Natapos ang masayang araw na yun at nang makabalik kami kaagad na tumungo dito si Limery.
"Kailangan na nating magmadali. Kumakalat na ang negosyo niya sa buong eskwelahan.. Dumadami na ang mga customer niya."
Napahinga ako ng malalim.
"Sadya akong nagtataka kung bakit ngayon bumabagal ka. Hindi ito ang pagkakakilala ko sayo. Ano ba talagang nangyayari sayo?"
Napakunot noo ako sa kanya.
"Pwede ba? alam ko ang ginagawa ko."
Napangisi siya.
"Talaga??? o baka naman may iba kang tinatrabaho?? Si Summer ba!!? gusto mo bang sabihin ko kay Mr. Lee ang tungkol sa kanya nang maidispat--"
Bago paman niya matapos ang sinasabi niya ay hinila ko na siya saka dumapo ang kamao ko sa pisngi niya na dahilan upang matumba siya at napaupo sa sahig.
"Subukan mo at sisiguraduhin kong may kalalagyan ka."
Nakangisi lamang siya habang pinapahid ang dugo sa gilid ng labi niya.
"Sinasabi ko na nga ba.."
Napatingin ako sa kanya habang papatayo siya.
"Tama nga yung usap-usapan nuh? pamatay nga yang kamao mo."
Saad niya.
"Alam ko na ang tungkol sa inyong dalawa at hindi ko na kailangang magresearch pa dahil kita ko na. Pero gusto ko lang ipaalala sayo ang sinumpaan mong tungkulin. Kapag nalaman ito ni Mr. Lee tiyak na may gagawin siya kay Summer upang mailayo siya sayo... at hindi lang yun."
"Alam mo bang mortal na magkaaway si Mr. Lee at ang ama niya?"
Napakunot noo ako. Si Papa? at ano naman ang kinalaman ng ama ni Summer sa kanya.
"Kaya kung ako sayo... unahin mo munang tapusin ang misyon mo. Hindi mo ako kaaway... sinasabi ko ng lahat nang ito upang balaan ka."
Napahinga ako ng malalim saka ako napaupo.
"Tama ka. Salamat."
Sabi ko.
Tumango naman siya tsaka ako tinapik sa balikat.
"Bukas ng gabi... magkita tayo sa bahay nila."
Kinabukasan...
Nakaupo ako sa sementong harang habang hinahangin ng malakas ang maikli kong buhok.
Kita ko mula rito ang maliliit na figura ng mga estudyanteng naglalakad mula sa baba.
"Baka mahulog ka dyan."
Umikot ako upang harapin ang taong nagsalita.
Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Summer. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niyang napakaganda.
Pinakamagandang babae na nakilala ko.
Lumapit siya sa akin saka niya inilapat ang mga palad niya sa magkabilaan kong pisngi.
"Kapag tinititigan mo ako ng ganyan pakiramdam ko ako na ang pinakamagandang nilalang sa buong mundo."
Bulong niya.
"Nicole?"
Tawag niya.
"Hmm?"
sagot ko.
"Pwede bang ipangako mo sa akin?"
"Na hinding hindi mo na ako iiwan? ipangako mo sa akin na hinding hindi ka na mawawala sa paningin ko."
BINABASA MO ANG
The Assassin's Heart (gxg)
Romance"White resembles purity, but to me... it's the opposite."