Hindi ko gustong makasakit sa paraan ng isang tula
Pero wala na akong iba pang magagawa
Patawad kung kayo man ay masasaktan
Ngunit isipan nyo ay akin lamang bubuksanSa paglipas ng mahabang siglo
Nakikita ko ang unti unting pagbabago
Pababago sa halos lahat ng mga aspeto
Pati na rin ang ugali ng bawat pilipinoSa pagsisiyasat ko kahit saan
Nakikita ko ang pagkawala ng mga nakaugalian
Pagmamano, paggalang at pagrespeto
Mga kabataan ngayon ibang iba na sa ating mga ninunoMakatarungan ba ang ating ginagawa?
Tuluyan nang kinalimutan ang sariling bansa
Mas mabaho pa tayo sa malansang isda
Na pati ang ating wika ay isinawalang bahalaMga kabataan naimpluwensyahan na ng mga dayuhan
Kagamitang gawa ng kapwa pilipino
Hindi na pinapahalagahan
Kabataan bakit kayo nagbago?Mga kabataang mapanghusga
Ngayon ay nakakalat na
Hinihila pababa ang kapwa
Hindi iniisip ang maaaring dulot ng pangahas na ginagawaHindi na ito makatarungan
Dapat gumawa na tayo ng paraan
Itaas ang bandera ng ating bansa
At ipalaganap ang mensaheng magdudulot ng katapusan sa lahat ng ating mga problema