Chapter Eight

6.1K 29 4
  • Dedicated kay Stephen King Roa
                                    

Play the song: Hanggang Wakas by Juris

KAUSAP ni Stephen ang barkadang sina Alex at Ken sa canteen. Nagulat ang dalawa sa sinabi ni Stephen na expel na siya University.

“Seryoso ka ba diyan Stephen? Talagang expel ka na sa University? Pa’no nangyari ‘yun?”, gulat na tanong ni Alex.

“Dahil sa ginawa ko kay Jude kaya ako na-expel.”, malungkot na wika ni Stephen.

“What? Si Jude? You mean si Judelo Miranda? Nagsumbong siya?”, si Ken.

“Hindi. Hindi si Jude. Mismong mga Clinical Instructor namin. Natatakot ako ngayon.”, wika ni Stephen.

Ngayon lamang nakita ng dalawang lalake kung pa’no kabahan at matakot si Stephen.

“Ngayong ma-e-expel na ako, siguro naman magiging masaya na si Jude.”, sabi ni Stephen.

“No bro! Dapat sabihin mo sa kanya ito. Or magmakaawa ka sa kanya.”, si Ken.

“No need. Ayoko nang guluhin si Jude. Lalo lamang siyang magagalit sa’kin.”, wika ni Stephen.

Bumuntong hininga ang dalawang lalake. Talagang nagbago na nga si Stephen. Hindi na ito ang dating Stephen na nakilala nila na masungit at masama ang ugali. Sa tingin nila’y si Jude ang nagpabago nito.

“Aalis na ako guys. Sa tingin ko may tatlong araw pa ako upang manatili sa University.”, wika ni Stephen sa malungkot na tinig.

Umalis na nga ito. Nagkatinginan naman ang dalawang lalake.

“Alam mo Ken, dapat kausapin natin si Jude. Siya lang ang makakatulong kay Stephen this time. Saan kaya siya?”, ani Alex.

“Dude, mag-a-alas singko na. Hindi na nga pumasok si Stephen sa four o’clock niyang subject. I think umuwi na si Jude. Kausapin natin siya ng maayos bukas.”, ani Ken.

MAAGANG pumasok si Jude sa University. Papasok na sana  siya sa scheduled classroom nila nang makasalubong niya sina Venus, Emmie, at Dianne at sinabing walang klase sa subject nilang ‘yun ngayon. Napangiwi si Jude.

“Yay! Bakit naman?”, si Jude na napangiwi.

“May emergency si Ma’am Garcia ngayon Jude. Next week pa ang balik niya.”, sabi ni Dianne.

“Ay ganun ba.”, si Jude.

“Sama ka sa’min sa canteen?”, si Venus.

“Sige, habang ‘di pa ako kumakain ng breakfast.”, ani Jude.

Sumama siya sa tatlo niyang classmates. Pagdating sa canteen ay kumain sila. Kinuha naman ni Jude ang mga notes niya sa bag.

“Jude, hayan ka na naman. Mag-relax ka nga muna. I’m sure memorize mo na ‘yan.”, ani Venus.

“Wala kasi akong magawa eh.”, ani Jude.

“Mag-relax ka muna. How about playing a guitar. May dala akong gitara.”, ani Dianne.

“Good. Marunong akong mag-guitar.”, ani Jude.

“Cool.”,ani Emmie.

Binigay ni Dianne ang gitara niya kay Jude. Nag-iisip naman si Jude ng kakantahin.

“Now and Forever kaya ni Richard Marx.”, si Jude.

“Sige paborito ko ‘yan”, wika naman ni Venus.

Ngumiti si Jude at nagsimulang kaskasin ang gitara at kumanta.

Whenever I'm weary from the battles that rage in my head

One Friend (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon