarian upang ika'y magmahal, mahalin, at bumuo ng pagkakaibigan. For as long as mabuti ang iyong kalooban at wala kang tinatapak-tapakang tao ay hindi...