Love or Be Loved?

1K 10 3
                                    

~ All rights and reserved. No part of this document may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without prior permission from the Author. PLAGIARISM is a crime.

Note: Any resemblances of person, place or events are purely coincidental.

(c) 2014 | MeetTheEpalAuthor

A/N: This is the part 3 of Friendzone. Happy? Ako rin happy kasi may part 3 na ang story ko... YEhey!! Mahahaba na namang dramahan ito. Okay, alis na si Author start ko na ang story. Hope you like it.. ^__^.

Friendzone 3: Incest

Love or Be Loved

***

~If I could just say the words,

All the secrets in my heart and in my soul you'll hear,

Will you take me in your arms or let me go,

Our lovely days will they just fade like whispers in the wind?

If I could just say the words,

All the secrets in my heart and in my soul you'll hear

Can't you see the love I hide slip through my eyes,

This silly girl so scared she just can't say "I Love you."~

Ang swerte siguro ng mga taong may mahal at minahal rin sila ng mahal nila. Bukod sa masaya siya, masaya rin 'yung minahal niya, pero bakit ang unfair ng mundo? Kung kailan mo kailangang kailangan ng taong magmamahal sayo saka mo hindi mahanap. Na gagawin mo ang lahat para mahanap mo 'yung 'the one', kahit na mamatay ka na sa kakahanap sa kanya gagawin mo 'yon. Pero minsan kahit na hindi mo hanapin 'yung 'the one' mo bigla na lang siyang darating sa buhay mo kaso ng lang sa ibang sitwasyon, oras at araw. Mas kakaiba 'yung mararamdaman mong pagmamahal at mas kakaiba ang mararamdaman mong sakit.

Ilang sekundo, ilang minuto, ilang oras, araw at taon ang bibilangin ko para mapasaakin ka ng buong buo... James. Palagi lang akong pamasidmasid, pasulyap-sulyap, patingin-tingin. Hindi kita malapitan kasi baka masira ang pamilya natin. Alam ko na mahal mo rin ako pero mali ang pagkikita natin, step brother kita at step sister mo ako. Hindi kita masisi kung kailangan nating itago ang relasyon natin.

Sa tuwing, may lalapit sayong babae kulang na lang sumabog ako na parang Bulkang Mayon sa galit. Hindi ko makontrol ang aking nararamdaman, sa halip sila ang nagkokontrol sa akin. Palagi mong sinasabi sa akin na... "Ikaw lang, wala ng iba"palagi ko rin naman pinanghahawakan ang mga salita mo. Hindi ako bumibitaw sa pangako mo na... Balang araw magiging malaya rin tayo.

Nang nagtapat ka sa akin hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Tuwa? Kilig? o Sakit?. Hindi ko sana tatanggapin ang puso mo pero wala akong nagawa dahil alam ko na kapag hindi kita tinanggap parang niloko ko na rin ang sarili ko. Niloko ko ang sarili ko na hindi kita mahal. Ako rin naman ang masasaktan sa huli...kaya tinanggap ko ng buong buo ang puso mo.

Ginawa mo ang lahat para mas lalo kitang mahalin. Pang haharana ng patago, pagdadate ng patago, paghoholding hands ng patago. Lahat ng normal na gawin ng isang couples ginagawa natin ng patago dahil sa baka patayin ka ng tatay ko kapag nalaman niya na na-inlove ang kaisa-isa niyang anak sa magiging kapatid nito. Lahat ka sweetan mo sa akin mo lang ginagawa. Ang pagdadala ng gamot kapag may sakit ako, pagdadala ng pagkain sa school ko, pati na rin ang pagpapatawa sa akin kapag na aalala ko ang sakit na nararamdaman ko noon. Akala ko noong una naawa ka lang pero hindi minamahal mo ako kung sino talaga ako.

February 14, 2014. Ang araw na handa na tayong dalawa para sabihin sa kanila ang relasyon natin. Kaba. Takot. Pangamba. Ang nararamdaman ko. Sa tuwing nakikita ko ang mukha mo iba ang nararamdaman ko. Saya, dahil sa ngayon nahanap ko na ang 'the one' para sa akin. Lungkot, dahil sa baka paghiwalayin tayo kapag nalaman nila ang tungkol sa atin. Huminga ako ng malalim bago buksan ang malaking pintuan kung nasaan ang nanay mo at ang tatay ko. Magkahawak kamay tayong pumasok sa pintuan, at nagulat sila ng makita nila tayo sa ganoong sitwasyon.

"Ma, Tito. May kailangan po kaming sabihin sa inyo" ikaw ang unang nagsalita at ako nama'y nandoon sa tabi mo. Tumango lang naman si Papa at tinuloy mo na ang dapat mong sabihin.

"Kami po ni Chelsey..." kinakabahan ako. Hindi matali ang isip ko. Iniisip ko kung anong magiging reaksyon ni Papa. "...nagmamahalan po kami" napatingin ako sayo. Nagawa mo na ang part mo sa relasyong ito. Nakita ko ang gulat sa mukha ng nanay mo at iba naman ang nakita ko kay Papa. Galit, ang nasa mga mata niya.

"Niloloko mo ba kami?! Anong mahal?! Magkapatid kayo!!" napatayo na si Papa sa kinauupuan niya pati na rin ang nanay mo. Pinapakalma niya si Papa dahil sa sakit nito. Nakatingin lang sa akin ang nanay mo at para siyang nakikiusap na wag na nating ituloy ang ginagawa natin dahil sa kundisyon ng tatay ko.

"Hindi po kami magkadugo. Kaya pwede po kaming magmahalan, wala naman pong masama sa relasyon namin" kalmado ang boses mo pero ako, natataranta na para sa kalagayan ng tatay ko. My heart disease siya kaya natatakot ako na baka atakihin siya.

"Itigil niyo na ang kahibangan niyong ito. Hindi ko kayo papayagan sa relasyon niyong iyan!!" wala ka ng ginawa sa halip ay tumingin ka sa akin at nginitian mo ako.

"Mahal ko po ang anak ninyo at mahal niya rin po ako, nagmamahal po kaming dalawa" napatingin ako kay Papa. Nakatingin lang siya sa akin. Alam ko na ang iniisip niya isa akong masamang anak.

"Chelsey, totoo ba na mahal mo ang lalaking ito?" hindi ko alam ang dapat kong isagot. Kung sasagot ako ng Oo, masasaktan ko ang kai-isang tao na nagmahal sa akin simula pa lang ng panganak ako. Pero kapag sinabi kong 'hindi' masasaktan ko ang tao na nagmahal sa akin ng mga panahon na kailangan ko ng karamay at magmamahal sa akin. Sino ba sa kanila ang dapat kong piliin? Tumingin ako kay James. Ang ngiti niya, ang mata niya. Lahat ng iyon makikita ko bang muli kung gagawin ko ang desisyon ko na alam kong mali pero tama rin. Tumingin ako kay Papa. Ang mga salita niya, payo niya. Madidinig ko ba ang mga iyon kapag ginawa ko ang tama pero maraming maapektuhan at isa na ako doon.

"Papa...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

...kahit kailan.. kahit kailan... Hindi ko po minahal si James"

Nagulat ka sa sinabi ko. Binitawan mo ang kamay ko at iniwan mo ako. I'm Sorry. I'm Sorry. I'm Sorry, James. Hindi ko sinasadya. 

Mahal na mahal kita...

***

A/N: Bitin? Hahaha. Sadya po 'yan. Lipat sa next page para makita kung happy :) nga ba ang love story ni Chelsey or forever na siyang sad :(.

Friendzone 3: IncestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon