Part 1

216 3 1
                                    


Napatulala si Matt sa nasabi ng maginoong na attorney na marahang nakaupo sa kanyang harapan.  Di niya akalaing may matatanggap siyang mana mula sa isang malayong kamag-anak na di man lang nagisnan mula ng siya ay ipinanganak.  Lingid sa kanyang kaalaman na sinusundan pala ang aktibidad niya nitong kanyang yumaong tiyuhin at na-impress ito sa kanyang mga
proyektong tumutulong sa mga mahihirap at mga batang naabuso.

Limangpung milyong piso, wow, at may kasama pang ari-arian sa Bulacan.  Ina-anyayahan pa siya ng attorney na puntahan ang minana niyang bahay sa susunod na Linggo para maiayos ang mga naiwang gamit, mga tauhan at poultry.  Di na nagpagtanong si Matt ng iba pang detalye dahil mistulang natuka ito ng ahas sa gulat.  Tatlong araw din bago tuluyang natanggap niya at tuluyang naniwala sa magandang kapalaran na naghihintay sa kanya.  Sa wakas, masusuklian na rin ang mga kabutihang kanyang ginawa at mayroon pa siyang dagdag na funding para sa iba pa niyang proyektong makatulong sa ibang tao.

Likas na matulungin si Matt.  Marami na siyang natulungan na tao, dahil ito na rin ang pinili niyang propesyon - isang social worker, upang makatulong sa kapwa at nangangailangan.  Di rin tago sa mga taong nakapaligid sa kanya ang kanyang
preference sa seksualidad.
Alam ng lahat na bading si Matt, pero lubos pa ring itong inire-respeto dahil hindi ito magaslaw kumilos.  Kilos lalaki pa rin ito at kung hindi sasabihin ay di pagkakamalang bakla ito.  Marami pa ring babaing nahuhulog ang loob sa kanya at nai-in lab.  Subalit hindi niya ito pinapatulan dahil walang naman siyang interes sa kababaihan pag
dating sa seryosong relation at sa seks.

Marami na ring beses na nagkaroon siya ng problema dahil sa mga kliyenteng kanyang pinapayuhan na nagkagusto sa kanya.
Madalas niyang di pinapatulang ang mga imbitasyong ng mga ito para mag-date.  Di lang mga babae, madalas din siyang
makatanggap ng makahulugang tingin sa mga lalaking nag-nanais na makasama siya sa kama upang makaulayaw siya at masugpuan ang nag-babaga nilang kainitan sa puson.

May hitsura kasi si Matt.  May korte ang katawan dahil nagbubuhat din ito ng mga barbells na kanyang binili sa kanyang perang pinag-ipunan.  Maganda ang hubog ng kanyang mga muscles ngunit hindi naman sobrang laki ng kanyang katawan. Tamang-tama lang sa kanyang tindig at taas.  Madalas ngang napapalingon ang mga babae at mga bading sa kanya pag naglalakad siya sa mall.  Magandang magdala si Matt ng kanyang pangangatawan at parang modelo nga itong na naglalakad sa rampa kung humakbang at maglakad.  Bukod sa makinis at balbon si Matt, may konting hawig pa ito kay Eric Quizon at Paolo Bediones.  Natatawa pang naaalala ni Matt nang minsan interbyuhin siya ni Paolo Bediones dahil sa isang proyektong tungkol sa mga batang naabuso.  Maraming nagbiro na baka magkamag-anak sila dahil nga may hawig siya dito.

Nakatulog si Matt sa biyahe papuntang San Miguel, Bulacan kung saan nandoon ang poultry ng kanyang yumaong tiyuhin na walang mga anak at mga kapatid.  Gulat na gulat siyan ng makita kung gaano kalaki ang negosyong kanyang minana.  Libu-libong manok ang nasa loob ng ilang hektaryang lupa.  Di pa nga napuno ng poultry ang buong kalupaan, wika ni Attorney Sison na may kuwarenta na mahigit ang hitsura kaya di masyadong nag-register sa panlasa ni Matt.  Mas tipo kasi ni Matt ang mas bata sa kanya at madalas na pagkamalang nasa gitnang twenties pa lang siya kahit trenta'y singko na ito.

Pagkatapos iikot siya ni Atty. Sison sa poultry, nagtungo sila sa nakabakurang bahay sa tabi nito.  Ito raw ay iniwan din sa kanya.  Wow, may bahay na rin ako sa wakas!  Dagliang dumaan ito sa kanyang kaisipan.  May nasulyapang ilang dalawang sasakyan sa naka parada sa garahe.

"Mayroon hong bang ibang nakatira dito at may sasakyang nakaparada sa may garahe?" tanong ni Matt.

"Wala, iho. Matagal ka na ngang hinihintay ng mga iyan para masakyan mo sila. Ikaw na rin ang may-ari ng mga sasakyan na yan.  Kasama yan sa mga minana mo.  Halika, pasok tayo sa loob at nang makapananghalian.  Nagpahanda ako ng makakain natin kay Mang Isidro, ang taga-pamahalan ng iyong tiyuhin sa kanyang bahay", yaya ni Atty Sison.

HULOG NG LANGITWhere stories live. Discover now