Pwede mong maranasan at ipaglaban, Pero hindi mo pwedeng Ipagpilitan.

3 0 0
                                    


Naranasan mo na bang magmahal?  At akala mo kayo'y  magtatagal.
Naranasan mo na bang malaman ang katotohanan? At malamang ito ay puro kasinungalingan. Naranasan mo na bang masaktan? At akala mo ay sinusundo ka na ni kamatayan.

Naranasan ko na. Naranasan ko na ang mga yan. Akala ko kaya ko. Akala ko may tayo. Oo may tayo pero hindi ako ang mahal mo. Paano nga ba naging tayo? Oo nga pala nagsimula sa ikaw at ako. Naranasan kong mahalin ka. Akala ko ay mamahalin mo rin ako. Naransan kong magtiwala. Pero kasinungalingan lang pala. Naranasan kong masaktan. Dahil sa katotohanang ikaw ang aking minahal.

Pinaglaban kita, pero may pinaglalaban ka palang  iba. Minamahal kita, pero may mahal ka palang iba. Nilunod ko ang sarili ko sayo, pero nilulunod mo ang sarili mo sa iba. Hinihila mo ako papunta sayo, pero may hawak ka pang iba. Mahuhulog na ako sayo, pero buti napigilan ko. Nagtanong ka ng "bakit?". Napatawa na lamang ako. Bakit? Paano mo ako sasaluhin kung hawak kang iba? Kapag hinayaan kong mahulog ako sayo bibitawan mo ba siya? Hindi diba?

Siguro nga hindi pwede. Hindi tayo pwede. Mararanasan ko lahat sayo. Kaya kitang ipaglaban. Pero hindi ko kayang ipagpilitan ang sarili ko sa taong may mahal namang iba. Ang gusto ko lamang ay ang mahalin mo ako dahil mahal mo ako. Hindi yung mamahalin mo ako dahil kailangan mo ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

InsightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon