#6 (12/25/14)

148 4 0
                                    

Chapter 6: May sakit si Kathy.

Tapos na ang klase namin at nandito kami sa hallway ni Yumi para ayusin ang laman ng locker namin.

Nang matapos na siya ay kinuha na niya yung bag niya at yung ibang books na kakailanganin namin para sa assignment bukas.

"Bestie, Una na ako ah.. Baka hinihintay na ako ni Alvin sa labas.." Paalam nito saakin.

I nodded my head. "Oo na. Sige na at baka malate kayo sa date niyo.." Sabi ko habang inaayos pa yung locker ko.

Mukhang matatagalan pa ako at abutin pa ng hapon dito sa school. Masyado rin kasing madaming kalat ang locker ko.. Puro kasi mga tambak na test papers.

"Text ka pag naka-uwi ka na ah.." Sabi niya at niyakap ako.

Hays. Eto nanaman siya. "Opo Inay." I hugged her back too.

She chuckled and hug me one last time. "Silly. Sige na I have to go." Sabi niya and she kissed me in the cheeks.

"Ukii~ Bye." I waved at her. She waved back saka na siya umalis.

Mahigit isang oras na akong naglilinis ng locker and sa wakas ay tapos na ako. I immediately texted Yumi para hindi na siya mag-worry.

Paglabas ko ng campus ang itim ng langit at umuulan na ng malakas. Geez. Wala pala akong payong!

May mga students din na paalis na ng campus with their umbrellas. Yung iba naman may ka-share. Wala kasi akong kilala. Mostly kasi mga Seniors na yung umuuwi ng ganitong oras. I'm currently on my 2nd year college.

"Aish. Umuulan." Sabi ko na halos pabulong lang..

Maghihintay nanaman ako na sunduin ako ni—

"Gusto mong maki-share?" Tanong ng tao mula sa likod ko. Kaya automatic na napatingin ako sakanya.

"H-ha?" Sabi ko ng makita ko si Luke na nasa likod ko at saka niya pinakita saakin yung payong na dala niya.

I stayed quiet for a moment. Alam kong hinihintay niya yung sagot ko pero hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o tatanggihan ko. Aish! Nahihiya kasi ako eh..

"Tinatanong kita kung gusto mong maki-share." Natauhan ako ng magsalita siya. Ano ba? Tatanggihan o Tatanggapin?

"Okay lang naman kung ayaw mo hindi kita pinipilit.." Sabi niya at naglakad na saka niya binuksan yung payong na dala niya paalis na sana siya pero agad na pinigilan ko siya.

"Wait! Pa-share akooo~!" Sabi ko saka lumapit ako sakanya at isiniksik yung sarili ko sakanya.

"Tss. Ingay mo naman.." Naiinis na sabi niya pero nginitian ko lang siya. Ang totoo niyan ang cute niya kaso laging nakakunot ang mukha at laging masungit.

Tsk tsk tsk. Sayang ang cuteness niya.

"Hehehe.. Sorry pooooo~!" Sabi ko sakanya.. Gusto ko sanang gayahin si Chichay kaso baka mabasa ako eh. Nababasa naman na kasi ako talaga dahil nga medyo maliit ang payong niya at may 2 inch. na pagitan saaming dalawa.

"Tsk. Dito ka nga!" Nagulat ako ng bigla niya akong inakbayan. Yung nakahawak siya sa braso ko na parang inilalapit ako sakanya.

*dug dug dug*

Halaaaaa~ Ano yun? Bakit biglang bumilis si Heartie? Saka bakit parang may spark akong naramdaman nang dumampi ang balat niya saakin?

OMG! Hindi kaya may sakit ako sa puso kaya ganun yung tibok niya? Robot ba to'ng lalaking ito na parang Si Joe sa My App Boyfie kaya may sparks? Kyaaaaaaaah! >\\\< *blush*

She's Mine, and Mine Alone.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon