K O R U P S Y O N

17 2 0
                                    


Kasama,

Ngumiti ang Kaibigan
Kinamayan ang Nanunungkulan
Inabot ang sobre
Kung saan naka pirme

Pag sisikap ng Pilipino
Pag tatrabaho para sa mundo
Pag patak ng isang piso
Pag pulot ng pangulo

Para ito sa Bansa!
Kalokohan mga paasa!
Isang sako ng bigas sa nasalanta
Tinago at Kinimkim pa?

Bagyohin, Hanginin, Lampasuhin
Taong nasiraan kilalanin
Ibigay ang nararapat para sa kanila
Huwag itago at ikatuwa

Yaman ka? O yaman ng bansa?
Etneb Etneb lang aking kinikita
Porket makitid utak ay kinawawa
Isang pang aalipusta ginawa

Pagod na ako! Nag hihingalo
Lahat nalang ng gagawin ko para sayo
Lahat ng akong inani nabawasan
Lahat ng butil napunta sa kalamnan

Kalamnan ninyo! Kalamnan ninyo
Nanghihina mga tuhod ko
Matanda na at uugod ugod
Parang awa niyo na maging patay kayo

Mataas ang kinabibilangan
Oo nat kami ang nahihirapan
Lahat ng aming kwarta nawala
Napunta sa bulsa ninyong daig pa si santa

Nag sisilbi,
Nag tatrabahong
ama para sa kanyang
anak

KORUPSYONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon