My August 12,2019

35 9 53
                                    

JUST MY JOURNAL!

Pag gising ko kaninang umaga napatulala ako dahil alas 10:00 na ng umaga haysttt. Ang tagal ko palang natulog kagabi muling silip ko 12:08 na pero masaya naman ako dahil nakakakilig kaya yung I love you since 1892. Kabanata 6 pa nga ako pero parang ayoko nang tumigil kakabasa dahil sa ganda nito. Swear, kung hindi pa kayo nakakabasa ng I love you since 1892 basa na di kayo magsisisi.

Ngayon naman kasalukuyan ako nasa isang laundry shop tsk tsk. Ano pa naman ang gingawa ko dito syempre nagpapalabada wala na naman kasing tubig sa amin haysstttt. Nagsusulat ako ngayon ng pinaka una kong istorya para sa wattpad ko at ito, ito ang una kong istorya "Just my Journal". WHAHAAHHA chinat ko ang kaibigan kong wattpader din para tulungan ako gumawa nito, nag presenta naman syang siya ang gagawa ng cover ko para sa dito. Alam niyo newbie ako dito, nung una kasi ayokong magwattpad pero nung pinahiram ako ng libro ng kaibigan kong si Mic2 nagandahan ako kaya hiram ng hiram ako ng mga libro kahit kanino kaya sinabihan nya ulit akong mag download ng wattpad kaya ito nagwawattpad nadin ako.

Hay salamat naman at naka-uwi na kami. Ka video call ko ngayon si Niña at Mic2 HAHAHA nakalimutan kung may projects pala kami eh, wala akong ginawa kahit isa sa mga projects namin, grabe! Ganun ako ka demonyo. Buti nalang mabait si Niña at nagpresenta syang siya nalang ang gagawa. Next month kasi pupunta na sa ibang bansa si Niña eh ang sad naman. Pero okay lang kasi may communication pa naman kaming tatlo eh. Habang ka call ko sila binato ako ng bato ng aking mga pamangkin haysstttt na beast mode tuloy ako. Pero okay lang din kasi ganun kasi sila lumambing eh yieeee ang sweet noh?

Matapos ang 30 min. Nagpaalam na ako sa video call namin na lowbat ako eh at may bibilhin pa ako para sa baking namin bukas papunta na sana kami sa mall ng mga pamangkin ko ngunit bigla akong na out of balance kaya nashoot ang paa ko sa canal, tsk tak ganyan dim ako katanga. Dali-dali akong umuwi sa bahay at naligo para naman mawala ang baho sa paa ko. Pagkatapos, sumakay nalang kami ng tricycle papunta sa mall.

Mahaba ang araw ko ngayon kasalukuan nga akong nakikipag away sa mga batang umaapi sa aking pamangkin mataba kasi eh kaya lapitin ng tukso. Pero isa lang ang masasabi ko hayaan mo sila dahil hindi kasalanang laitin ka wala naman kasing perpekto sa mundong ito at wala ding permanente kaya nabubuhay tayo na palaging may pagbabago.

JUST MY JOURNAL!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon