Nagising ako sa tawag ni Nana Ising.
"Hija may bisita ka. Si Carmela." narinig kong sabi nito sa pinto.
"Nana pakibigyan po muna s'ya ng meryenda,maliligo lang ako." medyo paos pa ang boses ko dahil bagong gising.
Pagkaalis ni Nana Ising, nagmamadali na akong pumasok sa banyo upang maligo. Halos madaling araw na ako nakatulog dahil sa pakikipagkulitan kay Jessine sa skype. Speaking of Jessine,mamaya ko na lang siya iti-text. Ngayon ko lang naalala ang dahilan ng pagpunta ni Carmela dito sa bahay. Kilala na si Carmela dito,pati ang iba ko pang mga classmate, mas madalas kasi na dito kami gumagawa ng projects. Kailangan ko palang matapos ang plates sa Design 5 ko, namumuro na ako sa professor ko. Hindi na ako namili pa ng isusuot, kung ano ang uanang nahawakan ng kamay ko yon na lang ang isinuot ko. Pagkasuklay ng maiksi kong buhok,nagmamadali na ako sa pagbaba sa hagda. Mainam na naisipan kong mag-pagupit ng maiksi dahil wash and wear ang drama nito. Mas lalo pa daw akong naging attractive sabi ni Carmela dahil lumitaw ang mala-Tyra Banks na leeg ko.
"Hi Gorgeous." bati agad sa akin ni Carmela nang makita ako pababa ng hardan. Tumayo agad ito at hinalikan ako sa labi.
Nangiti ako sa kanya at nagsalita.
" Hello Sexy." nang-aakit kong sabi malapit sa tenga niya. Ang agang landian agad ang eksena sa may receiving room namin.
Natawa si Carmela.
"You never fail to amuse me Hon." malambing na sabi ni Carmela sa akin, sabay halik ulit sa aking labi.
" Sorry to keep you waiting, nakalimutan kong magpapatulong nga pala ako sa iyo to finish my project in Design 5." sabi ko pagkatapos ay hinila siya paupo sa couch.
Idinikit ko ang katawan ko sa kanya at humalik sa pisngi niya.
"Its okay, may utang ka lang sa akin. Sisingilin na lang kita some other time." tumatawa niyang sabi.
Habang nag-uusap kami ni Carmela tumunog ang cellphone ko.
" Sino yan? Ang flavor of the month mo?" tanong nito .
" Hindi siya flavor of the month lang. She's for keeps Babe." sagot ko pero ang mata ko ay nasa screen ng cellphone.
Tumawa na lang si Carmela. Hindi selosa si Carmela.She knows kung ano ang meron kami and she's perfectly fine with that. Ayaw niyang itali ang sarili niya sa relasyong hindi siya makakawala. She hates commitment. Sa tagal naming magkakilala, may mga pinakilala na rin siya sa akin at ngayon ay wala na ang mga iyon sa buhay niya.
Minsan ko na siyang tinanong about sa amin, at siya na rin ang nagsabi sa akin na its better that way dahil baka magkasakitan lang kami in the end. She's my friend, my "sex-mate"(according to her term) my confidante. A friend with benefit, indeed.
"Yeah, right Hon! Magpapa-party ako sa Resort World kapag tumagal kayo ng one month." at saka sinabayan ng malakas na tawa.Ang sarap lang niyang batukan, pero kailangan kong magpatulong kaya pagpapasensyahan ko.
"Tapusin na lang natin ang dapat tapusin, then I'll treat you out for dinner." sabi ko sabay hila sa kanya papunta sa study room ko.
" Makahila ka naman parang wala ng bukas. Matatapos natin iyang design mo, so don't worry. Two heads are better than one, remember that Ei." gamit niya ang endearment niya sa akin kapag sure siya sa sinasabi niya.
Ang sakit na ng batok ko at maghapon na yata kaming nakayuko sa mga templates namin.
"Babe ? I think we should rest for a while. Hindi na kaya ng batok ko.