MBT 34

161 15 2
                                    

Enrique:



Gusto ko ako ang unang may picture mo ngayon graduation. Huwag mo na munang patulan yung iba, please.



Padarag kong itinaob ang cellphone ko sa kama. Ano ka, anak ng Presidente!



Sa unang araw ng umaga ng April matatapos ang lahat ng matagal ko ng pinapangarap. Magkakaroon na rin ng hangganan ang mga araw na sobra kong pinaghirapan. Hindi ko na kailangan pang magsakripisyo araw-araw habang nilulunok ang lahat ng pag aalipusta ng mga tao sa paligid ko. Maiiwan ko na ang lahat, ang mga kaibigan ko, kaaway ko, pati na rin ang mga taong hindi nagsawa sa pagsuporta at pananalig sa akin.



Ngunit matatapos man ang lahat ay hindi ang mga natutunan ko, hindi lang sa pag aaral kundi ganun din sa mga pagsubok na dinanas ko, mananatili itong paalala at pag-asa para sa akin. Hindi ko nga lang alam kung damay ba sa makakalimutan ko ang pinakamahirap na desisyong nagawa ko buong talambuhay ko, iyong ipinagpilitan ko sa kanyang wala akong pakialam sa nararamdaman niya samantalang kabaliktaran naman ito. Minahal ko siya. Mahal ko siya. Iyon ang totoo, ngunit mas pinili kong daan ay ang tama. Maaring ngayon hindi ko pa makikita ang magiging resulta nito ngunit sigurado akong wala akong pagsisihan sa aking pagtanda. Dahil ito ang tama, ang pakawalan ko na muna siya. Masyado pang maaga ang lahat. Kung hindi tatanggihan ng tadhanang ako ang mas bagay sa kanya, may pag-asa pa ako.



Sinuyod ko ang buong gym nang magkaroon ako ng pagkakataong makita ang lahat ng Graduates, hinanap siya ng mga uhaw kong mata at kinabahan ng makitang nakapako sa akin ang kanyang mga mata. Seryoso ngunit may kaunting pahiwatig ang mga mata niyang iyon. Kinagat ko ang ibaba ng labi ko.



" Julia, anak! Congratulations! " Tuwang-tuwa si Tita Imelda nang yakapin niya ako pagkababa namin ng stage, bale siya ang umakyat at nagsabit sa akin ng medalyang nakuha ko bilang Salutatorian ng aming klase. Siya rin ang nagrepresentang maghatid sa akin sa martsa papasok ng gym. Kaya kahit papaano ay hindi ako nagmukhang alien sa gitna ng Graduation. Palagi kong sinusulyapan si Crown upang makita ang mukha niyang galit na galit sa akin ngunit nagkamali ako. Tila wala sa kanya ang pamumuri sa akin ng kanyang Ina. Napangiti ako doon.



" Anak, Crown, sigurado ka bang umatend ng Graduation 'yon si Daniel? " Nabilaukan ako sa pag-inom ng tubig sa naging tanong ni tita Imelda sa kay Crown na ngayon ay pinapaypayan ang sarili sa init. Nakalabas na kami ng gym at ngayon ay nakakalat na ang mga estyudante para sa pagpapapicture.



" Kanina ko pa siya ipinapahanap sa Daddy mo pero wala siya. I want you two have pictures.. we need that. " She concludes. Napatingin ako kay Crown ngunit agad rin niyang binawi ang mga mata niya sa akin. Oh no, may alam ba siya? No. I mean, nasaan na nga ba talaga 'yon si Daniel? Ang sarap niyang sapakin sa galing niyang magtago, inutusan ko siyang umiwas, oo, pero hindi yong ganito, ni anino niya ay walang lumitaw buong linggo? Pinipiga ang puso ko. Miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang maaninaw, kahit sa malayo lang, basta makita ko lang siya ulit. Last na ito!




" Julia! Picture tayo! Oh my god, hindi ako makapaniwala! College na tayo! Shit! " Panay ang talon at ngiti ni Jaymie habang hawak-hawak ang diploma niyang malapit ng magusot. Kasunod niya si Kate na ngayo'y tuloy lang sa pagseselfie sa bago niyang iPhone 6s. Inagaw iyon ni Jaymie at ibinigay doon sa aniya'ng ka-MU niya.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon