NAKATITIG ako sa kisame habang naririnig ang patak ng ulan at malakas na simoy ng hangin sa labas ,Halos bumaha na sa loob ng kwarto dahil sa tulo sa kisame,wala kasi akong pambili ng pantapal para mawala ang tulo,wala din akong makita dahil sa sobrang dilim buwan lang ang nagbibigay liwanag sakin
Tumayo na ako ng makaramdam ako ng gutom ,may tira pa namang dilata na galing sa libreng pagkain sa nasalanta ng bagyo,buti nalang ay nakipila ako sa labas kung hindi ay matutulog nanaman akong walang laman ang tiyan
"Rieca!!! Tumakbo ka na wag nang bumalik!! Iwan mo na ako"nagmamakaawa na sabi ni mama
"Pero! Mama,ayaw kong iwan ka! Hindi ko kaya!!" Umiiyak na sabi ko, Nagulat nalang ako na tumalsik na ang dugo ni mama sa buong katawan ko , nandiyan na naman sila pinagkakasya ang katawan kay mama! Mga demonyo sila!
"MAMA!!"
Napabalikwas ako ng bangon,umaga na,tagaktak ang pawis ko at hingal na hingal para akong sumama sa karera ,tumigil na ang ulan pero ang luha ko ay parang bagyo na ayaw tumigil sa pag agos,naalala ko na naman yung pangyayaring kahit pilit kong kinakalimutan na kahit anong gawin ko ay ayaw maalis saking isipan
Fuck this! Photograpic memory!!
Maayos naman lahat! Nagagamit ko ito sa pag-aaral ko kapag may kinakabisado! Kapag may usong kanta agad na nasasabayan ko!
Pero triple yung sakit na nararamdamn ko kasi yung disadvantage niya eh detalyadong-detalyado kong naalala ang pagkamatay ng nanay ko!
Tinutulungan na nanga namin sila ,pero sila pa yung dahilan kung bakit namatay si mama
Mga espiritong hindi matahimik dahil hindi pa nila nakakamit ang hustisyang gusto nilang makamit,musmos palang ako ng lagi kong nakikita si mama tuwing alas tres ng madaling araw na may kausap na may saksak sa leeg, may basag na mukha ,putol ang paa ,pugot ang ulo,puno ng dugo, sa mura kong edad ay akala ko normal silang tao, na normal lang na may kutsilyo pa sa likod ,may dugo kapang nagkakalat sa mukha mo ay okay lang naalala ko pa nung mga panahon na tinanong ko kay mama,7 taong gulang palamang ako nun
"Ma,ang kulit naman ng itsura ng mga kaibigan mo,may mga sugat sila! Tapos minsan ang sama ng tingin nila sakin, Did i do wrong?"Tanong ko,hindi naman kami ganun ka hirap,edukado at matalino si mama,sobrang dali sa kanyang turuan ang isang tulad ko na matalas ang memorya,lagi akong nasa honors dahil sa angking talino ko
"Kailan mo yun nakita? Diba sabi ko sayo matulog ka lang ,pagmadaling araw at huwag ka nang bumangon" nagulat ako ng pagtaasan niya ako ng boses at humigpit ang hawak niya sakin, first time kong mataasan ng boses at masaktan ni mama ,napaka maalaga at responsable niyang ina ni lamok ayaw niyang ipadapo sa balat ko kaya labis ang pagtataka ko sa inasal niya
"Tuwing madaling araw po kasi ay bumabangon ako at sinusundan kayo pag pumupunta kayong labas para makipagchikahan sa kaibigan niyo" nakayukong sabi ko ,agad naman akong niyakap ni mama at humingi ng tawad
"Pasensya ka na anak,malalaman mo rin sa tamang panahon" mahinahong sabi niya,malungkot akong nakatingin kay mama kapag tinatanong ko kung sino yung tatay ko ,kahit kailan ay iniiba niya yung usapan kaya sumuko na ako tatanggapin ko na wala akong kinilalang ama
Sampung taong gulang ako nung sinabi ni mama ang lahat na wala na silang buhay espirito na lang sila na tinutulungan ni mama,kasi sabi daw ni lola kapag tinulungan mo sila pwede kang humiling ,hanggang sa kaya nilang gawin! Kaya umasa si mama hindi totoo na susundin nila ang hiling mo ,aabusuhin lang nila ang katawan mo,hanggang sa may pumuntang espirito na nagpatindig sa balahibo ko
Babae siya parang hindi patay at sobrang ganda,napaka itim ng buhok niya ,at itim ang damit niya,sobrang kinis at sobrang puti din niya pero ang pinaka kinakatakutan ko sa kanya ay kamukhang kamukha niya si mama ,hindi ginusto ni mama na pumasok ito sa katawan niya pero pinagpilitan ng espirito ,tatlong araw kong inintay bumalik si mama,hanggang sa bumalik siya ng gabi ,may hawak na patalim
at punong puno ng dugo ang kamay niya
BINABASA MO ANG
The Lost Soul
SpiritualRieca Therese Delgado is a mysterious girl na sobrang talas ng memorya dahil sa kanyang memorya ay hindi niya makalimutan ang masalimuot na nangyari sa kanyang nakaraan and meron din siyang kakayahan na makita ang mga espirito at pwede rin itong pu...