Kabanata 2

1 0 0
                                    

Oh hayah ah,nag-UD na ako agad ng kasunod para ganahan kayong magbasa...

Enjoy!

-----

MISHKA’S POV

“ Bestie, una na’ko hah. Nagtext si Mamito eh,daaanan ko daw siya sa bakery madami daw siyang karga pauwi.” Paalam ko kina Sunny and Carine na papuntang library para sa assignment namin.

Buti nalang maaga natapos ang klase ko,maaga rin akong makakatulog…ilang gabi na kasi akong puyat sa kakaisip ng paraan para mabayaran ang balance ko sa school. Lagot talaga ako nito kay Nanay.

“Manong,para po sa tabi”sabay abot ng bayad sa jeepney drayber. Nasa tabi lang ng highway ang bakery namin.

“Hello po ate Tasya, kuya Randy”bati ko sa mga trabahante namin sa bakery. Kasama rin namin sila sa bahay ni Mamito, nag-hello na rin ako sa iba pang nagtatrabaho duon. Bale 4 ang tauhan duon,2 ang bakers, 1 ang all-around assistant at 1 naman ang kasama ni Mamito na nagsisilbing tindera.Di kalakihan ang bakeshop namin, isa to sa mga napundar ni Nanay na isang OFW sa Canada.

Maya maya’y may lumabas na isang lalaki mula sa kusina….actually di naman talaga lalake….

more of POGAY…si Mamito!

“Hello Mamito,mano po”

Yes, beks ang Mamito ko pero mahal na mahal ko yan. Pinsang buo siya ni Nanay, sa kanya ako pinaalagaan ni Nanay nung nag-abroad ito sa Canada. Kung tinatanong niyo kung nasan ang Tatay ko, well……nalunod sa sabaw!

Lumaki ako na yun ang palaging sinasabi ni Nanay kapagka tinatanong ko siya tungkol dun. Nakakatawa pero tinanggap ko narin kesa madagdagan pa kasalanan ni Nanay dahil baka mas magsinungaling pa ito tungkol kay Tatay.

“ Kumusta ang school? madami assignment? anong oras ka kumain ng tanghalian kanina? naubos mo ba yung pinabaon kong sandwich sayo? wala bang nangungulit sayong lalaki dun? wala munang ligaw ligaw hah…”sunod sunod niyang saad.

Kayo nga,paano niyo sasagutin yun ng sabay sabay rin?hay naku!

“ Lapit na finals niyo? nabayaran mo na ba balance mo?” sa lahat ng tinanong niya,sa huli ako natigilan.

“ Mishelle Karlotta!!!!...”nagulat ako nung bigla niyang sambitin ang buo kong pangalan.

“ Mamito naman eh!kailangan talaga complete name?”…

“panu naman kasi andami kong tanong,,ang hina ng wifi signal mo,uber delay ang response.” Mamito

“Eh opo….bayad na lahat”sana lang di niya napansin ang pagbaluktot ng boses ko.

Naku! Mishka Mishka!

Utak please gumana ka!...kailangan ko ng pera ASAP!



THUNDER’S POV

4:00 PM.

Nasa Giant’s quarter kami ng mga ka-teammates ko,may meeting kasi with Coach Rocky.

“ Ok guys, alam niyo naman malapit na ang next season ng AAU and bilang tayo ang depending champion kailangan ko ang Farrows Giant level up! Magiging puspusan ang practice at magiging intense ang mga challenges bilang paghahanda…kailangan ko ang full cooperation niyo! Utak…Puso…One Team!...”litanya ni Coach.

“Next week na natin gagawin ang traditional RETREAT…” Coach

“YES!!!!” halos sabay sabay na sigaw namin.

“ Calm down boys, tahimik muna…”sinabayan niya ito ng paghawak sa bola at pinaikot-ikot sa daliri, “ And for this year, gaganapin natin ang retreat sa Batangas. Naayos ko na ang venue at ang lahat ng kakailanganin natin duon.”Coach

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thunder's MistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon