Siyam na buwan mo akong dinala sa iyong sinapupunan...At nang dumating ang araw na iyong pinakahihintay na ako'y iyong masilayan ay walang hanggan ang iyong nadamang kaligayahan.
Ako'y iyong inalagaan,minahal nang higit sa'yong buhay.
Ako'y iyong pinalaki na may mabuting asal.
Ako'y iyong pinangaralan at dinisiplina upang sa aking paglaki gabay mo'y aking dala...At sumapit nga ang araw na ako'y kaya nang mag isa at mag desisyon sa buhay...
Lagi mong paalala'y wag kong kalilimutan ang iyong mabubuting pangaral.
Ako'y lumayo upang harapin ang pangarap ko sa buhay at ako ay sayo'y nawalay.
Dala ang iyong pangaral sa buhay at nangako akong ako'y magtatagumpay!Subalit habang ako'y nasa malayo di ko namalayang unti unti ko na pala kayong binibigo!
Mga pangaral mo'y aking nakalimutan...
Pinangako sa sarili'y di na kayang tuparin!Ako'y nawala!
Nawala sa mundong walang katiyakan!
Walang pupuntahan!
Lubog na sa kasalanan!At ito'y iyong nabalitaan...
Agad akong pinuntahan nang walang alinlangan...
At nang ako'y iyong matagpuan...
Ang tangi mong sinabi ay"ANONG NANGYARI SAYO,ANAK?"At nang kita'y tingnan aking nasilayan.
Mga mata mong dati'y kay sigla sa tuwing ako'y titingnan.
Ngayo'y punong puno nang lungkot,pagdurusa't luhaan!
At napakasakit isiping ito'y dahil saking kagagawan!Ako'y iyong niyakap at aking naramdaman ang iyong walang hanggang pagmamahal.
At ngayo'y nagsisisi sa mga ginawang kasalanan at kung bakit ko nga ba nagawang kalimutan mga pangaral ni inay...Sana ginawa ko ang tama at di ko hinayaang maligaw nang landas ang aking sarili...
Sana masaya kami ni nanay na magkasama....
Sana kasama ko pa sya...
At sana wala ako dito sa isang kwarto na kung tawagin ay KULUNGAN!