"Umuwi ka na bata. Bawal sa loob ang mga minor de edad na gaya mo." sabi sa akin ng bouncer na nagbabantay sa labas ng isang sikat na nightclub. Hinarang niya pa talaga ang kanyang malaking katawan sa entrance para hindi ako makapasok sa loob.
"Hindi na nga po ako isang minor de edad. Hindi halata pero 22 na po ako." kalmadong sabi ko kahit gusto ko ng magsisisigaw sa sobrang inis. Paulit ulit kasi e! Sinabi ng 22 na ako, ayaw talagang maniwala.
Limang minuto na kaming nagtatalo dito dahil nga ayaw nila akong papasukin. Totoong hindi ako katangkaran pero hindi rin naman ako ganun ka pandak. Kung hindi lang talaga importante ang ipinunta ko dito ay aalis na ako ora mismo.
"May ID ka ba o kung ano man na nagpapatunay na hindi ka na nga minor de edad?" puno ng pagdududa nitong tanong. Napailing ako bilang pagsagot. ID? Ni hindi na nga ako nagkapagpalit ng desenteng damit dahil sa sobrang pagmamadali, magdala pa kaya ng ID?
"Kung ganun ay hindi ka talaga maaaring pumasok. Mapapagalitan kami kung sakali." napatiim bagang na lamang ako. Hindi ba talaga ako mukhang 22 years old?
Marami ang nagsasabi na baby face ako pero parang gusto ko na lang isumpa ang mukhang 'to ngayon. 'Nak ng pucha!
"Czarina." kunot noo akong napalingon sa lalaking naglalakad palapit sa akin. Nakangisi ito na para bang nagmamayabang. Gahd! I'm not a violent person, but I really wanted to punch him right now. Just how could he give me a smirk like that pagkatapos niyang bulabugin ang mahimbing kong tulog?!
"Ang tagal mo." reklamo niya. Pinasadahan niya rin ako ng tingin mula ulo hanggang paa na kaagad namang ikinalukot ng aking mukha.
"You look weird. I mean, why are you wearing a jogger pants and hoodie? It's a bar, not a-"
"Ha! Ba't parang kasalanan ko pa? Are you high or something? Alam mo ba kung anong oras na? May pa emergency-emergency ka pang hayop ka!" galit na sigaw ko, napakamot naman siya sa kanyang ulo.
"I'm really sorry 'bout that, Czarina. It's just that... I have no choice. I'm in hurry and-"
"Straight to the point, Aaron. Baka masampal kita ng wala sa oras." napabuntong hininga siya at seryosong napatingin sa akin.
"Actually, may flight ako ngayong madaling araw papunta sa Singapore pero tumawag ang mga kaibigan ko, sinabing nakita daw nila si Jhance na naglalasing dito. Pagdating ko ay lasing na nga siya pero nakaka-usap ko pa rin naman ng maayos kahit papaano." lahat ng inis at galit na naramdaman ko kani-kanina lang ay parang bula na bigla na lang naglaho at agad na napalitan ng pag-aalala.
"Tinawagan kita kasi kailangan ko na ring umalis. Baka ma late ako sa flight ko. I'm really sorry 'bout this C-"
"No, no. It's okay. Tulungan mo na lang akong makakapasok sa loob, ako na ang bahala kay Jhance." marahan siyang tumango bago lumapit sa bouncer. Ni hindi ko man lang magawang pakinggan ang mga pinag-uusapan nila dahil sa pagkabalisa.
Kilala ko si Jhance, siya yung tipo ng tao na hindi maglalasing hanggang madaling araw dahil trip niya lang. Hindi kaya may problema siya? Pero maayos naman kaming nagkahiwalay kanina mula sa trabaho. Kinikilig pa nga siya kasi susunduin daw siya ng boyfriend niyang si Carlo.
"Pwede ka ng pumasok. Nga pala, nasa bar counter si Jhance. Tinawagan ko na rin si Yza kanina kaya parating na rin siguro 'yon."
"Mag-iingat ka sa biyahe, Aaron." bumalik na naman ang mayabang na ngisi niya dahil sa sinabi ko. Walangya talaga!
"Ikaw ang dapat na mag-ingat. Baka mangisay ka na lang bigla kapag nakita mo siya doon." nanlaki agad ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Siya? Hindi naman siguro si-