Chapter 14

3.1K 147 11
                                    

He's waiting...for her.

Rosede. The big beautiful gray..wolf.

Yes,he search it about that big creature at sa paghahalungkat niya sa internet nalaman niya na may pagkakahawig ito sa isang lobo na nakita niya sa isang website at sigurado siya na isang lobo si Rosede!

"Is she coming tonight?" anas niya habang nakatitig sa nakabukas na balkonahe niya. Marahas siyang napabuga ng hangin. Ilang oras na siya nakaabang rito habang nakaupo sa wheelchair niya. Nang masulyapan ang oras nagpasya na siyang matulog. Mukhang hindi na babalik iyun!

Baka nalaman ng may-ari na nawala ito kagabi kaya hindi na ito naligaw pa?!

Kung sino man ang may-ari ng lobong iyun gusto niya makilala!

Muli siya napabuga ng hangin at sinimulan ng igiya ang sarili na lumipat sa kama niya.

Pero bago pa man siyang tuluyan makalipat sa kama niya may mabigat na yabag ang nagpalingon sa kanya.

"Rosede!" bulalas niya.

Agad na binalot siya ng excitement at pagkamangha ng makita ang hinihintay niya pero nakalimutan niya ang posisyon niya kaya namalayan na lamang niya na babagsak siya sa gilid ng kama. Ngunit bago pa man siya sumalampak sa sahig agad na nakalapit sa kanya si Rosede!

Napasinghap siya ng bumagsak siya sa mainit at malambot nitong balahibo.

"T-thank you," usal niya at umayos siya ng pagkakasandal sa mainit na katawan ng lobo. Napangiti siya. Ipinikit niya ang mga mata.

He feel comfortable and warmth. Ang sarap sa pakiramdam niya ang init at lambot na nakadaiti sa kanya.

"Akala ko...hindi ka na babalik," anas niya.

Dumilat siya at napangiti muli ng idantay ng lobo ang mukha nito sa kandungan niya. Agad na lumapat ang palad niya sa ibabaw ng ulo nito sa pagitan ng tainga nito at masuyong hinaplod ang makapal at malambot nitong balahibo.

"Sana...lagi mo akong puntahan. Hihintayin kita...gabi-gabi," usal niya habang patuloy pa rin sa paghaplos sa ulo nito.

Tumitig sa kanya ang malalaki nitong mga mata. "Ngayon ko lang ulit naramdaman na maexcite at..umasa,and that's because of you,Rosede," patuloy niya.

Bigla sumulpot sa isip niya ang mukha ng doktora.

Nagpakawala sya ng hininga. "Bukod din sayo meron pa.."aniya. " Si Dra.Graciano,that crazy woman. She's so annoying but...I..I like her,I think.."

Napaangat ng mukha ang lobo. Natawa siya ng mahina. "I know you understand me kaya sana sekreto lang natin dalawa. Rosede. Iyun ang pangalan niya kaya iyun din ang ipinangalan ko sayo,can you promise me na satin lang dalawa yun?"

Nababaliw ka na nga talaga,Vincent!

Natawa siyang muli ng mahina sa pinagsasabi niyang iyun pero iyun ang totoo!

Hindi na niya maitatanggi pa na nagugustuhan niya ang doktorang yun!

"You know what..parang nakikita ko siya sayo dahil sa mga mata mo. Kulay abo din ang kulay ng mga mata niya katulad ng sayo," pagtitig niya rito.

Pinadaan niya ang mga daliri niya sa ibabaw ng mga mata nito.

"Beautiful eyes..mga mata na nagpapabilis ng tibok ng puso ko sa tuwing nagtatama ang mga mata namin," anas niya.

Nagpakawala siya ng hininga. "Sana...makalakad pa ko. Gusto ko kasama ka mamasyal kahit gabi," aniya sabay tawa ng mahina.

Ipinikit niya muli ang mga mata.

"Sana..siya na ang magpabalik sa dating ako. Ang makalakad muli.." usal niya.

Hindi niya namalayan na nakatuLog na siya habang nakasandig sa katawan ng lobo.

Nagmulat siya ng mga mata ng tamaan siya ng sinag ng araw at ganun na lang ang pagtataka niya ng nasa kama na siya.

Napakunot-nuo siya. Pagkakaalala niya nakatuLog siya na nakasandal sa lobo. Wala siyang natatandaan na lumipat siya ng kama at sino naman ang maglilipat sa kanya roon?

Naipilig niya ang ulo. Hindi kaya ang lobo?

Imposible naman yun!

Ilang katok ang pumukaw sa kanya at ang Tita Lynda niya ang niluwa ng pintuan.

"Samantha is here.."malamig at mariin nitong sabi.

" You let her in?"aniya.

"Yes..dahiL gusto ko makita niya ang ginawa niya sayo. Get up at kanina ko pa gusto pagsalitaan ang babaeng yun!"iritado nitong turan.

Nagpakawala siya ng hangin. He can't believe na maghaharap na muli sila ng dating kababata..ng dating kasintahan.

"I want to talk to her..alone,Tita Lynda.."baling niya sa tiyahin na gwardyado siya.

Kokontra sana ito pero nakita nito ang kaseryusohan niya.

"Alright!" napipilitan nitong tugon.

Siguro ito na ang oras para magharap sila ni Samantha. He have to face her now.

Gusto niya ipakita na rito na hindi niya kailangan ng awa nito na nakikita niya sa mga mata nito ngayon.

Hinintay niya na makaalis ang Tita Lynda niya bago siya bumaling sa dating kasintahan na nakatitig sa kanya na may awa sa mga mata nito.

Hinagod nito ang kabuoan niya habang nakaupo siya sa kanyang wheelchair.

"Why are you here?"malamig niya turan rito at doon lang ito napukaw mula sa pagtitig sa kanya.

"I know,it's too late para humingi ng sorry sayo,Vincent,"emosyunal nitong saad.

Mapait siyang ngumiti rito.

"Ano pa magagawa ng sorry mo sa nangyari sakin ngayon?"matalim na sabi niya rito.

Naluluhang tumitig sa kanya ang mga mata nito.

Naikuyom niya ang palad na nasa ibabaw ng kandungan niya.

"Hindi ko kailangan ng awa mo,Samantha.."mariin at malamig niyang sabi rito.

Napakagat ito sa pang-ibaba labi nito.

Napapahiya na yumuko sa sinabi niyang iyun. She look so guilty and..feeling sorry to what happen to him.

Lalo lamang niyun hindi niya nagustuhan.

They are already broke him. His trust and his heart.

"Kung wala ka ng sasabihin,you can go now..darating ang doktor ko at ayokong maabala,"malamig pa rin niyang saad.

"I'm sorry,Vincent.."naluluha nitong turan.

Matigas ang anyo na sinalubong niya ang luhaan na nitong mga mata.

"Yeah,sorry din para sa sarili ko na masyado ko kayo pinagkatiwalaan at pinahalagahan..look at me now! Masaya ba kayo ngayon sa nangyari sakin?"pag-alpas na ng galit niya para rito.

Lalo lamang napaluha ang dalaga at pinigilan na niya ang sarili na humilagpos pa.

"But atleast nalaman ko na ngayon na hindi mo talaga ako minahal,narealize ko din baka minahal lang kita dahil akala ko ikaw na babae na para sakin but I'm wrong,"saad niya sa kalmanteng tono.

Marahas siya napabuga ng hangin.

"Sayang..sinayang niyo lang pagsasamahan natin tatlo,"aniya at hindi na siya muling umimik pa.

Ngunit naging determinado ang dating kasintahan at hinayaan ito na sabihin kung ano ang gusto pa nitong sabihin.

TPOGWD Series 7: ROSEDE H. GRACIANO byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon