GABRIEL's POV
Sa tingin ko, ito ang pinakamalas kong araw. Nabali lang naman kanan kong paa, ang saya diba? Kaya buti na lang nakahanap ako ng way para mapalayas sa bahay na ito yung dalawang asungot na yun. Ang saya saya ng gabi ko, darating sila. I mean d talaga siya totally masaya pero MAS LALO LANG NILA PINALUNGKOT!
Buti na lang naibalik na sa akin itong phone na ito, dahil kung hindi baka mabaliw na ako dito sa bahay.
Mukhang alam ko na mangyayari sa akin dito sa loob ng isang linggo, tambay lang sa loob ng bahay. Tunganga, kain, tulog, ang saya grabe, NAPAKASAYA.
Hindi ko namalayan kakaisip ko sa mangyayari bukas ay nakatulog na ako.
-------------------------------------------------------
Ito nanaman, hindi ko alam pero nangyari nanaman ito. Hindi ko alam pero lately lagi na lamang ako nananaginip at nakikita ko ang mga bagay bagay na hindi ko maalala. Ano ba talaga itong nakikita ko? Bakit nakikita ko ang sarili ko? BAKIT ANG BATA KO?!
Ang weird pero ito ako ngayon nananaginip at nakatayo sa kahabaan ng field ng school, pinanonood ang batang sarili ko na masayang naglalaro. Sa tingin ko ay grade 8 ako nito. Nakakatuwa dahil ang saya niya, ang sarap balikan ang mga panahong ito na ang saya saya ko. Na kung saan ay nararamdaman ko ang tunay na kasiyahan, at walang halong kalungkutan.
Habang pinapanood ko ang batang sarili ko ay napansin ko na umalis ito mula sa puwesto niya. Hindi ko kasi nabanggit na naglalaro siya ng volleyball ngayon at kalaro niya ang mga kaklase niya.
Pero saan siya papunta? Walang dali dali ay sinundan ko kung saan siya papunta. Umakyat siya sa building nila, at kumanan siya sa kahabaan ng corridor.
WAIT? BAKIT PUNONG PUNO NG DESIGN ANG CORRIDOR? PURO HEARTS AT BALOONS? ANONG MERON? VALENTINES CARD?
So, valentines day pala sa panahong ito? Pumasok ako sa room kung saan pumunta ang sarili ko. Walang tao sa room. Tanging siya lang. Lumapit siya sa bag niya. May kinuha siya. BOX?!
Nagulat ako ng may inilabas siyang box na black at may note ito sa taas. i love you? Kanino ko ito ibibigay? Naglakad palabas ng room ang sarili ko kaya agad akong sumunod. Napansin ko siyang pumunta sa kabilang hagdanan kung saan andoon nakalagay ang locker. Nakita kong nagulat siya ng makita niya ang grupo ng mga tao na naghihiyawan. Agad akong lumapit sa pinagkakaguluhan nila. Nagulat ako ng tumatagos ako sa kanila at hindi nila ako nakikita. So, in short binabalikan ko lang ang mga pangyayari sa buhay ko? Pero bakit hindi ko ito maalala?
Nakita kong lumuhod ang lalaki sa babae at binigyan niya ito ng mga tsokolate at bulaklak. Tinanong niya ang babae at tumango ang babae. Napangisi na lamang ako dahil kay babata pa lamang ay ang rurupok na. Naghiyawan ang lahat ng mga estudyante na nanunuod sa nangyayaring ligawan. Napansin ko na wala na sa likod ang batang sarili ko kaya agad ko itong hinanap. Pumasok ako sa room kung saan siya pumasok kanina.
Papalapit pa lamang ako ng kwarto ng may naririnig akong mahihinang iyak. Wait? Sino ang umiiyak? Pagkapasok ko ay may napansin akong nakaupo sa sulok ng kwarto. Pagkalapit ko doon ay nakita ko sa isang basurahan ang box na nakita kong hawak niya kanina. Pagsilip ko rito ay nakabukas na, wait ito ung lalaki kanina na nangliligaw? May gusto ako sa lalaking iyon? Sino ba yun?
May narinig akong pumasok. Sila yug nagliligawan kanina. Napansin nung babae yung batang ako na nakaupo sa gilid at umiiyak kaya lumapit ito. Magsasalita na sana siya ng makita niya yung box sa basurahan. Tinignan niya ito ng mabuti at nakita niya na yung boyfriend niya ang laman nito at puro i love you ang nakasulat. Nagulat ang babae pero pagkatapos nito ay natawa ito, pati rin yung lalaki sa likod niya na nasa larawan ay naoangisi.
Napansin nung batang ako na napapatawa na sila kaya agad niyang kinuha ang box na hawak nila at tumakbo papalabas ng room. Balak ko sanang sundan siya pero nagulat ako dahil nagbago ang lugar. Lahat ng nasa paligid ko ay nag iba at sa tingin ko ay nasa isa akong kwarto.
Habang naglalakad lakad ako sa kwarto ay napansin ko ang batang sarili ko na nasa table at may kasamang lalaki. Nakita ko na ang lalaking iyon ay yung lalaking lumaigaw sa babae kanina. Pero wait sino ba talaga to? Ano bang pangalan nito? Nasilip ko yung pangalan niya. Carl? CARL DRAKE?!
-------------------------------------------------------
Nagising ako dahil sa isang kalabit. Mama?
"Bakit mama?," tanong ko habang inaantok pa.
"Nak kailangan muna namin pumunta sa probinsya dahil ang lolo mo ay pinapapunta kami agad," sabi ni mama.
"Ano bang problema?,"
"May balak kasi kumuha ng lupa natin, doon sa probinsya kaya kailangan namin pumunta ng papa mo. Kaya mo naman na mag isa diba?," sabi niya.
"Ah sige mama pero masakit paa ko kaya hindi ko sure kung magiging okay ako hehe," palabiro kong sabi.
"Sira! Sinabihan ko na si Micco na bantayan ka habang wala kami."
"May anak yun idadagdag mo pa ako sa problema niya."
"Hala nak hindi mo ba alam? Kinuha na yung anak niya ng asawa niya. Noong nakaraang linggo pa."
Tila may dumagan sa likod. Sa tingin ko ay naramdaman ko ang nararamdaman ni Micco ngayon kahit hindi ko siya nakikita.
Nagtagal ng konti ang usapan namin ni mama at umalis na sila. Mamayang tanghali pa raw makakapunta si Micco at dahil 5 pa lang ng madaling araw ay naisipan kong matulog muna. Hindi ko alam na sa araw pala na iyon ay magsisimula ang pinakakinakatakot kong pangyayari. Nang araw na yun lahat ng mayroon kami ay kinuha na. Hindi ko alam na sa pagdilat pala ng mata ko ay wala na ako sa lugar na kinasanayan ko, wala na ako sa bahay na kinalakihan ko.
-------------------------------------------------------
3 YEARS AFTERAndito na kami ngayon nangungupahan at halos lahat ng gamit namin ay ubos na. Hindi ko kasi alam na nung araw na iyon ay tuluyan ng nakuha ang bahay namin sa probinsya dahil may isang mayaman ang bumili ng lupa namin sa kamay ng gobyerno. Kahit anong laban namin ay nanalo pa rin ito dahil sa yaman nila at halos naubos doon ang pera namin. Dumagdag pa na ang pinagtratrabahuhan ni papa ay ilegal pala kaya agad itong ipinasarado. Nabaon kami sa utang kaya ibinenta na lamang namin ang bahay namin sa manila at lumipat kami rito sa cavite. Malungkot pero wala kaming magawa kung hindi sumabay na lamang sa agos ng panahon.
3 taon na ang nakalipas at ito kami ngayon, hindi pa rin nakakaahon. Tumigil na rin ako sa pag aaral dahil naisipan ko na lamang mag trabaho para makatulong. Namasukan si mama na labandera, si papa naman ay nag tatrabaho sa isang construction site. Ako naman ay isang cashier sa isang fast food chain. Hindi naman kami nagkakaproblema kaso hindi kami makaangat dahil sa taas ng presyo ng bilihin at ng upa sa bahay dagdag na rin ang tubig at kuryente.
Minsan napapaisip ako bakit nangyayari ito sa amin at kung sakaling hindi kami nag hirap ay nakapagtapos na kaya ako?
Lunes ngayon kaya kailangan kong magbihis dahil may trabaho pa ako. Pang gabi ako at tanghali na ngayon kaya kailangan ko ng magluto para sa kakainin ko. Gusto ko man wag pag trabahuhin si mama pero mapilit siya kaya wala akong magawa. Maaga silang umaalis kaya ako lagi naiiwan sa bahay pag tanghali at pag alis ko tsaka uuwi si mama. In short hindi na kami nagsasama sama pa sa isnag hapagkainan, gusto ko ng bumalik sa dati. Ang hirap ng sitwasyon namin at ayaw ko na silang napapagod.Matapos kong kumain ay naligo na agad ako para mamaya ay magbibihis na lamang ako at papasok na. Habang naliligo ay may biglang pumasok sa isipan ko. Naalala ko ang mga panahon na nananaginip ako ng mga bagay bagay na sa tingin ko ay nangyari sa nakaraan ko. Habang nakapikit andinadamdam ang tubig sa kada buhos ko ng tabo ay may naaninag akong lalaki. At humarap siya sa akin, madili kaya hindi ko maaninag mukha niya. Pero nagsalita ito at narinig ko, rinig na rinig ko ang boses nito. ANG SARILI KO? ANG MATANDANG ITSURA NG SARILI KO?BAKIT ANG LUNGKOT NG BOSES NITO?
-------------------------------------------------------
Author's NoteSorry, nawala kasi yung will ko na mag update. I hope you enjoy it. Hindi ko maiprapromise kung kailan ulit ako makakapag update.
BINABASA MO ANG
STAY WITH ME
RomansaBata pa lamang si Gabriel ay alam niya na na mayroon siyang pusong babae. Kaya't hindi na bago sa kaniya ang magkagusto sa lalaki. Lumaki siya sa hindi mayamang pamilya kaya't magiging pagsubok sa kaniya kung paano niya haharapin ang kaniyang magigi...