Srsly! Ewan ko ba kung bakit ang daming naadik sa kpop na yan! Yung mga kabataan ngayon? Puro bukangbibig ay EXO! Super Junior! Girls' Generation! BTS! Etc! Eh samantalang di naman nila maintindihan yung sinasabi nila.
Tapos yung ibang fan, halos laman ng cellphone nila eh puro mukha ng bias nila. Punung-puno ng mga poster yung buong kwarto at kumpleto pa sa mga merch!
Haaaaays. Pati yung bestfriend ko? Ayun! Adik na adik sa EXO! Madaling araw na matulog para lang manuod ng mga shows nila sa youtube. Grabeee.
Nica's POV
"BEST! BEEEEEEEEEST! GISING NAAAA! PUPUNTA TAYONG KOREA!!!! WAAAAAAAAAAAH" -Jas
Ang ingay naman neto ni Jas! Gusto ko pang matulog eh! T^T Teka? Panu to nakapasok sa kwarto ko? Haaaays. Sabagay! Lagi naman tong nakakapasok dito.
"HOOOY BEST! Dalian mo na! Maaga pa flight natin papuntang Korea! Maligo ka na!" -Jas
Napabangon ako bigla. Anong Korea? Teka anong gagawin namin dun?
"Anong Korea? Hoy best wala akong pera! Wala naman tayong usapan na pupunta tayo dun ah?" -ako
"Libre na tito yung pamasahe natin. Yun kasi yung regalo nya sakin nung birthday ko. Ipapasyal nya daw tayo sa Korea!!" -Jas
"Okaaaaay? So tayong dalawa lang pupunta dun?" -ako
"OO! Pumayag na sila Mama at Papa. Pumayag na din ang mga magulang mo kaya tumayo ka na dyan at mag-ayos ka na!!!" -Jas
"Oo na! Magbibihis na po ako." -____-
Ayun tumayo na ko at naligo kahit gusto ko pang matulog! Goodluck samin sa Korea. Di pa naman kami marunong mag-English TT.TT
BTW I'm Nica Aragon. 18 years old. 2nd year college na ko. I took up BSNursing. May bestfriend akong kalog. Si Jasmine Ordinante. Magbestfriend kami since elementary pa at sobrang kinaaadikan niya ang EXO. Lalo na yung Sehun ba yun? Grabeeee. Tuwing magkikita kami laging bukang-bibig nya yung Sehun na yan -____- 2nd year college na din sya at parehas kami ng course. Mayaman sila. Kami? Okay lang. Di masyadong mahirap, di rin masyadong mayaman. Nakakakain parin kami 3 beses sa isang araw.
Sembreak naman namin kaya okay lang ngayon na gumala kami at grabe ha! Korea pa! Pwede naman sa Palawan nalang or Boracay. Gusto lang nun makita yung EXO eh. Si best talaga. Haaaaaay -_____-
"Oh mag-iingat kayo dun ha! Mamasyal lang kayo dun. Wag muna kayo humanap ng boyfriend na koreano dun!" -Tita Jade
Sya yung mama ni Jas. Grabe sobrang bait nya sakin. Swerte ni Jas sa Mama nya kasi lahat ng luho nya nakukuha nya. Yung asawa naman nya nasa Dubai nagtatrabaho. Hinatid nya kami sa airport kasama si Mama.
"Wag kayong masyadong gumala dun! Siguradong malamig dun." -Mama
"Opo tita! Sige na po aalis na po kami!" -Jas
"Bye tita! Bye Mama!" -ako habang kumakaway sa kanila.
Sumakay na kami sa eroplano at umupo.
"OMG Best! Makikita ko na yung EXO!" -Jas
"Sabi na eh! Gusto mo lang makita yung mga yun eh!" -ako
"Syempre! Gusto ko na talaga silang makita! Lalo na si Sehun mylabs! I CAN'T WAIT!" -Jas
"Saan mo naman sila makikita dun aber?" -ako
"Pagdating natin sa Korea, syempre punta muna tayo sa bahay ni Tito Mark para kumain at magpahinga tapos pupunta tayo sa SM Building!" -Jas
Napaisip ako. SM Building? Anong gagawin namin dun? Meron ba yun dun? Mukhang niloloko lang ako neto ni Best eh -_____-
"Best, Korea yun! Walang SM dun! Tsaka kumpleto naman 'tong dala natin ah? May bibilhin ka ba?" -ako
"Tungaks! Best naman eh! SMent building yung sinasabi ko! Yun yung building ng company ng EXO! Hindi yung mall -____-" -Jas
"Ay yun ba yun? HAHA Sarreh na XD" -ako
Maya-maya ay umandar na yung eroplano. Grabe nahihilo ako tsaka di ako makahinga. First time kong sumakay sa eroplano eh.
"Best nahihilo ako!" -ako
"Haynako Best. Matulog ka na lang muna. Gisingin nalang kita kapag nakarating na tayo." -Jas
So ayun. Tinulog ko nalang tong takot at hilo ko sa eroplano.
BINABASA MO ANG
I'm not his fan.
FanfictionHello! This is my first time to write a fanfic. 'Tong kwento ko eh about sa isang babaeng hindi fan ng isang idol pero maiinlove sa kanya 'tong idol na 'to. So yun sana may magbasa nito XD Comment na din kayo kung panget para di ko na ituloy XD (wal...