Chaperone
Andyan nanaman siya. Yung taong gusto kong makita pero ayokong marinig ang sasabihin nya. Si Ghale. Araw-araw ko siyang nakakasama at katabi ko pa. Onti-onti nanaman nya akong tinititigan na para bang gusto nyang tanungin ko kung kamusta na sila ng manliligaw nya na obvious namang gusto nya rin. At bilang kaibigan slash seatmate nya ay dapat ibungad ko ang ngiti kong mala aso ang datingan. Noong first day namin tuwang-tuwa talaga ako dahil makakatabi ko na ang ultimate dream girl ko pero ngayon parang pinagsisisihan ko na.
"So, uhm good morning?" - Nakatingin siya sakin sabay ngiti.
" Goodmorning din! may ishe-share ako sayo hihi." - Nakakalungkot lang isipin na sa sobrang ganda ng ngiti nya saken ay alam kong ibang tao naman ang may gawa non. Umupo siya sa tabi ko at nagsimula nanamang ikwento ang mga nangyari sa kanila ng maliligaw nyang si Kevin. Syempre magpapanggap nanaman akong masaya sa mga kakornihan ng manliligaw nyang nagsulat sa cardboard ng "I ♥ u 4ever" sabay inabutan siya ng rosas at tobleron. Haayss. Ang baduy! Bukod sa luma na yung style nya eh hindi pa marunong mag spelling ng " I love you forever". Pero kahit papano nagseselos ako.Maya-maya pa'y iniba nya ang usapan at bigla nya akong niyayang bumili sa national bookstore ng school supplies.
" may project ba tayo?" - Kinabahan ako kasi palaging ako ang huling nakakaalam kapag may project kami.
" Wala naman. may gagawin lang kasi ako eh. Pagkatapos non direcho tayo sa bahay namin. So ano sasama kaba?" - Natahimik ako at nag-aalangang sumama dahil panigurado gagawin nya lang akong chaperone. Pero ayan nanaman yung ngiti nya. Yung lumalason ng puso't isipan ko. Punyeta sige na nga!. Kinalabit nya ako at bigla akong natauhan.
" uuy.. sumama kana pleaseee.."
" Sige sasama na ako." - Napakamot ako ng ulo dahil parang nagkamali yata ako ng disisyon.
" Yeheeeeeey!" - tuwang tuwa siya at pinag aalog ako na parang alkansya.
Nang sumapit na ang uwian ay dali dalian kong inayos ang mga gamit ko. Nasa labas siya ng classroom at kinakausap si Kevin. Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataong tumakas kaya naman dahan dahan akong lumabas sa pintuan ngunit napansin nya parin ako. Naku pu! Lagot na!
" Uuwi kana?" - tanong nya.
" Ah eh.. oo yata..." - Parang nakorner ako sa sagot ko.
" Diba pupunta pa tayong national?"
" Ay oo nga pala! So ano tara?"
" Teka magpapaalam lang ako kay kevin." - Magpapaalam? So meaning non sila na? Tangina malungkot!. Biglang sumingit si kevin sa eksena. Hinawakan nya ako sa balikat sabay sabi ng -" Pre ingatan mo si Ghale ha, mahal ko yan" - Medyo nag init ang dugo ko. GAGO! MAS MAHAL KO SIYA! kung pwede lang sabihin yon. kaya naman ang sinagot ko nalang ay -" Sige pre." - Umalis na din kaagad si Kevin kasama ang dalawa nya pang tropa na mukang tuko at dumirecho na kami ni Ghale sa national bookstore.
Punyeta sabi na ngaba e. Masasaktan nanaman ako. Ang olats ko talaga leche! Kaya habang nasa jeep kaming dalawa ay nakatingin lang ako sa malayo habang siya naman ay katabi kong tahimik lang.
" Sasagutin ko naba si Kevin?" - Isang random na tanong na nakakakainis sagutin.
" Bahala ka." - Nakatingin parin ako sa malayo at kinakabahan sa susunod na sasabihin nya.
" Parang ayoko nang patagalin eh"
" Patagalin mo pa ng onti. Wala pa ngang one month eh"
" Eh diba hindi naman pinapatagal panliligaw, yung relasyon dapat diba?"
" Siguro nga" - Napaisip ako sa sinabi nya. Puta ganun ba yon?! Pano mo makikilala yung isang tao kung di mo manlang siya nakasama sa loob ng isang buwan o mahigit? Hindi na nagsalita si Ghale at bumaba na kami sa tapat ng national bookstore.
BINABASA MO ANG
For better days
Teen FictionIbat-ibang istorya para sa iisang layunin. Para sa magandang kinabukasan. For better days.