Chapter 3
-----
"Kotse mo 'to?" Tanong ko kay Hope na minamaneobra na ang sinasakyan namin palabas ng EU. Tumango si Hope bilang sagot, nasa daan pa rin ang focus. Inayos ko ang upo ko sa leather seat, making myself comfortable. "Ngayon ko lang 'to nakita. I always see Kal's van, though."
Natawa nang bahagya si Hope.
"Gusto ng parents namin na we learn how to drive for ourselves." Pagku-kwento ni Hope habang nagmamaneho. "Kuya Kal's graduating na this year. Wala na kaming taga-hatid and sundo."
Napatango tango ako. That made sense, actually.
"Saan nga pala tayo pupunta?" Tanong ko naman. "Wala naman si sinabi si Miggy kung saan. Hindi ko tuloy alam kung tama ba na ganito lang suot ko."
Lumingon sandali sa akin si Hope at mabilis na pinasadahan ng tingin ang suot ko. He chuckled.
"That's fine." He said as he smoothly drove. Para nga matagal na siyang marunong mag-drive kasi ang kalmado lang. O siguro dahil mamahalin itong kotse niya? "The place's dress code isn't strict. Plus you can buy new clothes doon. If gusto mo magpalit."
Napataas ang kilay ko. Ano ba kasing pupuntahan namin? Hindi na lang ako nagtanong pa ulit. Go with the flow na lang ako sa kung ano mang gusto nilang gawin.
Ilang sandali pa ay huminto si Hope sa tapat ng 7/11. Hindi pa kami masyadong nakakalayo sa university kaya karamihan ng mga studyanteng nasa loob ay nakasuot ng lanyard ng school namin. Ang ilan sa kanila ay napatingin pa sa kotse ni Hope.
"May bibilhin lang ako, I'll be real quick." Hope said as he pull the car's break up.Humarap siya sa akin habang nagtatanggal siya ng seatbelt. "You want anything specific?"
"Water na lang." Mabilis na inabot ko iyong bag ko na nakapatong sa may paanan ko para kumuha ng pera pero bago ko pa mabuksan ang bag ko ay nabuksan na ni Hope ang pinto. "Teka lang, 'yung bayad ko!"
Parang walang narining na dire-diretsong bumaba si Hope. My mouth gaped at what he did. Seriously! That guy, may pagka-Kal din talaga!
Ganyan kasi si Kal noon dati. When we was still the SLC's president, maya't maya kami kumakain. Lagi siyang gutom and when he eats, he made sure that all of us eats with him.
Lagi niya ako naililibre kasama 'yung iba pero hindi niya pala ako kilala.
Mga burgis nga naman, o.
But that doesn't mean that what Hope did was okay with me. May pride rin naman ako kahit papaano. I am a woman, yes, but I could pay for my stuff, especially a bottle of water. What Hope did bruised my pride as an independent woman a little too badly.
My gaze followed Hopes figure as he walked in the convenience store, noticing the smile he gave to our schoolmates that he may or may not recognize. I must say, si Hope na yata ang pinaka-approachable sa kanila.
I can say that much considering the amount of time I had to listen when Miggy told me details about them, even if I didn't even asked for them.
Na ganito raw si ganto, ganyan daw ang ginawa ni ganyan. She just couldn't shut up about them. And I couldn't even get mad at Miggy for that.
Sa totoo lang... masaya ako. I was really, genuinely happy for Miggy. Kasi ako lang talaga ang pakiramdam niyang meron siya. Now, kahit hindi niya napapansin, alam kong unti unti nang tinatanggap ng puso niya ang presence ng pitong puto sa buhay niya.
I saw Hope again after he disappeared inside the store, it wasn't like I have hawk eyes that could still see him from the inside. Palabas na siya bitbit ang dalawang malalaking paper bags.
BINABASA MO ANG
EZH #5: Hope Tuason [ON GOING]
Teen FictionHe is Hope Tuason. A literal angel. Masayahin, opstimistic at mabait. Sobrang bait. He's compassionate enough to even offer himself to Ivana Montenegro as her rebound after a heartbreak from an unrequited love. He was willing to save her. Even thoug...