Bulag , Pipi at Bingi

2 0 0
                                    


Naranasan mo na bang makita ang mga bagay na ayaw mong makita?
Yung mas  pipiliin mong pumikit para wala kang makita. Hindi ko alam kung bakit nagtitiis ako.
Sabi nila masaya ka na sa iba at yun ang nakikita ko.
Sabi nila hindi mo ba nakikita na Hindi ka na niya mahal.
Hindi mo ba nakikita na ikaw na lang ang hinihintay niyang bumitaw.
Hindi ko makita. Hindi ko makita dahil bulag ako.
Pilit akong nagbubulag bulagan sa katotohanang wala na ngang pagasa ang sarili ko.
Hindi naman sigurong masama ang magmahal.
Masaktan habang nagmamahal.

Naranasan mo na bang tumahimik kahit gusto mo  ng magsalita.
Magsalita dahil ikaw ay nasasaktan na.
Magsalita dahil Hindi mo na kaya.
Pero dahil mahal mo siya. Mananahimik ka. Mananahimik ka dahil ayaw mo siyang mawala.

Narananasan mo na bang pakinggan ang mga salitang ayaw mong marinig. 
Yung mas pipiliin mong wag siyang kausapin para lang hindi mo marinig.
Marinig ang mga salitang dudurog sayong muli.
Mga salitang Hindi mo kakayanin.
Mga salitang Hindi mo kayang tanggapin.

InsightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon